Chapter 27

92 8 0
                                    


Nasa Camp John Hay kami ngayon at medyo inis si Aya kasi late ako nagising at medyo mataas na ang araw nang bumangon ako. Si Mikko ay maaga pa din nagising hindi ko alam kung natulog pa ba yon dahil mukha naman syang fresh, char.


Nasa loob kami ng The Manor at nag order ng Chocolate cake and coffee, habang si Darren at Aya ay kumukuha ng picture sa labas.


"Are you sleepy?" I asked Mikko.


"No, hindi naman masyado. Ikaw ba?" Pagsagot nya


"Hindi rin. Late nga ako nagising diba."


"You still look pretty, babe." Pagkindat nya.


Sinubuan ko nalang sya ng cake at tumawa. Kakaiba talaga boyfriend ko. Nang matapos maglibot si Aya at Darren ay pumunta kami sa Amare La Cucina para kumain, nag order lang kami ng White Pizza para sa aming apat at Pesto alla Genovese sakin, kay Mikko naman ay Ala Carbonara with egg and freshly grated parmigiano reggiano and parsley. Kay Darren at Aya ay pareho sila ng inorder na Frutti di Mare, mixed seafoods 'yon with tomato sauce.


"Punta ba tayong night market mamaya?" Tanong ni Aya


"Hindi." Pagbibiro ko


"Eh kung isubo ko lahat sayo 'to?" Pagturo nya sa White Pizza.


Humalakhak ako ng kaonti dahil sa inis na mukha ni Aya. Kahapon pa sya naiinis sakin.


"Sa Baguio Cathedral kaya tayo magpakasal babe? Tapos reception sa The Manor?" Biglaang pagsasalita ni Mikko kaya nasamid ako at napainom ng tubig na inabot ni Aya na tumatawa ngayon.


"U-uh" Hindi ako makapagsalita.


"Okay lang naman na hindi mo sagutin ngayon, naisip ko lang kasi ang ganda sa Baguio." Pagpapaliwanag ni Mikko.


Hindi naman sa ayaw ko syang pakasalan. Gusto ko kasi pareho ng stable lahat bago kami magpakasal.


Nang matapos kaming kumakain ay pumunta kami sa Mines View para makapag take pa kami ng maraming picture. Habang nakaupo ako dun sa may bench ay pumikit ako at dinama ang malamig na hangin ng Baguio.


Kinuhanan ko ng picture ang Mines View at popost ko sana sa instagram story ko ng makitang may story si Mikko.


Picture ko 'yon ng nakapikit at dinadama ang malamig na hangin. May caption pa sya sa gilid 'beautiful day with this beautiful lady.' Nag text pa ako at nakitang tatlo pala ang pinost nyang picture ko sa story nya yung isa ay magkasama kami 'priceless' at yung last ay nakatalikod ako at nakaharap sa bundok 'i love you everyday'


Natuwa ako sa story ni Mikko at wala na akong mahihiling pa kung hindi ang manatili kaming ganito. Makakayanan lahat namin ni Mikko basta sinasama lang namin ang Diyos sa relasyon namin.

I'm inlove with my TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon