Klea's POV
NANG makauwi na kami ay agad kong tinawagan si Jinyoung na sa susunod na araw na lamang kami magkita ngunit sad'yang matigas ang ulo ng lalaking iyon dahil agad na pupuntahan niya raw ako.
Nagkibit-balikat na lamang ako dahil mukhang matatagalan pa siyang puntahan ako pero mukhang nagkamali ako.
"Klea!" malakas na tawag niya sa akin.
Napakurap ako, at nagulat pa nang makita kong nasa harapan ko na si Jinyoung.
Ang bilis naman!?
"Oh Jinyoung ikaw pala!" Kamot-ulong sabi ko dahil hindi ko inaasahang mabilis siyang makakapunta rito.
Nanliit ang mga mata niya kaya naman mas lalong sumingkit ang mata niya. "Hindi mo ba ako inaasahan?" Tanong niya.
Agad akong umiling. "Hindi naman sa gano'n!"
"Ay sus! Tara na nga!"
"Ha? Bakit?" takhang tanong ko.
"Papasok tayo!"
"Kakauwi lang namin ah!"
"May quiz tayo ngayon!" aniya, napasimangot ako.
"Ano ba 'yan! Kakaquiz lang natin nu'ng nakaraan! Dalawang buwan na tayo puro quiz ha! Wala ba silang balak magturo?" nakasimangot na sabi ko.
Natawa siya sa reklamo ko, hinila niya ako pa-akyat sa k'warto. "Magbihis ka na," utos niya. Siya na mismo ang nagsarado ng pinto.
"Make it faster!"
SABAY kaming pumasok sa school kaya naman lahat ng mata ng mga kababaihan ay nasa amin. Kumunot ang noo ko nang makita ko ang mga haliparot na nagbubulungan habang nakatingin sa amin.
"Problema nila?"
Kibit-balikat lang ang isinagot niya sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko, at binilisan niya ang paglalakad. At dahil hawak-hawak niya ang kamay ko ay wala na akong nagawa kung hindi bilisan din ang paglalakad.
"Bagay sila,"
"Mas bagay kami,"
Sabay kaming napangiwi ni Jinyoung sa babaeng huling nagsalita.
Nakatinginan pa kami ni Jinyoung at muling sabay na humalakhak.
"Bagay pala eh," pang-aasar ko dahilan kung bakit siya napasimangot.
Inirapan niya ako at kinuha na ang bag ko. "Tara na! May klase pa tayo!" Tumango na lang ako, at sumunod sa kaniya. Habang naglalakad kami sa hallway ay may nakabangga akong babae. Mahina lamang iyon kaya naman walang natumba sa aming dalawa.
"Sorry po," pag-uumanhin ko. Yumuko ang saglit at nag-angat ng tingin sa babaeng nakabangga ko.
Umigting ang panga ko nang masilayan ko ang babae.
"I-Ikaw.. p-pamilyar ka," nauutal na sambit ko.
Napangiti siya, tumingin muna ito kay Jinyoung bago naglahad ng kamay sa akin. "I'm Tiffany," pagpapakilala niya.
Naalala ko na siya! Siya rin ang babae sa mall!
Aakmang hahawakan ko ang kamay niya ng biglang hinila ako ni Jinyoung papunta sa kaniya.
"Bakit ka nandito?" Seryosong tanong ni Jinyoung sa kaniya.
Ngumisi ang babae, "Dito na ako mag-aaral," sagot niya habang nanatili pa ring nakatitig sa akin.
"Makakasama ko na ang ate ko," dagdag niya pa.
"Tiffany—"
"Huwag kang madamot, Jinyoung. Alam mo ang totoo at alam mong may karapatan kaming kunin siya," mariing sabi ni Tiffany.