Ilang araw pa ang nagdaan at naghanap hanap ulit ako ng school sa Melbourne. Ayokong makadagdag pa sa mga mahal na gastusin. Gusto ko din kasing mag working student.
Nang naglalakad lakad ako ay nakita ko ang Wesley College. Kaya sinubukan kong pumasok sa loob para makapag inquire din at maasikaso ko na agad bago mag pasukan dito. Sa unang linggo ng Pebrero ay mag uumpisa na ang klase dito.
Habang nag lalakad ako papunta sa admission office ng Wesley College ay nakikita ko ang ibang mga estudyante dito na nag sasanay para sa kani-kaniya nilang sports. Madami din pala ang athletic dito. Naalala ko noong sa Pilipinas pa ako ay tuwing tumitingin ako sa Gymnasium ng eskwelahan ay nakikita ko si Mikko na naglalaro at kausap ang mga iba nyang estudyante habang sya ay nag o-OJT.
Sa sobrang pagtitig ko sa kawalan ay hindi ko napansin ang bola ng soccer na patama sa ulo ko kaya ako natumba.
"Miss, I'm really sorry. Are you okay?" Sabi ng isang Australiano na estudyante ng Wesley College.
"Yah, I'm okay. Thank you." Sabi ko habang kinuha ang kamay nya para makatayo.
Nang paalis na sana sya ay bigla ulit syang tumigil at nilapitan ulit ako.
"Uhm, May I ask something?" Sabi nya
Tumango lang ako.
"What are you doing here? Are you a professor or what?" He asked.
"No. I'm here to inquire. I'm still thinking if I want to enroll here." I replied.
Nag smile sya. Ang cute nyang ngumiti. Labas ang dimple nya sa kaliwang pisngi at ang pawis nyang mukha pati ang magulo nyang buhok na lalong nakapag pa gwapo sakanya.
"Oh, yah I see. By the way, I'm Darren Taylor college student." He said.
"I'm Faith Bernardo. Nice to meet you, Mr. Taylor." I smiled.
At sa kalagitnaan ng pag uusap namin ni Darren Taylor ay tinawag na sya ng kaniyang mga team mates at hindi ko napansin na nagchat pala si Mikko.
Mikko Buenaventura
Hi my love, how are you there? I'm going to Angeles University Foundation now to pass some requirements for work. Take care okay? I love you
Hindi ko naiwasang mapangiti habang papunta sa admission at nag reply naman din ako sakanya.
Faith Bernardo
Hello Mik, I'm here at Wesley College. Ingat ka ha.
Nang makarating ako sa admission ay binigyan nila akong maliit na brochure at nandoon lahat ng pwedeng pagpilian na program pati na rin ang ibang facilities ng school.
Habang papunta ako sa gate ng school ay may sumulpot sa harap ko.
"Oh, Darren right?" Sabi ko.
"Yes. You remembered huh?" At ngumiti sya ng may halong pang aasar. He's cute.
"So where are you going now? Are you done?" He asked me.
"Oh, yes. I just got this brochure. I think I'm going home." Mahinahon kong sabi dahil pakiramdam ko ay yayayain nya akong lumabas.
"Uhm I just want to ask if you want to go out with me. I mean you know, coffee?" Pag aalinlangan nyang tanong.
At dahil sa mabait naman sya at magaan naman ang pakiramdam ko sakanya ay pinagbigyan ko na sya.
Habang nasa byahe kami at nakasakay sa kotse nya ay nagtanong ako ng ibang pwedeng malaman tungkol sa Wesley at sakanya.
"Are you an athlete?" I asked.
"Uhm yes." He smiled. "I really want to be a part of the Wesley College soccer team and at the same time I'm a nursing student. How about you?" He asked.
"I also want to be a nurse or medical technologist. I'm from Philippines and I'm just new here. So I don't really know some other places here."
Nauubusan na ako ng english dito. Hindi ako na-inform na may makikilala pala ako ngayon na Australiano.
Nag online ulit ako sa messenger at nakita kong may limang chat si Mikko.
Mikko Buenaventura
I'm here
Hey baby?
Are you busy?
What are you doing love?
I saw a photo of you with someone. I think he's a new friend of yours. :)
Paano nya nalaman na may kasama ako ngayon? Magkakilala ba sila ni Darren? Malabo e. Kasi someone so hindi nya alam ang pangalan ni Darren. And yes, he's just only a friend.
Nagtype din ako ng pwedeng ma-ireply sakanya.
Faith Bernardo
Mik, I met him at Wesley. He asked me to go for a coffee. I guess it's okay. Paano mo nalaman na I'm with someone?
Nakarating nakami dito sa Manchester Press mukhang mamahalin dahil sa disensyo palang ng labas ay napakaganda na. Pati sa loob ay sobrang ganda. At ang mga upuan ay parang mamahalin din.
"Darren, Isn't too much expensive here?" I asked
"No, it's okay. It is owned by my Aunt." He smiled.
Napatingin kami sa biglang tumawag kay Darren. She looks so young and very pretty.
"Darren!! Oh my God. Is this your girlfriend?" She asked Darren
"No, not yet" they laughed "She's my friend."
Pinagkilala nya kami at nag order na ako ng cappuccino. Ganun na rin kasi ang inorder ni Darren.
Sa pag kukwento ni Darren si Aunt Louise ang nag alaga sakanya mula pa nung bata sya. Wala syang kapatid at patay na ang mga magulang nya. Sakto at walang asawa at anak si Aunt Louise kaya sya na ang nag alaga kay Darren.
"Uhm, Faith. If you don't mind, do you have a boyfriend already?" He asked
"No, Darren but I'm into someone. He's very special to me and I love him too."
"I see. But what if I like you?" He smiled
Nabigla ako kaya medyo napaso ako habang iniinom ang kape.
"Hey are you okay? I'm just kidding." Pagbibiro nya.
Hay salamat naman.
Nagkwentuhan pa kami dahil tutulungan nya daw ako makapag adjust sa school at pwede raw akong sumabay pumasok sakanya dahil taga Williamstown din sya.
Habang nagkkwentuhan kami ay nag check ako ng messages.
Mikko Buenaventura
Jake sent me a photo of you
Are you still with him?
Faith
Kaya nag reply nadin ako agad agad
Faith Bernardo
Yes, we just had a friendly talk. Bakit magkausap kayo ni Jake? Nang-istalk ba sya? You know what Mikko, ayoko ng binabantayan. Dati parang ayaw na ayaw nyo isa't isa tapos ngayon nag uupdate sya sayo tungkol sakin?
BINABASA MO ANG
I'm inlove with my Teacher
Teen FictionMikko is a teacher who is really passionate to his work. He is very close to his students and a very cheerful teacher. Then he met Faith who wants to be a doctor. Faith has a crush on Mikko, until Mikko found out that he has feelings for Faith.