Adam's POV
I am Adam Angelo Montemayor. I love music and so music does.
Habang tinititigan ni Adam ang kanina pa niya hawak na I.D ay may biglang kumatok sa kanyang kwarto.
**TOK TOK**
Iho, nakahanda na ang almusal sa ibaba, saad ng may katandaang babae na nasa pintuan.
Opo, nanay alicia! Mukang espesyal at masarap nanaman ang aking almusal. Masayang saad ni Adam.
Malambing at masayahin si Adam. Kahit sa mga kasambahay nito.
Hindi man niya sinunod ang ama sa kursong gusto nitong kunin ngunit sinuportahan pa rin naman siya nito sa lahat ng kanyang gawain..
Habang nag aayos siya ng pinag higaan naalala niya ang kanina pa niyang pinag kakatitigang I.D. Ang I.D ng isang mataray na babaeng nakilala sa pangalang, Aelizelle Cherie Cangco.
Napailing ang binata ng maalala ang nangyari kagabi sa Bar.
Siya na ang tinulungan, siya pa ang may ganang magalit. Maganda sana, mataray lang.
Nasa isip niyang sabi.
"Nay!" tawag ni adam sa matandang serbidora.
"Nako ikaw talaga hijo. Kamusta naman kagabi? Nakahanap ka na ba ng chix?" natatawang sambit ng matanda kay Adam.
"Nako, trouble ho. Napaka taray ho ng babaeng yun." simangot na sagot ni Adam.
"Ano ba ang nangyari?" -ani nay alicia
"Mahabang kwento nay. At ayoko siyang maalala. Ganitong may Recital pa ako mamaya." saad ni Adam.
"Hay nako hijo. Kumain ka na lamang at wag mo ng intindihin kung sino man yon. Ganyan talaga kaming mga babae, may toyo kadalasan." Nangingiting saad ni Nanay Alicia kay Adam.
Si Adam ay nag aaral sa isang International School, at Conservatory of Music ang kanyang napiling kurso, Major in Violin. Bata pa lang mahilig na siya sa kahit anong uri ng Musical instrument. Kaya bata pa lang nag aral na siyang tumugtog ng Violin. Ngayon ay nasa ikaapat na taon na niya sa kursong ito. At apat na taon na lang, matatapos na din siya.

BINABASA MO ANG
Rhythm of Love
Genç KurguMay 3 uri ng love sabi nga, ang small love eto yung pag katapos ng break-up makaka-move on ka agad within days to weeks. Big love, months to year. And GREAT LOVE? it changes the person. This is not about happy ever after, this is about fighting for...