CHAPTER 4

136 5 3
                                    

Chapter Four

The Third Thorn

Klea's POV

Pagkapasok na pagkapasok ni mommy sa kwarto ay agad nanlaki ang kaniyang mata.

"Oh my gad!" Hindi makapaniwalang sambit ni mommy nang makita niya si Liam na ngayo'y nakahiga sa hospital bed.

"Mommy..." tawag ko, agad siyang lumapit kay Liam at hinaplos ang pisngi.

"Anong nangyari sa anak ko?" nag-aalalang tanong niya, agad siyang napatingin sa doktor. "Kamusta na po ang anak ko?" tanong ni mommy dito.

"Malalim ang pagkasaksak sakaniya sa tagiliran niya kaya naman ay marami ring dugo ang nawala sakaniya. Kakailanganin po natin ng dugo para itransfer sakaniya, Mrs." Huminga nang malalim ang doctor at napatingin kay mommy. "Since kayo naman po ang magulang ng pasyente, maaari po kayong magdonate ng dugo para sakaniya."
Hindi ko alam kung bakit napatahimik si mommy sa sinabi ng doctor. 

"Mommy, magdodonate ka naman 'di ba?" tanong ko.

Tumingin siya sa akin at binigyan ako ng ngiti. Ibinaling niya ang tingin sa doctor.

Napapikit ito sabay sabing, "Maghahanap kami ng blood donor."

"Pero mom—"

Aangal pa sana ako ngunit bigla na lamang nagmadaling umalis si mommy.

Nagtinginan kaming magkakapatid at nagkibit-balikat dahil sa nangyayari.

"BAKIT kaya ayaw magdonate ni mommy ng dugo?" tanong ni Kuya Jade sa aming magkakapatid.

Nandito kami ngayon sa kusina at pinag-uusapan namin ang nangyari kanina—ang paghanap ng donor ni mommy kay kuya.

"Huwag niyo nang alamin," seryosong sabi ni Kuya Amir. "Klea, matulog ka na. Maaga ka pa bukas," maawtoridad na utos nito.

Napanguso ako at tumayo na, "Goodnight mga kuya," sambit ko, Niyakap ko naman sila isa-isa. 
"Goodnight princess," 

"Matulog na ha,"

"Ako na maghahatid sa'yo bukas." Ngumiti na lamang ako sakanila at umalis na sa kusina. Ngunit bago pa lamang ako makaalis ay narinig ko na ang boses ni Kuya Clyde kaya naman napatago ako sa likod ng pinto. 

"Sa tingin mo Kuya Amir, bakit ayaw ni mommy magdonate?" rinig kong tanong ni Kuya Clyde.

"Hindi natin— wait tumatawag si mommy, excuse me." 

Nanlaki ang mata ko. Agad akong tumakbo papuntang hagdan at saka umakyat na.

Nacucurious na talaga ako, wala na akong nagawa kung hindi pumunta na sa aking kwarto. Gabi na rin kasi at kailangan ko na ng tulog. Bukas ko na lang siguro dadalawin si Kuya sa hospital.

PAGKABABA ko ng building namin ay isang pamilyar na lalaki ang bumungad sa akin. 
Nanlaki ang mata ko at agad na tumakbo palapit sakaniya.

"Annyeong!!!!" masayang tawag ko atsaka'y niyakap siya.

Annyeong ang tawag ko sakaniya dahil no'ng bata ako ay puro annyeong ang naririnig ko mula sakaniya. Siya si Jinyoung— ang koreano kong matalik na kaibigan. Masaya ako dahil nakauwi na siya ngayon, matagal-tagal na rin noong huli kaming nagkasama.

Niyakap niya ako pabalik at nakaramdam naman ako nang kung ano sa aking noo. "Dalaga ka na Klea!" natutuwang sabi niya at kumalas sa pagkakayakap.

"Ikaw nga binata ka na! Ang tangkad mo na oh!" 

"Ikaw nga lumiit eh!" pang-aasar niya.

Inirapan ko na lang siya at napasimangot. Kahit kailan talaga, hindi pa rin siya nagbabago!
"Uy joke lang 'to naman!" 

The Rose Among The Thorns (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon