Chapter 29

97 7 0
                                    


Sa pagdaan ng anim na taon license holder na ako. Registered Medical Technologist na, finally! Noong nag take ako ng board sa Manila akala ko hindi ko kakayanin, but Mikko cheered me up. Hindi nya ako iniwan. Tuwing nagrereview ako tinutulungan nya ako kahit busy din sya sa school.


Hindi na muna ako nag enroll sa Med school pero pinaplano ko ng mag exam sa NMAT.


Darren Taylor is calling you.

[Hey! Kamusta na kayo ni Aya dyan?] Tanong ko. Pagkagraduate ni Aya ay kinuha sya ni Darren. She's also planning to take the med school in Australia.


[We're fine. Kailan ka ba susunod dito?] Ani Aya.


[Secret, hindi ko pa talaga alam. Siguro pag nakapag ipon na ako for med school.]


[Bilisan mo ha, Ingat kayo ni Sir Mikko dyan. Also, kina Rache and Angel. Miss you guys] Nagpanggap pa si Aya na naiiyak.


Pagbangon ko ay naglinis na ako sa bahay. Mamaya pa naman gabi yung duty ko sa Sacred Heart Medical Center. Susunduin ako ni Mikko.


For the past 6 years, parang araw-araw pa rin akong nililigawan ni Mikko. Sobrang namangha din ako sa consistency nya.


Habang na nagpapahinga ako sa veranda ay tinawag ako ni Mama.


"Nak, nagpaplano kami ng Papa mo na bisitahin si Tita Ly mo sa Australia. Gusto mo bang sumama?"


"Hindi, Ma. Hindi po ako pwede e. Alam nyo naman po may duty ako."


"Huwag mo naman abusuhin ang sarili mo, Nak ha. Parang sa hospital kana nakatira." Pagbibiro ni Mama.

Nang mag alas-sais ng gabi ay nakaligo na ako. Nag aayos nalang ako at hinihintay nalang si Mikko na sunduin ako. His father bought him a new car. Gift daw nya yon para sa 5th anniversary namin last year. Kasal nalang daw ang kulang sa amin.


Ilang sandali pa ay narinig ko na ang boses ni Mikko sa baba kausap si Papa. Unti unti akong lumapit sa pinto ng kwarto ko at nakinig.


"Tito, dinner po kami ni, Faith." Ani Mikko.


"Okay, anak. Huwag kayo masyado papagabi ha?"


"Yes po, Tito."


Pumanik na si Mikko sa taas kaya nagmadali ulit akong maupo sa harap ng salamin para kunwari ay nag aayos ako.


"Tapos kana, babe?" He asked


"Hindi pa. Tagalan ko pa." Paghalakhak ko.


"Okay." He pouted.

Tumabi ako sa kanya. He looked tired kaya niyakap ko sya.


"Are you tired? Pwede naman natin na i-resched 'to e. Rest ka muna." Sabi ko habang nakayakap sa kanya.


"Nung nakita kita kanina. Okay na ako."


"What do you mean, love?" Nakayakap pa rin ako sa kanya.


"Lalo na nung niyakap mo ako. Na-recharge ulit ako."


Hindi ko alam kung ano na ang itsura ko ngayon. Hindi naman ako nag blush on pero feeling ko pulang pula na ang pisngi ko sa mga oras na 'to.


"Let's go?" Hinawakan nya ang kamay ko at tinayo na ako. Tumango na rin ako para hindi na kami masyadong gabihin. Nagpaalam na din kami kay Mama at Papa.


Dinala nya ako sa House of Chops sa Clark. Nag order sya ng Steak and Buttermilk Fried Chicken. Ano bang meron bakit ganito sya kasweet ngayon? Bigla bigla nalang nag aaya.


"How's school, babe?" I asked.


"Fine, sobrang kulit ng mga students ko pero okay lang naman. Nakita ko nga pala si Angel kanina sa AUF mukhang may binisita." Pagtawa nya.


"Oh really? Magkaka lovelife na ba bunso namin?"


"I think so. E ikaw? Kamusta work? Wala bang nurse, doctor, or kahit sinong nagpapacute sayo doon?" Mukha syang seryoso kaya natawa ako.


"Mikko naman, wala no."


"Magpapa check-up ako don kahit wala akong sakit." Seryoso pa rin sya.


"At bakit?"


"Gusto lang kitang makita."


Magsasalita pa sana ako pero dumating na ang foods. Gutom na rin ako hindi ako nag miryenda kanina.


Habang nag uusap kami ay may biglang lumapit na lalaki sa side ng table namin. Nanlaki ang mata ko.


"Hi, Faith."


"K-kiel? W-what are you doing here?"


Nanatili ang mga mata ni Mikko kay Kiel na nakatayo sa harapan namin ngayon.


"Good evening, pwede ko bang makausap si Faith?" He asked Mikko.


"Yes, but please let Faith finish her food muna." Mikko answered.


"I'll be back nalang, Faith. Excuse me." At umupo sya next to our table.


"Bakit ka pumayag?" Tanong ko kay Mikko.


"Bakit hindi ako papayag kung alam ko naman na hindi ka nya maaagaw sakin?"


"Mikko ha, nakakailang banat kana"


"Sinasabi ko lang yung totoo, Faith. Hindi rin naman ako papayag kung kukunin ka nya sakin."

After namin mag dinner ay pumunta na sa kotse si Mikko. Doon nalang daw nya ako hihintayin. Umupo sa harap ko si Kiel.


"Kiel, please sabihin mo na yung sasabihin mo."


"I-I just want to say sorry for everything. Mula nung nag cheat ako sayo, nasira kayo ni Mikko and everything. I also want to congratulate you for what you have right now. Alam kong ito yung gusto mong maabot. You're working at the hospital and you have Mikko."


Naalala ko lahat ng nangyari noon. Pero wala na sakin dahil masaya nakami ni Mikko. Kung hindi nangyari 'yon ay hindi naman kami magkaka mabutihan ni Mikko.


"Wala na 'yon, Kiel. Okay na. Pinatawad na kita, gusto ko lang din for you is to be happy. We deserve to be happy."


"Thank you, Faith. I know na I can't give you the happiness. Si Mikko talaga yung makakapag bigay non." He smiled.


"Yes. I am so blessed to have him."


"Okay, Faith. Ingat kayo ha?"


"Thanks." I nodded.


Pagsakay ko ng kotse ay nakangiti si Mikko.


"Bakit ka nakangiti dyan?"


"Ang ganda mo kasi habang palabas sa pinto."


Hinampas ko sya sa braso.


"Kanina ka pa. Hindi ko alam kung may nagawa kabang kasalanan or what."


"Hey, baby? Bakit naman? Hinding hindi ko sisirain ang tiwala ng magulang mo sakin and of course, yung tiwala mo. Pinasasalamatan ko din si Kiel dahil sa kanya nabigyan ako ng chance to make you happy."


Hinawakan nya yung mukha ko at hinalikan ako ng mariin. Bumitaw lang sya sa halik ng hindi na kami makahinga pareho.


"At araw-araw kitang pasasayahin. Hindi ko hahayaang magsisi ka na pinili mo ako. Love, ikaw lang din yung babaeng paulit ulit kong hihilingin sa langit."

I'm inlove with my TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon