Pagpasok na pagpasok ko ng school may humila sa bag ko. Nakablind fold pa talaga ako ha? E alam ko naman din na sina Aya to. Tawa ako ng tawa pero hindi man lang sila nagrereact habang nakatakip ang mga mata ko. Naglalakad kami pero hindi ko alam saan papunta to. Nang naramdaman kong mas malayo ito sa nilalakad ko papuntang room namin ay tinanggal ko ang blind fold at nabigla ako sa nakita ko...
Bat siya andito?
Anong ginagawa nya dito?
"J-jacob..."
"Sobrang namiss na kita e."
"B-bakit ka a-andito?"
"Hindi kaba masaya nakita moko?"
Paano ko sasabihin to? Ayan nanaman kami.
"J-jacob kailangan nating mag usap."
"Yung mga tingin mong ganyan. Alam ko na."
Pagpasok ko ng room ay mugto ang mga mata ko. Hindi ko alam paano ako haharap kina Aya nang ganito ang itsura ko. Binilisan ko ang pag upo at yumuko nalang sa arm chair ko. Pagyuko ko bumuhos nanaman ang mga luha. Nandito sila Aya at Rachelle kase nandito ang mga crush nila. Kaya sobrang dalas padin kaming magkakasama kahit magkakaiba na kaming building. Pati si Angelica andito hinihintay yung crush nya sa kabilang section. Bawat patak nito alam kong may nasasaktan din.
"Faith... okay kalang ba?" ani Rachelle.
"Oo Rach, okay lang." Pero kahit ako hindi kumbinsido sa boses ko na halos paos at walang lakas.
Bigla akong niyakap ni Rachelle at naramdaman ko din ang pagsunod ng yakap ni Aya at Angelica. Nakapa swerte ko na sa ganitong pagkakataon ay may mapagsasabihan ako ng problema. Hindi man problema pero ng hapdi at sakit.
"So kayo na ni sir Mikko?" Ani Angelica
"Hindi pa"
"Hindi pa? So may balak teh?" Ani Rachelle
"Hindi ngayon, pag okay na lahat."
"Tulad ng?" Ani Aya
"Tulad ng paglimot sa kin ni Jacob..."
"Wow. Ano teh? Maghihintay ng isang daang taon yang si Mikko?" Sabay sabay nilang sabi.
"Bigyan lang natin sya ng oras. Matatanggap nya din."
"Matatanggap pero matagal. Alam mo kasi fren hindi yan iiyak kung panandalian lang yung nararamdaman nya sayo." Ani Aya
"Alam ko naman yon Aya, pero diba? Nasasanay din naman kaya minsan nagiging okay na."
"Exactly, nasasanay lang pero hindi nakakamove on. Magkaiba yon." Ani Angelica
Natapos ang pag uusap namin ng dumating ang prof naman at nag sipasukan nadin sila sa kani-kaniya nilang classroom.
Habang nagdidiscuss ang biology teacher namin napag isip isip ko. Totoo ang sinabi ni Angelica. Minsan hindi naman talaga tayo nakakamove on. Nasasanay lang ang puso natin sa paulit ulit na sakit. Hay, anong gagawin ko para mabawasan man lang ng konti ang nararamdamang sakit ni Jacob? E wala e. Si Mikko mahal ko talaga yun.
Pagtapos ng Biology ay break na. Papunta ako sa room ni Aya nang magchat si Mikko. Hindi namin alam ang numero ng isa't isa. Tska okay naman din sa messenger hindi na kailangan ng load.
Mikko Buenaventura
Faith? Goodmorning. Sorry ngayon lang ako nakapagchat. Maaga din ako pumasok e. Kumain kanaba? Ingat ka ha.
Hindi ko maiwasang mapangisi sa nabasa ko.
"Saya mo ah?" Ani Jake.
Crush daw ako nito dati sabi nya. Hindi naman ako naniniwala kasi madami talaga syang collection na babae. Well, sorry kasi hindi ako nagkakagusto sa 'gwapo lang'
"Nagtext boyfriend mo?"
"Ah hindi ko pa boyfriend."
"Wow naman Faith, buti naman pala may napapansin kapa sa mga nagkakagusto sayo no."
Bitter ang pagsabi nya nito kaya napangawa ang panga ko sa kanya. Bakit parang galit sya?
"Jake..."
"Sige Faith, mauuna na ako."
Bakit pag sumasaya ako lagi akong may nakakasalubong para maging malungkot? Bakit parang feeling ko sumasaya ako pero panandalian lang?
Hinayaan ko nalang at nagreply nalang kay Mikko habang papunta sa room ni Aya.
Faith Bernardo
Hi, its okay. Papunta ako sa room ni Aya ngayon. Kakain palang kami. Ikaw? :)
Bago ako makasakay ng elevator ay nagchat na sya.
Mikko Buenaventura
Eto kakain palang kasama mga co-teachers. Sino kasabay nyo? Wag tatabi sa iba ha.
Napangisi ako. Ang corny din pala nito pero ang cute pakinggan.
Faith Bernardo
Opo. Hahaha osya na mamaya nalang.
Nang makarating ako sa room ni Aya ay nagkwentuhan agad kami tungkol kay Jake at sa mga chat ni Mikko na nagiging corny talaga ngayon. Hindi namin kasabay si Angelica at Rachelle dahil niyaya daw si Rachelle ng crush nya si Angelica naman may gagawin daw. Pinaka masipag talaga si Angelica saamin. Kaya sanay nakami pag hindi sya sumasabay.
"Alam mo kase si Jake minsan lang magseryoso sa mga nagugustuhan nya yan at pag nagustuhan nya talaga ang isang babae kahit madami pa syang kausap na iba iisa lang talaga ang nasa puso nya. Well, loyal pero hindi faithful." Ani Aya
"Hayaan mo nalang Aya."
Pagpasok ng canteen nakaupo si Jake malapit sa bakanteng upuan na pagpupwestuhan din sana namin. Lilipat na sana kami ng hinila ako ni Aya palapit don.
Nakaupo ako malapit sa tabi ni Jake. Sumusulyap sya saakin pero hindi ko sya tinitignan. Naalala ko tuloy ang chat ni Mikko 'wag kang tumabi sa iba ha?' Okay lang naman siguro to kasi di naman din sadya at malayo din naman.
Pagkatapos kumain ay tumayo na ako at aalis na sana kami ni Aya ng hawakan ni Jake ang kamay ko.
"Faith..." aniya.
"Woah" sabi ng mga kasamahan nya na para bang natatawa sa ginagawang eksena ni Jake.
"Ano yon? Bilis late na kami sa klase."
"Faith kase mahal kita! Bat hindi mo maramdaman yun ha?"
Nabigla ako sa biglaang pagsabi nun ni Jake kahit mahina. Napayuko sya at nahiya siguro sa ginawa nya. Parang binigyan ng glue ang bibig ko at di ko mabuksan, hindi ako makapagsalita.
"Oo alam kong may nanliligaw na sayo pero hindi naman huli ang lahat para gumawa ako ng move ko. Gusto ko lang ipaalam sayo na liligawan din kita."
Tumayo at umalis na. Naiwan kami ni Aya na shock na shock sa mga sinabi at ginawa ni Jake. What was that?! Nababaliw na ba sya?! Poproblemahin ko din ba sya gaya nang kay Jacob?
"Sis anong gagawin mo nyan? Naglalaban din pala itong si Jake?" Ani Aya
Maski ako hindi ko alam ang isasagot ko at tulala padin ako. Bakit ang hirap kausap ng mga tao ngayon? Anong nangyayari sakanila? Hindi ba sila makaintindi na ayaw ko nga?
BINABASA MO ANG
I'm inlove with my Teacher
Teen FictionMikko is a teacher who is really passionate to his work. He is very close to his students and a very cheerful teacher. Then he met Faith who wants to be a doctor. Faith has a crush on Mikko, until Mikko found out that he has feelings for Faith.