CHAPTER 2

141 18 0
                                    

A/N: Pasensiya na sa paghihintay, Purples! Promise, magfofocus na ako ngayon dito. Tatapusin ko na ang kwento rito. Sana magustuhan niyo! Enjoy reading!

Chapter 2

The First Thorn

PAGKABABA na pagkababa ko sa hagdan ay bumungad sa akin ang isang pamilyar na lalaki.

Tinitigan ko pa ito nang mabuti at tiniyak kung tama ba ang aking nakikita. Agad nanlaki ang mata ko nang marealize kong siya nga talaga iyon.

"Kuya Rex!" masayang tawag ko.

Tumayo ito mula sa kaniyang pagkakaupo at ngumiti sa akin. Halos tumakbo na ako palapit sakaniya saka siya niyakap nang mahigpit. Nakita kong nagtaas ang kilay ni Kuya Amir na nasa tabi niya.

"Klea dalaga ka na!" natutuwang sabi niya nang kumalas na kami sa pagkakayakap. Ginulo niya pa ang buhok ko saka pinisil pisil ito.

"Ang cute cute mo pa rin," wika niya, "baby girl."

Namula naman ako dahil sa sinabi niyang 'yon. Si Kuya Rex kasi ang bestfriend ni Kuya Amir simula pa no'ng bata sila. Madalas nagpupunta si kuya Rex dito kaya naman nagiging close na kami sa isa't isa.

Aaminin ko, crush ko talaga si kuya Rex at alam kong alam na 'yun ni kuya Amir. Sino ba kasing hindi magkakagusto sa kaniya? Ang gwapo niya plus ang talino niya pa!

Ngumiti ako at nag-iwas ng tingin. Kinikilig ako shems!

"Ehem!"

Napatingin kami kay Kuya Amir dahil sa ubo niyang parang pilit lang. Kumunot ang noo ko dahil doon.

Anong problema nito?

"Ah diba Rex sabi mo dadaan ka pa kila Leanne?" Pag-iiba ni kuya Amir ng usapan.

Mas lalong kumunot ang noo ko sa binanggit niyang pangalan.

"Leanne?" Takang tanong ko at napatingin kay Kuya Amir.

Bumaling ang tingin sa akin ni kuya at ngumiti. "Girlfriend niya," sagot nito, ibinalik na ang tingin niya kay Kuya Rex. "'di ba?"

Bigla na lang akong napatahimik dahil sa lungkot. May girlfriend na pala siya. 'di naman masakit. Napabuntong-hininga ako at nailing sa aking sarili.

"Oo nga pala. Sige p're! Pakamusta mo na lang ako kila tita! Bye!" pagpaalam niya, "Bye Klea!"

Ngumiti ako sakaniya at kumaway.

"Bye!" pagpapaalam ko.

Pagkaalis niya ay bigla na lang napawi ang ngiti ko. Lumapit sa akin si kuya Amir at tinitigan ako. Napatingin ako sakaniya at kumunot ang noo.

"Bakit?" tanong ko sa kanya.

"Ayos ka lang?" Kunot-noong tanong niya.

Napabuntong hininga ako at napayuko.

Hindi ako okay, Kuya. Broken ako ngayon hays.

Nagulat ako nang niyakap niya nang mahigpit at isinandal ko pa ang ulo ko sakaniyang dibdib.

"Nanghihina ako, Klea." bulong niya kaya naman nabaling ang tingin ko sa kaniya.

"Bakit?"

"Nanghihina ako kapag nakikita kitang nasasaktan."

Naramdaman ko na lang na mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.

"May g-girlfriend na pala siya-"

"Yes mayroon na nga," aniya, "Please, don't let him hurt the most beautiful girl I know."

Napabuntong-hininga ako at niyakap pabalik ang kuya ko.

The Rose Among The Thorns (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon