CHAPTER 5

41 1 0
                                    

The Thorn (for Klea and Jinyoung shippers)

Klea's POV

"Wala ka bang napapansin sa mga kapatid mo?" tanong ni Jinyoung habang naglalakad kami.

Kunot-noong tinignan ko siya at nagtaas ng kilay.

Kasalukuyan kaming naglalakad palapit sa puno kung saan kami madalas na tumambay no'ng kami ay bata pa lamang kami.

Walang masiyadong katao-tao rito dahil pribadong lugar lamang ito.

"Ano ba dapat kong mapansin?" tanong ko, umupo na ako at sumandal sa may puno. Ganoon din ang ginawa ni Annyeong saka tumabi sa akin.

Kibit-balikat siyang nag-iwas ng tingin sa akin. "Sobra sila kung magprotekta sa'yo," aniya.

"Natural! kapatid ko sila eh," sagot ko, napailing na lang ako dahil doon.

Hindi ba't kaya nila ginagawa iyon dahil kuya ko sila?

"Kahit na." Napanguso ako, isinandal ko ang aking ulo sakaniyang balikat,"Jinyoung, Ikaw ba... 'di mo hiniling na magkaroon ng babaeng kapatid?" tanong ko.

Only child lang kasi si Jinyoung, kaya ganu'n siya natuwa no'ng naging magkaibigan kami. Simula no'n ay hindi na kami mapaghiwalay. Palagi rin kaming naglalaro sakanila, at minsan ay doon na rin akong natutulog.

Parang anak na nga ang turing sa akin ni tita eh.

Napatingin siya sa akin, sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa dahil sa nakasandal ako sa balikat niya.

"Hindi," sagot niya.

"Ha? Bakit?" Takang tanong ko sakaniya.

Bakit naman, Jinyoung?

"Kasi may kapatid na ako," mas lalo pa akong naguluhan sa sagot niyang iyon. Matagal na kaming magkakilala pero wala siyang pinapakilala o sinasabi manlang na may kapatid siya! Napakaimposible naman iyon!

"Akala ko ba—"

"Ikaw." Naramdaman ko ang kaniyang braso sa aking balikat, "Tinuturing na kitang kapatid."

Napangiti ako sa sinabi niyang iyon, "Kung may kapatid ka siguro, ang swerte-swerte niya kasi may kuya siyang katulad mo." Ipinikit ang aking mata dala ng aking pagod. Napagod ako ngayong araw kaya naman dinadalaw na ako ng antok.

"Mas maswerte ako sa kapatid ko, Klea."

Hindi na ako nakasagot dahil nais ko nang matulog sa kaniyang balikat. Naramdaman kong hinawi niya ang aking buhok. Nakaramdam kong hinalikan niya ako sa aking kanang pisngi.

"Magpahinga ka lang, Klea."

PAGKAGISING ko ay agad akong napatingin kay Jinyoung, yakap-yakap niya ako samantalang ako ay nakasandal sa kaniyang balikat. Kasalukuyan itong natutulog—mahimbing na natutulog.

Napatitig ako sa kaniyang maamong mukha, 'di ko maiwasang mapangha dahil sa kagwapuhang taglay nitong matalik na kaibigan ko. Panigurado ay pinagkakaguluhan na ito ng mga kababaihan sa Korea.

Kahit dito rin naman ay paniguradong pagkakaguluhan siya. Nakuha niya ang vibes ni Kim Taehyung, sinong hindi maiinlove sa lalaking 'to?

Napadilat siya kaya naman agad akong napaiwas nang tingin.

Lumuwag ang pagkakayakap niya sa akin, "kanina ka pa gising?" tanong nito na ikinailing ko.

"Kagigising ko lang din." Bumitaw na ito sa pagkakayakap, at dahan-dahang tumayo.

"Tara," yaya niya, kumunot ang aking noo dahil doon.

"Tara saan?" takang tanong ko.

Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko nang mahigpit, saka ay inalalayan akong tumayo.

The Rose Among The Thorns (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon