Chapter 1
The Rose
Kasalukuyan akong nanonood ng dance practice ng blackpink na Kill This Love. Hindi ko maiwasang mapangiti nang mapanood ko kung gaano sila kagaling sumayaw at kitang-kita ko namang nag-improve na sila lalong-lalo na si Jisoo.
Napatigil ako sa panonood nang tinawag ako ni mommy.
"Klea?" rinig kong tawag sa akin ni mommy mula sa kusina.
Binitawan ko ang aking phone saka ito pinatay.
Agad akong tumayo, at pumuntang kusina upang puntahan si mommy.
Nang makarating na ako doon ay nilapitan si mommy upang tanungin kung anong kailangan niya.
"Yes mommy?"
"Tawagin mo na ang mga kuya mo," utos niya, "Kakain na tayo."
Tumango na lang ako. Muli akong umakyat sa taas upang tawagin ako mga kuya ko.
Pagkarating ko sa ikalawang palapag ng aming bahay ay agad kong pinuntahan ang kwarto ni Kuya Amir— ang aming panganay na kapatid.
Sakto ay bukas ang kaniyang pinto. Tahimik akong pumasok, at hinanap ang aking kapatid.
"Kuya Amir?" Tawag ko.
"Yes baby?"
Napangiti ako nang marinig ko si kuya banda sa kaniyang closet. Paniguradong nagbibihis ito dahil sa aming magkakapatid siya ay ang may trabaho na.
"Kakain na daw po tayo kuya!" masayang sambit ko.
"Okay baby! Baba na rin ako," aniya, "Pakitawag na rin si Kuya Clyde mo."
Napatango na lang ako. "Okay!" sabi ko sabay labas ng kaniyang kwarto.
Si Kuya Amir ay isang sweet na kapatid—maalagain—mahalalahanin at mapagmahal. Boyfriend material kung baga.
Ibang-iba siya sa mga natitira kong kuya. Kung iisipin mo ay siya ang pinakamatured sa aming magkakapatid. Siguro dahil siya ang pinakamatanda? Pero kahit ano pa iyon ay masaya ako dahil nagkaroon ako na kapatid na tulad niya.
Tuwing nag-aaway ang kambal na kapatid namin ay siya lamang ang nakaka-awat sa dalawa.
Loko kasi iyong isa naming kuya na si Kuya Clyde. Imbis na aawatin aba't nakisali pa.
Pagkatapos kay Kuya Amir ay agad akong dumiretso sa kwarto ni Kuya Clyde.
Napatakip pa ako ng mata nang makita kong nagbibihis siya ng pang-itaas na damit.
"Bakit mo tinatakpan? Ayaw mong makita ang abs ko Klea?" pilyong sambit niya.
"Tapos ka na ba kuya?" tanong ko rito, at nanatiling nakatakip pa rin ang aking mga mata.
"Teka," aniya, mga ilang minuto bago siya sumagot. "Tapos na."
Tinanggal ko na ang aking kamay at sinamaan siya ng tingin. "Hindi ko gustong makita ang katawan mo kuya," nakasimangot na sinabi ko, "Nga pala, bumaba ka na raw sabi ni mommy. Kakain na tayo."
Tumango na lang siya sabay sabing, "Sige baba na ako." Agad niya namang inayos ang kaniyang kama.
Sunod na pinuntahan ko naman ay ang kwarto nila Kuya Jade at Jake. Wala pa ako sa kwarto nila ngunit naririnig ko na ang ingay nila. Paniguradong naglalaro na naman itong dalawang 'to!
"Sige SS!"
"Ay takteng layla! Canser"
"Hala sige sayang SS."
