Chapter 23

97 7 2
                                    

Umiiyak ang mama ni Jake. Hindi ko alam kung paano ko sya lalapitan. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya.

Jake bakit? Bakit ganito?

Unti unti akong lumapit sa mama ni Jake hanggang sa makita nya ako at biglang niyakap at humagulgol.

"T-tita, a-ano pong nangyari?" Biglang bumuhos na rin ang mga luha ko.

"Pupunta dapat sya sayo hija. Ang sabi nya kailangan nya daw humingi ng tawad sayo para sa lahat ng ginawa nyang hindi maganda." Umiiyak padin ang mama ni Jake.

"Sorry po" umiiyak na din ako

Dinala ako ng mama nya sa morgue para puntahan si Jake.

Nakatakip na ng puting tela ang katawan at mukha nya.

Unti unti kong binaba ang puting tela.

Jake..

Nanlambot ang tuhod ko at napa-upo sa sahig.

Hindi ko alam ang gagawin ko hindi ko pa rin maisip na ang Jake na nasa harapan ko ngayon ay patay na. Niyakap ako ng mama ni Jake at niyakap ko rin sya.

Nang kumalma na kaming pareho galing sa iyak ay umupo kami sa upuan sa labas ng morgue.

"Faith, hija, nakita ito sa loob ng kotse ni Jake."

Pinakita ng mama ni Jake ang isang puting papel at box na bibigay dapat ni Jake sakin. Kinuha ko ito at hindi ko muna binasa. Wala ako sa kondisyon para basahin yon. Kahit ano pang ginawa ni Jake, naging kaibigan at naging sandalan ko pa rin naman sya.

Umiyak ulit ako nang makita ko si Mikko na palapit sa inuupuan namin.

"Faith, what happened?" Nag aalalang tanong ni Mikko.

Bumaling sya sa mama ni Jake at nagbigay galang.

"Ikaw ba si Sir Mikko?" Tanong ni Tita.

"Yes, Ma'am" Ani Jake kay Tita.

"Tita bakit po? Kilala nyo po sya?" Pagtatanong ko.

"Yes, hija. Nasabi din kasi ni Jake na kailangan nya din makipag kita kay Sir Mikko para din daw humingi ng tawad." Pagpapaliwanag ni Tita

Nagka tinginan kami ni Mikko. Pinaliwanag ko sa kanya ang nangyari at pinakita ang papel at box na nasa kamay ko pa rin at hindi ko pa rin binabasa.

Yakap yakap ako ni Mikko habang nasa labas kami ng morgue.

"Hija, uwi muna kayo anak. Alam kong pagod ka rin may pasok ka din bukas. Text nalang kita para sa address ng lamay ng anak ko." Ani Tita at ngumiti sa amin.

"Sige po, Tita. Pakatatag po kayo. Balik nalang po ako." At ngumiti rin sa kanya.

Nang papunta kami sa parking lot ng hospital ay hinanap namin ang kotse ko. Nag taxi daw papunta dito si Mikko kanina.

"Hey, Faith. Its not your fault, okay? Baka hanggang dun nalang kasi talaga si Jake." Sabi ni Mikko habang nasa driver seat sya.

Hindi nya ako pinag maneho dahil hindi ko daw kaya.

Nang makarating kami sa bahay ay dumiretso agad ako sa kwarto at umiyak. Hindi na ako sinundan ni Mikko para siguro mabigyan muna ako ng konting privacy.

Nakaupo lang ako sa sahig ng binuksan ko ang box na ibibigay dapat ni Jake sakin. Lalo akong naiyak nang makita ko ang isang necklace na may pendant na stethoscope.

Unti unti kong binuksan ang papel at binasa.

