Klea's POV
"Kinulang kami sa kwarto kaya naman magshare-share na lang kayong magkakapatid," sabi ni lolo habang nakatingin sa amin. "Si Amir kashare si Clyde."
"Lolo—" aangal sana si Kuya Clyde ngunit hindi siya pinansin ni lolo. Bukod sa pilosopo si lolo ay snobber din ito, sinabi sa amin iyon ni mama.
Napanguso na lang siya at napatingin kay Kuya Amir. "Ikaw na naman katabi ko bro," naiiling na sambit ni kuya Clyde.
Inirapan siya ni Kuya Amir. "As if namang gusto kitang katabi,"
Natawa na lang kaming magkakapatid dahil sa kaniya. Habang si Kuya Clyde naman ay napanguso.
"Iyong kambal magkasama sa iisang kwarto," sambit ni lolo.
Napatango-tango na lang ang kambal dahil do'n. "Sanay na kami, Lo!" Sabay na saad nila.
"Sila Liam at Klea sa pangatlong kwarto," aniya na ikinanlaki ng mata ko.
"Lolo naman eh! Aawayin lang ako niyan!" angal ko.
Napameywang si lolo sa akin. "Maria Klea?"
Bumagsak ang aking balikat saka kinuha na ang gamit ko. "Opo."
Nagbuntong-hininga na lang ako at saka inakyat ang gamit ko. Inayos ko na rin ang kwarto, naglagay ako ng harang sa higaan namin ni Kuya Liam. Iisa lang kasi ang kama dito kaya naman naglagay ako ng mga unan sa gitna. Pagkatapos no'n ay bumaba na ako upang kumain.
Nasa hapagkainan na silang lahat except sa amin ni Kuya Liam. Mukhang natagalan kaming ayusin ang gamit namin.
Habang palapit ako sakanila ay 'di ko napansin na nasa likuran ko lang pala si Kuya Liam. Umupo ako sa bakanteng upuan na nasa tabi ni lolo, sunod naman ay si Kuya Liam ang tumabi sa akin dahil ito na lamang ang bakante.
"So... Let's eat,"
Kaniya-kaniya na kaming kuha ng pagkain sa hapag. Si lolo ang nagbukas ng topic about sa business ni daddy sa abroad. Lately kasi ay panay ang pagluwas ni daddy, naiintindihan ko naman kung bakit nagtatrabaho nang maigi si daddy para sa amin. Napunta ang topic kay kuya Amir na ngayon ay may trahabo na rin. Si kuya Clyde na nagrereview pa lamang sa review center upang kumuha ng board exam. Ang kambal ay nasa kolehiyo naman kasama si kuya Liam samantalang ako ay nasa senior highschool pa lamang.
"I heard na matalino itong apo ko," sabi ni lolo sabay tingin sa akin.
Nakangiting tumango si mommy, halatang proud na proud sa akin. "Rank 1 siya sa buong batch niya sa school," pagmamalaki ni mom. "99.42 ang average,"
"Mana sa akin," sabi naman ni daddy.
"Hindi ba p'wedeng mana sa atin? Ikaw lang ba gumawa?" Inirapan siya ni mommy saka sumubo.
Natawa si daddy sa kaniyang inasal. "Sorry, hon."
Nang matapos kaming kumain ay kaniya-kaniya na kaming umakyat sa k'warto upang magpahinga.
"Klea," tawag sa akin ni Kuya Liam.
Kasalukuyan kaming nasa kwarto namin ngayon upang matulog na. Mas'yado kaming napagod ngayong araw lalo na't med'yo matagal ang b'yahe namin.
"Hmm?"
Namula naman ako dahil parang ungol ang dating sa akin nu'n.
"Sa tingin mo, magjowa kaya tayo no'ng past life natin?"
Bigla na lang akong kinilabutan sa sinabi niya. "Yuck! Anong pinagsasabi mo kuya?" Binig'yan ko siya ng nandidiring tingin.
Parehas kaming nakahiga ngayon sa aming kama. May unan sa gitna namin ngunit kitang-kita ko pa rin ang mukha niya.