Chapter 13

121 7 0
                                    

Hanggang sa makagraduate na ako ng Senior High School naging totoo si Mikko sa mga pangako nya. Well, hindi ko din ineexpect na hangga ngayon patuloy na humihingi ng pagkakataon si Kiel. Hindi ko alam ano bang nakain nya bat biglang ganito. Pero isa lang ang sigurado ako. Wala na syang puwang sa puso ko. Tinatry ko syang patawarin pero mahirap, maaaring pagdating ng panahon maging magkaibigan kami pero hindi pa ngayon. Dahil mahirap.

Napatingin ako sa aking cellphone nang nakitang may tatlong missed calls si Mikko at dalawang text.

Mikko:

Hey gorgeous, pwede ba kita yayain mag dinner later?

Mikko:

You busy? Its okay. :)

Nagtype ako ng message para makareply mukhang mag iisang oras na ang kanyang text.

Ako:

No, I'm not busy. Sige later 7pm?

Mabilis din syang sumagot sa reply ko.

Mikko:

Okay, sunduin kita ng 7pm sa bahay nyo?

Ako:

Yup :)

Natulog muna ako ng mga dalawang oras bago napagdesisyunang mag ayos na. Naligo ako at nagbihis na. Nag suot ako ng white off shoulder dress and napili ko din suotin ang Stan Smith kong adidas.

Nang mag alas sais ng gabi ay nagtext na si Mikko na papunta na sya. Habang naghihintay ay nanood ako sa sala ng tv. Habang nanonood ay tumunog ang cellphone ko at nakitang nagchat si Kiel.

Kiel Arvin Manansala

Faith? How are you? Can we talk?

Mabilis akong sumagot sa chat nya.

Faith Bernardo

No.

Nakita kong may umilaw na sa labas. Mukhang andito na sya. Pagbukas ko ng pinto bumungad sa akin si Kiel...

Anong ginagawa nya dito?

"What are you doing here—"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil bigla nya akong hinalikan. Hindi ko nagawang manlaban dahil nanghina ang buong katawan ko. Maiinit na halik ang pinakawalan nya. Sabik na mga halik na parang miss na miss nya kong yakapin at hagkan kaya idinaan nya sa mga halik.

Pagbukas nang aking mga mata nakita ko si Kiel na nakahandusay sa sahig at hawak hawak ang labi nyang may dugo. Kitang kita ko ang pag alab ng galit sa mga mata ni Mikko.

Nakita nya...

Nakita nya ang paghalik ni Kiel na hindi ko man lang nagawang pigilan kanina.

Paano ako mag eexplain kay Mikko? Paano ko ipapaliwanag sakanyang nawala ang lakas ko? Dahil sigurado akong hindi nya ako papaniwalaan sa mga oras na ito.

Tinignan nya lang ako sa mata nang punong puno ng panghihinayang at pagkadismaya. Parang sinaksak ang puso ko sa nakikita ko sa mga mata nya. Ang mga matang paborito kong makita. Ang mga matang ngumingiti tuwing nakikita ako.

Hindi ko namalayan na umalis sya sa harap ko at pinaharurot ang Fortuner na sinasakyan nya.

Dinaluhan ko si Kiel mula sa pagkakahandusay sa aming sahig.

"Sorry Faith, hindi ko lang napigilan dahil wala e. Andito ka padin" sabay turo sa puso nya. "Ang hirap mong bawiin e. Alam kong hindi ganun kadali pero tuwing nakikita kita lalong lumalakas ang loob ko. Sorry kung nagalit si Mikko sayo."

Hindi ko magawang magalit dahil alam kong kasalanan ko kung bakit nagalit si Mikko. Dahil kung pinigilan ko si Kiel na halikan ako ay hindi na aabot sa ganito.

"Kiel.. wala kang kasalanan. Ako, ako ang may kasalanan dahil hinayaan kong mangyari ito. Pasensya kana."

"Hindi, don't be sorry. Hindi ko lang magawang pakawalan ka. Pero mukhang ito ang nagiging dahilan nang pagkakalungkot mo." Aniya

Tumulo ang luha sa mga mata ni Kiel. Kahit ang sakit sakit ng ginawa nya noon ay may pinagsamahan kami. Nagpapasalamat din akong wala si mama ngayon at nasa Singapore sya para magtrabaho kasama si Papa.

Niyakap ko nang mahigpit si Kiel. Gusto ko na syang patawarin sana unti unti nang maghilom ang sugat ng kahapon.

Tumayo si Kiel at naglahad ng kamay para pumasok sa Wrangler nya.

"Come on Faith, sundan natin si Mikko." Ngumiti sya habang sinasabi ito.

Tinanggap ko ang kamay nya at sumama sakanya.

Habang papunta kami kay Mikko ay nakita kong nagtweet sya sa bago nyang twitter account.

@buenaventuramik:

Ang sakit pala

@buenaventuramik:

At Coffee Jungle

"Kiel? Pwede bang ihatid mo ako sa Coffee Jungle? Andun daw si Mikko."

"Okay sige."

At pumunta nga kami doon. Pagkababa ko palang ng sasakyan ni Kiel ay nakita ko si Mikko na may kasamang babae. Hinalikan nya si Mikko, at hinalikan din ni Mikko pabalik ang babae.

Nanuyo ang lalamunan ko sa nakikita ko. Hindi ko maalis ang mga mata ko sa nakikita ko ngayon. Hindi ko man lang magalaw ang ulo ko. Bumaba na din sa sasakyan si Kiel dahil nakita nya na din siguro ang nakikita ko. Tumulo ang luha sa mga mata ko. Kasabay ng pagbuhos ng luha ko ay ang pag ulan ng malakas. Napatingin si Mikko sa direksyon namin ni Kiel at aakmang tatayo nang pinigilan sya ng babae at hinalikang muli. Pero pinigilan na ni Mikko. Lumabas ng Coffee Jungle si Mikko pero huli na ang lahat dahil hinila na ako ni Kiel papasok sa Wrangler at umalis na.

Hindi ko namalayang nasa labas nakami nang aming bahay. Hindi parin ako makapaniwala sa nakita ko. Oo, hinayaan kong halikan ako ni Kiel pero hindi ko sya hinalikan pabalik. Maaaring may kasalanan ako pero mas malala ang nagawa ni Mikko. Sarap na sarap sya sa halik ng babaeng yun.

"Faith? Ilabas mo ang nararamdaman mo. Huwag mong pigilan, sorry talaga. Dahil saakin ay nangyayari ito sayo."

"W-wala kang kasalanan—"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil humikbi na ako. Sobrang sakit, alam ko ang naramdaman ni Mikko kaninang nakita nya kami ni Kiel. Gusto kong pigilan si Kiel pero nanghina talaga ako sa ginawa nya.

"Kiel? Ayoko munang umuwi dalhin mo ako sa lugar na pwedeng walang makakita sa atin."

"Umuulan Faith."

"Okay lang."

Pumunta kami sa Greenfields kung saan walang gaanong tao. Pumunta ako sa may madamong lugar at hinayaan ako ni Kiel. Kahit umuulan ay sinabi ko sakanyang huwag nya muna akong sundan. Gusto kong mapag isa. Dahil habang umiiyak ako ay walang makakakita nang mga luha sa mga mata ko dahil kasabay nito ay ang pagbuhos nang malakas na ulan.

I'm inlove with my TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon