Chapter 3The Second Thorn
Kasalukuyan akong naglalakad ngayon upang makalanghap naman ng sariwang hangin. Ang babantot kasi ng mga kapatid ko eh, charot!
Napatigil ako sa paglalakad nang may nakita akong isang rosas na nasa daan. Agad akong lumapit doon at saka'y pinulot iyon.
"Ah!" Daing ko nang matusok ako.
Napaganda ng rosas na ito ngunit nakakasakit.
"Maria Klea! Gising na!"
Napamulat ako dahil sa lakas ng boses ng hinayupak na Kuya ko. Paniguradong si Kuya Jake iyon dahil sa lalim ng kaniyang boses.
Tumingin ako sa aking daliri kung saan ako nasugatan. Napanguso ako nang makita kong wala akong kasugat-sugat doon.
So panaginip lang talaga iyon? Ang ganda pa naman.
Napatingin ako sa kapatid ko at inirapan siya.
"Klea!" Tawag sa akin, ang aga-aga nako, ang ingay-ingay! Anong oras na ba?
Bumangon na ako sa aking kama at pilit na ginigising ang aking tulog na diwa.
Inaantok pa ako eh. Gusto ko pang matulog mygash!
Gusto ko pang managinip eh, epal naman nitong lalaking 'to na wala namang jowa tse.
Dumapo ang tingin ko sa lalaking nasa aking harapan. "Bababa na ako mamaya," sambit ko, "Bababa ako." Kinusot ko ang aking dalawang mata.
Nagtaas siya ng kilay sa akin at napamewang. "Kilala kita, Kapag bumababa ako ay paniguradong hihiga ka nanaman at ipagpapatuloy ang tulog mo," aniya, "tara na kasi!" pagpipilit niya.
Napasimangot ako at dahanhdahang tumayo. "Ito na baba na," aniko, "teka mag-aayos lang ako."
Napabuntong-hininga ako at tumingin sa salamin. Ang lalim na ng eyebags ko. Panay na kasi ang pagpupuyat ko para sa mga gawain sa school.
Agad kong kinuha ang suklay ko. "Ang chaka ko na," nakasimangot na sambit ko habang nakakatitig pa rin sa aking mukha. "Ako pa ba ito?" Akmang susulaklayin ko ang aking buhok nang kinuha ni kuya Jake ang iyon.
Kumunot ang noo niya at sinuklay ang aking buhok. "Hindi naman ah," aniya habang sinusuklyan ako. "Maganda ka pa rin naman eh!" pambobola niya.
Umirap ako at bahagyang pinalo ang kaniyang braso. "Sus! Binobola mo na naman ako!" naiiling na sabi ko.
Kumuha siya ng tali at tinalian ang buhok ko. Para sa isang lalaki, masasabi kong marunong siya magtali ng buhok ng babae.
Nang matapos niya nang talian ang buhok ko ay napatingin siya sa salamin at tinitigan ako.
"Syempre! Kapag maganda ka ibigsabihin ay gwapo kaming mga kapatid mo."
"Gwapo raw! Aysus!"
"Hindi man kami habulin ng mga kababaihan—"
"Habulin naman kayo ng mga kabaklaan. Memorized ko na 'yan kuya jusko!"
"Ito talagang bunso namin!" natatawang sabi niya saka niyakap ako.
"Aga-aga kuya ha!"
"Klea..." tawag nito sa akin.
Tumingin ako sa repleksyon niya sa salamin nang tinawag niya ako. Do'n ko siya tinitigan at hindi ko maiwasang mamangha sa perpekto nitong mukha.
"Hmm?"
"Ang baho mo," pang-aasar niya.
Nanliit ang mata ko at kinalas ang pagkakayakap niya. "Do'n ka na nga," pagtataboy ko sakaniya.
