Chapter 17

117 6 0
                                    

Paggising ko sa umaga ay 6am palang dito at sa Pilipinas ay 4am palang. Nag open ako ng facebook account nang makita kong online na si Mikko? Aba aga nagising nito?

Naalala ko teacher nga pala. Maaga pumapasok. Nagchat sya at dali dali ako nagreply

Mikko Buenaventura

Hi, Gising kana? 6am palang dyan ah?

I smiled. Omg, I miss you baby ...

Faith Bernardo

Good morning, Yeah. Maglilinis kasi kami mamaya. Ang ganda ng morning dito :)

Mikko Buenaventura

Mas maganda morning dito kung andito ka.. i miss you already. Uwi kana please

Ramdam ko ang pangungulila ni Mikko. Miss na miss ko na din naman sya pero kailangan kong mag aral. Mag eenroll ako next week for 1st year college talaga.

Faith Bernardo

Mik, I want too. Matagal pa pero kaya ko 'to. Gaya nga ng sabi ko sayo if you found the right girl for you, please dont miss your moment :) I'll always support you, promise!

Kahit medyo kumirot ang puso ko don ay hinayaan ko ang sarili kong sabihin ang mga salitang ayokong bitawan dahil alam ko sa sarili ko pag nakita ko syang may kasama ng iba ay hindi ko kakayanin.

Nakatulog ulit ako ng hindi ko namamalayan. Kaya pag gising ko ay 11 am na. Si tita ang kasama ko dito pero pupunta na din dito si papa. Tapos sa sunod na buwan ay si mama.

Lumabas muna ako ng bahay dahil medyo malamig ang panahon ay doble ang jacket ko. Sa Melbourne, Australia kami. Parang Pilipinas lang din pero malamig lang ang klima. Malinis din sobra. Kaya hindi masakit sa paningin. Pumunta ako sa Brighton Beach, pero sobrang lamig din ng hangin. Ang ganda siguro dito pag summer. Ilang sandali akong naupo sa buhangin ng napagdesisyunan kong umalis na. Wala din gaanong tao dahil malamig. Nagtungo ako sa Green Point tanaw mo din naman dito ang Brighton Beach pero sobrang peaceful ng lugar na to.

Nag pahangin ako sa Green Point at pumikit ako habang dama ang hangin na humahampas sa mukha ko. Sobrang sarap. Muli kong naalala ang mga alaala na binaon ko bago lisanin ang Pilipinas. Namimiss ko na sila, kung Manila lang to 2-3 hours lang ang byahe papunta sa Pampanga kaso hindi e. Sobrang layo ko na. Namiss kona si Mikko.

Hindi ko namamalayan na tumulo ang luha ko. Nang may humawak sa balikat ko at nakita ko si Jake. Jake Arandia???

"Omg! Jake?"

"Yup. Kakadating lang din naman kaninang 6am. Naglalakad lakad ako when I saw you. Likod palang alam kong ikaw na. Nagtaka din ako at first sabi ko imposibleng nandito si Faith. Then, confirmed!" He explained.

Oh my God! It's Jake!

Bigla ko nalang syang niyakap nang hindi nalalaman ang dahilan. Siguro sa pangungulila ko din kay Mikko.

"Faith? Are you okay? I saw you crying.."

No, I'm not okay. I just wanna go home and spend more time with my Mikko but I just can't. And reading his messages is a torture.

"Sorry, Jake. Kinailangan ko lang ng yakap. Hehe"

Then we laughed. This is how we used to be. We took photo and pinost ko agad sa instagram with the caption "Reunited". Ilang sandali lang ay nakita ko ang pangalan ni Mikko sa mga nag like. At ilang sandali ay nagchat sya.

Mikko Buenaventura

Are you with Him?

Mabilis lang ako nagreply dahil wala naman akong nakikitang mali dahil lang sa kasama ko sya.

Faith Bernardo

Yes. I'm with Jake. And I'm so thankful dahil may kakilala akong pinoy dito :)

Mikko Buenaventura

Yeah, You really look so happy huh

Faith Bernardo

Mik? Is there any problem with that?

Sineen lang nya ako. Anong problema don? He's my schoolmate and friend. Heto ba yung sinasabi nilang mahirap ang LDR? Dahil unti unting nababawasan ang trust? Well, hindi pa naman kami. Wala naman kami, pero nirerespeto ko kung anong meron kami. Ang panliligaw nya. At hindi ako gumagawa ng ikasisira non.

2pm nang sinabi ko kay Jake na uuwi muna ako.

"Ah Jake? I need to go home muna. Kanina pa din ako wala sa bahay."

"Sure. Hatid na kita dala ko din car ni Mommy. Saan kaba?" Aniya

"Williamstown ako—"

"Really? Doon din kami!" Masaya nyang sinabi

"Yah? Grabe!! Tignan mo nga naman" I laughed "oh tara na"

At nagtungo na kami sa kotse nya. Hindi naman din kalayuan ang Brighton beach sa Williamstown mga 25 minutes lang pero dahil naglakad ako kanina ay isang oras bago ako nakarating.

Nang makarating kami sa bahay ay wala na si tita dahil pupunta syang North Brighton. Doon yata yung work nya ngayon. Pinapasok ko muna si Jake. Pinark nya ang kotse sa may garahe. May kalakihan ang bahay dito sa Williamstown, Melbourne. Puti ang kulay halos salamin lahat ang disenyo. At may pool sa side.

"Ikaw lang ba mag isa dito nyan?" Jake asked

"Yup. Bukas o sa makalawa pa uuwi si tita."

"Oh I see. Edi dinner kanalang sa amin."

"No, I'm okay here. I can cook naman. Ano gusto mo miryenda?"

Hindi sya sumasagot kaya tinignan ko sya. Nakatingin sya ng diretso sa akin.

"Jake?"

"Ahh, okay lang ako. Hindi naman ako gutom."

"Osige, wait here. Magpapalit lang ako ng damit."

Dahil medyo mainit na pagpasok sa bahay. Nag t shirt at shorts lang ako pero hindi ganon kaikli. Sa taas sya ng tuhod.

"Buti pinayagan ka ni Mikko na pumunta dito?" He asked

"Alam mo Jake, wala naman akong choice at wala din syang choice." Sabi ko habang may ginagawa sa laptop. Magkaharapan kami dahil nasa dining table kami.

"Ang tatag nyo.." Aniya pero narinig ko.

"Syempre naman. Pero nanliligaw padin sya. Ayoko lang kasing bigay nalang ulit ng basta basta yung tiwala ko sakanya. Alam kong alam mo kung ano ang nangyari."

"Ah yah, kung ako yon di ko gagawin sayo yun." Aniya

"Lahat naman tayo nasasabi yan sa una. Pero wala natutukso pa din. Tao lang tayo ano kaba"

Nabigla ako sa pag tabi ni Jake sa laptop ko.

"What are you doing?" Sabi ko ng may halong pagtataka

"Faith? Wala ba talaga akong chance sayo?" At lumapit sya. Sinubukan nya akong halikan pero nakaiwas ako.

"ANO BANG GINAGAWA MO JAKE??"

"I'm sorry. Hindi ko lang talaga magawang alisin yung feelings ko for you." Mahinahon nyang sabi

Sorry Jake, pero hindi ko din magawang mahalin ka. I'm into someone.

"Sunduin nalang kita mamayang 7pm. Natext ko na din si mama na dun kita pinagdidinner."

"A-ahm. Okay, ingat ka. Thank you."

Pagtalikod nya ay muli ko syang tinawag.

"I'm sorry Jake."

At hindi na sya muling lumingon.

I'm inlove with my TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon