CHAPTER 6

40 2 0
                                    

Klea's POV

"Jinyoung tara na!" Yaya ko sa kaniya, at nagmadaling naglakad.

"Aish! You should be careful Klea! Ya! Stop walking fast!" Natawa ako. Binagalan ko ang paglalakad para maabutan niya ako.

Narito kami ngayon sa loob ng mall upang mamili ng aking mga damit. Actually ay ako lang dapat ang nandito ngunit kinulit ni mommy si Jinyoung na samahan ako. Wala na akong nagawa kung hindi pumayag dahil gusto ko ring makasama ang bestfriend ko.

Saka sabi rin niyang babawi siya sa akin patapos ang ginawa niya!

Nang maabutan na ako ni Jinyoung ay agad niya akong pinahinto. "Ang tigas ng ulo mo. Manang-mana ka sa mga kuya mo," Inis na sinabi niya.

Sumama ang tingin niya sa akin dahilan kung ba't ako natawa.

"Ito naman! Ang bagal mo kasing maglakad eh," nakangusong sambit ko at nagpacute sa kaniya. Alam ko namang 'di niya matitiis ang cute kong mukha.

"Stop pouting!" utos niya.

Teka 'di ba dapat ako ang galit sa aming dalawa!? Patapos ang pananagutan scene ang ginawa niya sa bahay!

Napangisi na lamang ako nang may kalokohang pumasok sa isip ko kaya naman mas lalo ko pang tinulisan ang nguso ko.

"Aish!" Nagulat ako nang hinalikan niya nang mabilisan ang labi ko. Bigla na lamang akong namula dahil doon.

Nag-iwas ako ng tingin sakaniya, saka tinikom ang aking bibig.

Sabi ko nga hindi na ako uulit eh.

Napailing siya. "Ice cream?"

Bigla na lang kuminang ang mga mata ko.

"Dairy Queen—"

"Dairy Queen," sabay naming sabi.

Napatingin muna kami sa isa't isa, sabay din kaming humalakhak. Isa 'yan sa mga dahilan kung ba't ko siya naging matalik na kaibigan. Parehas kaming mahilig sa ice cream. Isa sa mga tinatambayan namin kapag umuuwi siya dito ay ang DQ.

"Tara na," yaya niya. Nag-umpisang na siyang maglakad. Hindi ko namalayang hawak-hawak niya pala ang kamay ko. Napatingin ako sa kamay namin, hindi ko maiwasang mapangiti.

Mga ilang minuto ay nakarating na kami kung sa'n ang p'westo ng DQ.

"Maghanap ka na ng pwesto," utos sa akin ni Jinjin. Hinalikan niya ang likod ng aking kamay bago niya ito binitawan. Tumango na lang ako, saka'y naghanap ng pwesto. Habang naghahanap ako ay may 'di sinasadyang na bangga ako.

"Ay! Sorry po Miss," pag-uumanhin ko sa nakabangga ko.

Tinitigan niya muna ako nang mabuti. Biglang kumunot ang kaniyang noo kaya naman kinabahan ako.

"M-May problema po ba?" nauutal na tanong ko.

Nakatitig pa rin siya sa aking mukha. "Nothing," sagot niya, "I was just thinking if I met you somewhere. Your face looks familiar eh."

Napakunot ang aking noo sa kaniyang sinabi. "Ahmm—"

"Klea," tawag sa akin ni Jinyoung. Bumaling ako sakaniya, kunot-noong tinignan niya ako at ang babaeng nasa harapan ko. "Akala ko ba—" natigilan siya, bahag'ya pa siyang napakurap.

"Oh. Jinyoung? Nandito ka na pala?"

Nagulat ako nang magsalita ang babae. Dumako ang tingin ko sa kaniya. Nakangiti siya habang nakatingin kay Jinyoung.

"Sino nga pala siya? Girlfriend mo?" Takang tanong ng babae.

Nanlaki ang mata ko akmang magsasalita ako ngunit naunahan niya ako.

The Rose Among The Thorns (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon