Chapter 18

97 5 0
                                    

Pagpatak ng 7pm ay sinundo na nga ako ni Jake. Nagtungo kami sakanila at nakaready na ang mga pagkain na niluto ni tita. Nandito kami sa garahe nila, peaceful kasi.

Naiisip ko kung anong ginagawa kaya ni Mikko ngayon. Dahil ang huli nya pang message ay kaninang nasa Green Point pa ako. Umaga pa yun ah, I need to send him a message on messenger.

Faith Bernardo

Hi, I'm at Williamstown Mik. Sorry kung may nagawa man ako. Pero hindi mo kailangan isipin na porke nandito si Jake ay mawawala ako sayo. I'm just here to study mik. Please, trust me. I won't ruin everything.

Dali dali naman din syang sumagot.

Mikko Buenaventura

Hindi ko man gusto na nandyan si Jake pero wala akong magagawa dahil nandito lang ako malayo sayo. Pero pagkakatiwalaan kita hanggat kaya ko dahil mahal kita.

Pinapaiyak ako ng lalaking 'to. Napaka saya ko dahil naiintindihan nya padin yung sitwasyon namin. Sobrang mahal din kita kung alam mo lang.

Faith Bernardo

Thank you, Mik!! I really appreciate you. Sana habaan mo pa yung pasensya mo mik. Matagal tagal pa ako dito.

Mikko Buenaventura

I know baby.. kaya tinatatagan ko sarili ko dahil sayo. Sayo ako kumukuha ng lakas, Faith.

Faith Bernardo

Aww mik, wish I could give you a hug..

"Faith? Nakakatawa ba yung kwento ko?" Sabi ni Jake

Nagkukwento ba sya?

"Huh? Ahh wala wala." Sabi ko

"Nagkkwento ako pero parang hindi mo naman ata pinapakinggan at nakangiti kalang dyan at nakatitig sa cellphone mo. Kausap mo ba si Mikko?" Jake asked.

Oo. Jake

"Ah oo, nag update lang ako sakanya. Pasensya kana, Jake ha."

"Ang swerte nga naman talaga ni Mikko sayo no. Sana ako din may Faith." Sabi ni Jake

I'm sorry, Jake pero yung puso ko para lang kay Mikko. Pakiramdam ko nga nandito ako para mahalin sya.

"Ano nga ulit yung kinukwento mo?"

"Ahh wala wala. Kumain kanalang dyan at nang maihatid na kita. Kailangan mo na din magpahinga."

Tumango nalang ako at kumain nalang. Masarap magluto ang mama ni Jake. Na enjoy ko yung food at ang bahay nila. May kalakihan din. Mayaman naman sila at afford naman sguro nila ang pamumuhay dito sa Australia.

Ilang minuto lang ay hinatid na ako ni Jake sa bahay. Ako lang mag isa ang matutulog ngayon dito. 9pm na din at 7pm naman sa Pilipinas. Nang makaakyat ako sa kwarto ko ay nagface time kami ni Mikko.

"Hey, kumain kana ba?" Sabi ko.

"Yes yes, ikaw?" Tanong ni Mikko

"Ah-huh? Oo kumain na. Ki-kina Jake." Kinakabahan kong sabi

"Bat ngayon mo lang sinabi?" Medyo seryoso na ang tono ng boses nya. Gabi na at ayaw ko nang mag away pa kami. Kaya pinilit kong ayusin at pakalmahin sya.

"No, mik. Kase niyaya nya lang ako at hindi na ako nakatanggi. Sya palang din kasi ang kakilala ko dito sa Australia. Hirap din kasi ako mag adjust."

At mukhang nakuha naman nya ang punto ko kaya hinayaan nya nalang ako.

"Hey babe, you need to rest na. It's 10pm na dyan." Sabi ni Mikko.

"Okay, nakakapagod araw na 'to. Maglalakad lakad ulit ako bukas sa Green Point malapit sa Brighton ha." Pagpapaalam ko kay Mikko.

"Okay pero please lang. Iwasan mo si Jake hanggat maaari. Wala akong tiwala sakanya kahit ano pang sabihin mo. Sorry."

"Naiintindihan ko, Mikko. Okay I will do that. Goodnight!"

"Goodnight baby, I love you."

At pinatay ko na ang call. Nakita kong online si Aya kaya nag call ako sakanya sa messenger naman. Namiss ko na din ang best friend ko.

Ilang ring lang ay sumagot na agad sya.

"Hoy!!!! Bwisit ka!!! Namiss na kita" Hala umiiyak na sabi ni Aya.

"Hoy namiss na din kita. Pero sis may sasabihin ako."

"Go spill it!!!" Sabi nya

"Sis andito na din si Jake Arandia!"

Natameme si Aya sa pagsabi ko ng balita. Dahil maski ako ay nashock din nang nakita kong andito nga talaga si Jake.

"Hoy totoo nga?!?" Gulat nya din tanong sakiin gaya ng pagtataka ko din.

"Oo nga, mukha ba akong nagbibiro? Actually, we had a dinner." Mahinahon kong sabi.

"Ano?!?? Alam ba yan ni Mikko? Ha Faith?" Medyo gulat nyang tanong

"Oo syempre naman. Magtatago ba naman ako sakanya? Syempre hindi. Tska sinasabi ko lahat para wala kaming pinag aawayan at hindi nasisira yung tiwala ng tao saken." Pagpapaliwanag ko.

"Sabagay, malabo nga namang gumawa ng kalokohan 'tong kaibigan ko. Maiba ako, buti at gising kapa? Oras na dyan ah?"

"Naisipan ko lang din tawagan ka. Pero matutulog na din. Goodnight my Aya!!"

Miss na kitang babae ka!!

"Goodnight, my Faith!!"

At tuluyan ko na rin pinatay ang tawag at dumiretso na sa pagtulog.

Kinaumagahan ay nagluto ako ng breakfast at nagsuot ng makapal na jacket dahil napakalamig dito sa umaga. Though hindi naman ganoon kababa ang temperatura pero sobrang lamig at ginaw ko.

Nagbike ako papuntang Green point. Gusto kong maglibang libang habang wala pa si tita. Hindi pa man ako matagal na naglalakad ay may kumalabit na saakin sa likuran.

"Sinasabi ko na nga ba makikita ulit kita dito e." Hinihingal na pagkasabi ni Jake.

"Uy ikaw pala, anong ginagawa mo dito?"

"Morning routine. Kahit malamig. Ikaw?"

"Eto naglalakad lakad feel ko lang yung klima. Wala nito sa Pilipinas e. Sa Baguio pa." Halakhak ko.

"Anyway, nag breakfast kanaba? Gusto mong sumama?" Aya ni Jake

Naalala ko yung sinabi ni Mikko na hanggat kaya ko raw ay iwasan ko sya.

"Oh okay lang, Jake and I can't. May appointment ako later." Pagkukunwari ko.

"Saan ba yan samahan na kita." Pilit nya

Nako, eto nanaman sya.

"Naku Jake, wag na okay lang talaga." Pilit ko din

"Osige ikaw bahala. Basta pag kailangan mo ng tulong andito lang ako." He smiled.

"Thanks, Jake. I need to go. Ingat ka"

Buti nalang at hinayaan nya na akong makaalis at wag ng sundan. Para na rin walang masabi si Mikko. Ayoko syang mastress saakin at ayokong isipin nya na may ginagawa akong ayaw nya. Gusto kong maging maayos kami lalo. At tumibay pa lalo kung ano man ang namamagitan saamin.

————-

Note:

Sorry kung ngayon lang nakapag update. Super busy sa school and sa mga ibang ginagawa. Here's an update for this week. I hope you'll support and appreciate it.

God bless y'all!!

I'm inlove with my TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon