Chapter 32

106 7 0
                                    


Maaga akong sinundo ni Mikko para magtungo sa hospital. Iiwanan namin ang car nya sa hospital parking. Dapat daw ay sa bus kaming lahat.


"Are you excited, baby?" Mikko asked.


"Yes, love."


Humalakhak sya. Hindi ko alam anong nakakatawa sa sagot ko.


"Why are you laughing?" I asked.


"Nothing. Ang ganda mo lang kasi." Pag ngisi nya.


Nang makarating kami sa hospital ay nag park na si Mikko sa loob at nagtungo na kami kung nasaan ang bus. Umakyat na kami at nakitang sila Drake, Paul at Leah ang magkakatabi sa likod. They waved their hands to us.


"Good morning, Ms. MT" Drake greeted me. Yun kasi yung tawag nya sakin mula pa nung nag start akong magwork dito.


"Good morning, guys! Si Mikko pala, boyfriend ko. Mik, si Drake, Paul and Leah." Pagpapakilala ko.


"Hi." Mikko greeted as if kilala nya talaga at nagkausap na. Weird.


Nang dumating ang mga taga Nurse Department ay umandar na ang bus. Pinatulog muna ako ni Mikko dahil maaga kaming nagising at maaga din syang nasa bahay.


Nagising ako ng nasa Tarlac na kami. Tulog si Mikko kaya hindi ako masyadong gumalaw. Nakayakap sa akin ang kanang kamay nya dahil nakaupo ako malapit sa bintana. Nag suot lang kami ng pang beach. Si Mikko ay nakasuot ng blue polo and black shorts. Nakasuot din sya ng shades kaya akala ko kanina gising sya. Tulog pala. Ako naman ay nagsuot ng white high-waisted shorts, and black off shoulder.


Nang magising si Mikko ay nasa Lingayen na kami. Medyo malapit na sa Bolinao. Alas-dyes na ng umaga kaya medyo mainit init na.


"Hi baby." Mikko greeted at niyakap nya ako.


"Hoy! Lovebirds respeto naman sa mga walang jowa dito oh." Pag epal ni Leah at humalakhak sila ni Paul. Si Drake ay tulog pa.


Natawa lang ako at napatingin sa isang nurse na katabi ng upuan namin. Si Laureen ata, narinig kong nag uusap sila nung isang taga Nurse Department at tinawag sya sa ganoong pangalan. Nang nakitang nakatingin ako sa kanya ay umiwas agad sya ng tingin.


Nang makarating kami sa Bolinao ay saktong mag-11 am na. Dali dali kaming bumaba at nagtungo sa hotel na tutuluyan namin. Binaba ni Mikko ang gamit namin at sya ang nag dala. Kasama namin sa room si Leah. Si Paul at Drake naman ay ang magkasama sa isang room na katabi ng amin. May kasama pa silang isang lalaki doon si Bryan.


Nagpahinga muna kami sa hotel room dahil nakakapagod ang byahe. Lumabas muna si Leah pinuntahan sina Drake kaya tinabihan ako ni Mikko sa bed.


"Hindi kaba gutom?" Mikko whispered.


"Hindi pa naman. Ikaw gutom kana ba?"


"Konti. Tara lakad tayo." Yaya ni Mikko.


"Papalit na ako ng damit sandali lang." Tatayo na sana ako ng bigla nya akong hilain kaya napahiga ulit ako sa braso nya.


"Bago ka mag palit, patingin ng dinala mong damit." Mikko chuckled pero alam ko na seryoso sya doon.


Pinakita ko sa kanya ang white bikini top and a white bikini bottom with black beach crochet dress. Nakita kong nagbago ang mood nya.


"Gusto mo ba talaga akong mapaaway, Faith?" Ani Mikko sa seryosong tono.


"Babe, hindi ba pwede?" I pouted.


I'm inlove with my TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon