Hi guys, sorry natagalan na sa pag update. Medyo nabusy din kasi nung summer.
Subscribe kayo sa yt channel ko: Jinnesa Pineda
HAHAHAHAHAHA
—
Chapter 14
Ilang linggo ang nagdaan puro text, call, at chat yung natanggap ko kay Mikko. Pero wala, nawalan akong gana sa lahat ng bagay. Ni pagpunta sa church di ko na nagagawa. Pati pakikisama sa mga kaibigan ko nawalan na din akong time. Ang daming nagbago sa akin, pati ako napansin naman din yun. Namiss ko na din yung dating ako. Binago ako ni Mikko, binago ako ng sakit na dulot nya.
Pumapasok ako sa school ng lanta. Pati grades ko nagbago. Hindi ako masyado kinakausap nila Rachelle at Aya ngayon dahil galit din sila sa pagbabago ko. Hindi ko rin naman kasi alam paano ibalik yung dating ako. Aminado naman ako na hangga ngayon masakit padin. Pero salamat sa nag iisang taong di ako iniwan at sinukuan, nakita ko ang mga effort ni Kiel hindi bilang isang manliligaw ulet.. kung hindi bilang isang kaibigan na maasahan mo.
"Kanina kapa tulala ha? Okay ka lang? Stress ka ba?" Ani Kiel
Iling lang ang tanging sagot ko. Papunta kaming Vista Mall ngayon, sa coffee project. Gusto ko lang mag refresh. Kakatapos lang ng klase ko at sinundo nya ko. Nag stop si Kiel ng pag aaral kaya hindi kami magka year. Pero sabi nya itutuloy na daw nya ulit next school year. Well, good for him.
Pagbaba ko ng sasakyan ay may nasilayan akong isang lalaking nakatingin sa akin. Kapansin pansin din ang kanyang masamang tingin sa kasama ko.
Anong ginagawa ni Mikko dito? Baka may kadate? Tsk.
Nakita ko ang paglabas ng isang babaeng naka uniform na pang teacher din. So may kinikita na rin pala syang iba? Ganyan ba talaga ako kabilis palitan? Ganun ba ako kadaling kalimutan?
Pinigilan ko ang pagbabanta ng mga luha sa aking mata. Kailangan kong magmukhang maayos na. Inakbayan ako ni Kiel, nabigla din ako sa ginawa nya. Ayokong gamitin si Kiel para lang mapakita kay Mikko na maayos ang kalagayan ko.
Papalapit kami sa Coffee Project ng hinalikan ni Kiel ang ulo ko. Napatigil ako sa paglalakad at tumingin sakanya na nakangiti sa akin.
"Trust me on this, baby" bulong nya.
Nangilabot ako dahil sa naramdaman ko ang paghinga nya sa tenga ko. Pinalupot nya ang kamay nya sa baywang ko at tuloy tuloy na pumasok sa loob ng Coffee Project. Naramdaman ko ang pagsunod ni Mikko dahil sa bigat ng kanyang mga yapak.
"So you guys seeing each other huh?" Sabi ni Mikko na may halong inis sa kanyang pananalita.
"Yup, may problema ba bro?" Sagot ni Kiel
Nagkatinginan si Kiel at Mikko mata sa mata. Naramdaman ko ang pag init ng dalawa kaya pumagitna ako at nagsalita na.
"Wala naman sigurong problema don.. SIR Mikko" Matigas kong sabi.
Nabaling sa akin ang tingin ni Mikko.
"Ang dali pala para sayo, Faith" Ani Mikko
"Sige na Sir, naghihintay na date mo." Sabi ko at tumalikod na para umorder.
Napatingin ako sa mga tao sa paligid at nakita ko ang iba na kumukuha ng litrato. Hindi ko nalang pinansin, wala naman akong pakealam kung mag trending pa yan worldwide. Ill just mind my own business.
Pagkatapos naming umorder ay umupo kami sa dulo kung saan walang masyadong tao.
"Thanks for the coffee, Kiel. Thank you din sa pagharang kay Mikko kanina."
"Wala yon. Nainis lang din ako, kung makapagsalita sya kala mo walang kadate." Ani Kiel
Natawa ako sa pagkukwentuhan namin ni Kiel. Lagi syang ganito, kapag nawawala nako sa mood lagi syang gumagawa ng paraan para mapatawa ako kahit ang corny na ng mga jokes nyo or ang luma na. Ibang Kiel Arvin na ang nakikita ko sa harap ko ngayon. Yung Kiel na gagawin lahat wag ka lang umiyak, yung Kiel na ipagtatanggol ka kapag aping api kana, yung Kiel na isang tawag lang andyan agad. Sana ganun kadali...
Sana ikaw nalang ulit mahalin ko. Sana ikaw nalang lpiliin ko. Kaso hindi m, hindi naman kasi nadidiktahan yung puso kung sino ang dapat at hindi dapat mahalin. Pero mahal ko sya bilang kaibigan. Sana balang araw pag nakalimutan ko na si Mikko, ikaw nalang mahalin ko, Kiel. Sana...
Pagkatapos namin sa Coffee Project ay hinatid na ako sa bahay ni Kiel at umuwi na rin sya agad.
1am ng magising ako. Nagtext si Kiel, nakatulog kasi agad ako pagkauwi.
Kiel Arvin:
Hey, Im home. Rest kana :)
Kiel Arvin:
I guess tulog kana nga. Thank you for today, Faith. Good night. Ill fetch you tomorrow morning.
Natawa ako sa text messages ni Kiel, Grabe. Napaka buting tao. Sana mahanap ni Kiel yung magmamahal sakanya gaya ng pagmamahal nya.
Nakatulog din ako agad kagabi. At paggising ko lumabas ako ng kwarto ng makita ko si Kiel na nakaupo sa sala namin may dalang mc nuggets at coffee. Ang swerte ko naman sa kaibigan kong 'to.
"Thank you, Kiel!! Kumain kanaba?" Sabi ko
"Oo kanina sa bahay. Nag drive thru lang to buy you breakfast. Inagahan ko talaga hehe" Aniya
"Baliw ka talaga. Wait lang ligo lang ako ng mabilis." At tumakbo nako papuntang banyo.
Habang naliligo ako naririnig ko si Mama at Kiel na nag uusap.
"Alam mo, sana ikaw nalang ulit. Napakabait mo sa anak ko. Hindi mo sya iniwan. Kasi kahit sa akin ayaw nya din magsabi ng nararamdaman nya non, hindi ko nalang pinilit para hindi na ako makadagdag sakanya." Sabi ni Mama
"Nako Tita, hindi naman po. Ayaw din po kasi ni Faith na makadagdag po sa mga iniisip nyo. Kaya di nalang po sya nagsalita. Kilala ko po yan kahit malungkot yan palaban po. Hindi po nya susukuan ang mga problema. Nakita nga po namin si Mikko kahapon e." Ani Kiel
"Talaga nak? Saan? Nag usap sila?"
"Opo tita. Hinayaan nalang po ni Faith."
Hindi ko na pinakinggan ang mga ibang napag usapan nila at naligo nalang ako ng mabilis. Ayoko din maalala ang mga nangyari kahapon. Medyo bumibigat lang ang loob ko at madami din pumapasok ng kung ano ano sa isipan ko.
Pagkatapos kong maligo ay nag almusal na ako habang pinanood lang ako ni Kiel at nag ayos na. Nang nasa school nakami, nahagip ng tingin ko ang kotse ni Mikko. Alam na alam ko ang plate number nya. Lumabas sya mula sa loob at tumingin sa direksyon ko.
Anong ginagawa nya dito? May babae nanaman yata syang bago dito? E ano bang pake ko?
Papasok ako ng elevator at agad sinara ni Kiel ang elevator ngunit nahabol ito ni Mikko.
"Faith, can we talk?"
BINABASA MO ANG
I'm inlove with my Teacher
Novela JuvenilMikko is a teacher who is really passionate to his work. He is very close to his students and a very cheerful teacher. Then he met Faith who wants to be a doctor. Faith has a crush on Mikko, until Mikko found out that he has feelings for Faith.