THE ROSE AMONG THE THORNS
SPECIAL CHAPTER
PAGKABABA na pagkababa ko ng hagdan ay bumungad ang kuya ko na si Liam. Napakunot ang kaniyang noo at nagtaas ng kilay.
"Saan ka pupunta?" tanong niya, inayos niya ang kaniyang buhok kaya naman mas lalo siyang g'wumapo.
"Pupunta ako sa studio nila Annyeong," sagot ko.
Akmang lalabas na ako nang bigla niyang hinawakan ang braso ko kaya naman napatingin ako sakaniya.
"Bakit?" takang tanong ko.
Kita ko siyang napanguso at nag-iwas nang tingin. "sama ako," bulong nito, "gusto kong sumama."
Bahagya akong natawa at inalis ang kamay niya sa braso ko at hinawakan iyon nang mahigpit, "edi tara na!" yaya ko at hinila ba siya palabas.
"BAKIT kasama mo iyang kuya mo, Klea?" bungad na tanong sa akin ni Annyeong nang makarating na kami sa studio niya kung saan siya nagwoworkshop.
"Nagpasama eh." Napanguso ako at tumingin kay kuya na ngayon ay nakatitig sa akin. Bigla naman akong namula at nag-iwas nang tingin.
"Ayaw ko nang tingin na iyan, may ibang meaning eh." Napatingin ako kay Annyeong dahil doon. "Sigurado ka bang kapatid mo iyan?" tanong nito.
Bagya ko siyang binatukan dahil doon, "malamang! Kapatid ko talaga iyan!"
Nailing na lang ako at inilibot ang tingin sa studio niya, "bakit mo pala ako pinapunta rito?" tanong ko.
Kita ko siyang namula at nag-iwas nang tingin. Tumayo siya at kinuha ang violin niya sa lamesa.
"Nais kitang tugtugan, tagal ko nang hindi ginawa saiyo ito."
Napangiti ako at lumapit sa kaniya.
"Para saiyo," aniya at nag-umpisang nang tumugtog.
Ang tugtog na ito, pamilyar na pamilyar sa akin.
(Pakinggan niyo,
https://youtu.be/_POfj3eTi0g)"It’s a beautiful life , nan neoui gyeote isseulge,"
"It’s a beautiful life, neoui dwie seo isseulge,"
"Beautiful love, haneurarae neowa itdamyeon, sumswineungeonmaneurodo joa."
Ang kaniyang boses—napakalamig nito, isama mo pa ang pagtugtog niya ng violin na siyang nagpapakalma sa akin. Hindi ko maiwasang mapapikit at pinakinggan siya.
"It’s a beautiful life,
Beautiful day,
Neoui gieogeseo naega saltende,"
"Beautiful life,
Beautiful day,
Nae gyeoteseo meomulleojwo,"
Napadilat ako at namula ako nang makita kong nakatitig siya sa akin habang tumutugtog kumakanta.
"Beautiful my love,
Beautiful your heart,
It’s a beautiful life,
It’s a beautiful life."
Tumigil siya sa pagtugtog at ibinaba ang violin niya.
"Klea," tawag niya, hinaplos niya ang aking pisngi at inilapit ang kaniyang mukha sa akin.
Napatitig ako dahil ang lapit ng mukha niya sa akin.
"J-Jinyoung—" hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang maramdaman ko ang kaniyang labi sa aking noo.
Narinig ko ang bukas ng pinto. Napatingin ako sa pwesto ni kuya ngunit wala na ito roon.
"J-Jinyoung, susundan ko lang si kuya."
"Pero Klea—"
Hindi ko na siya pinatapos dahil agad akong umalis sa studio upang hanapin si kuya.
Habang naglalakad ako sa hallway ay may biglang humatak sa akin malapit sa hagdan.
"Kuya,"
Si Kuya ang humatak sa akin, si Kuya Liam.
"Bakit ka nandito?" tanong niya.
Napatitig ako sa kaniya, "ako dapat ang magtanong niyan. Bakit ka nandito?" tanong ko ngunit hindi niya ako sinagot.
"Hinalikan ka niya ba dito?" tanong niya sabay haplos sa labi ko.
"N-No..."
Kita ko siyang napangiti, "mabuti naman."
Katahimikan ang bumalot sa amin. Kinuha niya ang aking kamay at inilagay iyon sa kaniyang dibdib kung nasaan ang ating puso.
"K-Kuya,"
Ang bilis nang pagtibok ng kaniyang puso.
"Tuwing malapit ka sa akin, bumibilis iyan." Hinila niya ako palapit sa kaniya at niyakap ako.
"Ghad, Klea. Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa akin. Ang alam ko lang ay mahal kita."
"Pero magkapatid tayo—"
"So? Wala akong pakialam." Bumitaw siya sa pagkayakap at hinaplos ang pisngi ko. Ngumiti siya at pinunasan ang noo ko.
"Bakit?" tanong ko.
"Hinalikan ka niya diyan 'di ba? Pinupunasan ko lang."
Muli siyang napatitig sa mukha ko. "Anong ginawa mo sa akin? No, anong ginawa mo sa amin? Bakit kami nagkakaganito saiyo?"
Hindi ko maintindihan, anong ginawa ko sa kaniya.
Ngumiti siya at hinalikan ako sa aking pisngi nang ikinamula ko saka bumulong sa aking tenga.
"Kapatid kita at alam ko iyon, pero mahal kita bilang Klea— Klea ko."