Hi Faith,

I'm so sorry for everything. I promise you, you will never see me again. Hindi ko na kayo guguluhin. Hindi na kita guguluhin, alam kong masaya ka kay Mikko kaya gusto kong humingi ng tawad. Mahal kita pero gusto kitang maging masaya kahit hindi dahil sakin. Thank you for the friendship. May babaunin ako buong buhay ko. I'm grateful because I met you. Ingat ka lagi..

Jake

Tuluyan ng bumuhos ang mga luha ko. Sobrang sakit palang mawalan ng kaibigan. Narinig kong bumukas ang pinto alam kong si Mikko 'yon. Lumapit sya sakin at niyakap ako. Wala syang sinabi at tinatapik lang ang likod ko habang yakap yakap ako.

Hindi ko namalayang nakatulog pala ako sa yakap ni Mikko. Pag gising ko kay nasa kama na ako at naka kumot. Nasa couch si Mikko at tulog na rin. Tinignan ko ang oras at 3am palang.

Pinilit ko ulit matulog pero hindi na kaya. Tumayo nalang ako at nagbasa ng quiz ko mamaya para sa General Chemistry. Pero wala din pumapasok sa utak ko. Pinilit ko pa din dahil quiz pa din ito at hindi ako pwedeng bumagsak.

Nagising din si Mikko at lumapit sa akin.

"Faith, 3:15 palang ah? Bat gising kana?" Tanong ni Mikko habang inaantok pa din.

"I need to study pero walang pumapasok sa utak ko." Naiiyak nanaman ako.

"Huwag ka muna kayang pumasok bukas?"

"Hindi pwede, Mik. Kailangan."

Napahawak si Mikko sa ulo nya na parang nagagalit sa sinasabi ko.

"Ano kaba naman, Faith? Magkakasakit ka sa ginagawa mo. Pagod ka, hindi kumpleto ang tulog mo tapos papasok ka?" Nag aalalang sabi nya

Napatingin na lang ako sa kanya at naluha na lang. Niyakap nya ako and he kissed my forehead. Niyaya nya ulit ako matulog.

"Tulog ka muna okay? Dito lang ako." Tinabihan nya ako sa kama at nakatulog nalang din.

Pagka gising ko ay 9am na pala. Omg, late na ako.

Bumaba ako para hanapin si Mikko. Nagluluto sya sa may kusina.

"Mik, bakit hindi mo ako ginising? Late na ako sa klase ko." Inis na sabi ko

"Ano bang sabi ko sayo? Magpahinga ka muna diba. Ako na bahala sa excuse letter mo. Kunwari nagpa check up kanalang at kuha nalang tayong medical certificate." Lumapit sya sakin at hinawakan ang mukha ko. "Don't worry, may kaibigan akong doctor dito. Okay? Ako na bahala."

Pinaupo nya ako sa upuan sa dining table. Nang maluto ang almusal namin ay sabay kaming kumain.

"Oo nga pala, tumawag yung mama ni Jake. Sinabi nya yung address kung saan si Jake. Sabi ko tulog ka pa at pagod kaya ako nalang ang kinausap nya." Sabi nya habang kumakain kami.

Tumango lang ako.

Pagkatapos kumain ay naligo na ako at pagkatapos ko ay hinintay ko si Mikko para sabay kaming pumunta sa lamay ni Jake. Dadaan din kami sa hospital kung saan yung kaibigan nyang doctor.

"Stay strong, Faith. Malapit na tayo." Hinawakan ni Mikko ang kamay ko habang ang isang kamay nya kay nasa steering wheel.

Nang makarating kami kung saan ang lamay ni Jake ay pumasok na kami at pumunta malapit sa kabaong nya.

Umiyak ulit ako dahil nakita ko ang kaibigan kong nasa loob na ng kabaong at wala ng buhay.

"I'm sorry for everything Jake. Pinapatawad din kita sa lahat ng nangyari. You're my friend kaya wala na yon. Pero ang daya mo naman. Iniwan mo ako nang hindi tayo nagkaka ayos ng maayos."

I'm inlove with my TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon