Klea's POV
Pagkalabas na pagkalabas ko sa classroom ay isang pamilyar na boses ang tumawag sa aking pangalan.
"Klea!" malakas na tawag sa akin ni Annyeong.
Agad akong lumingon sa kaniya. Kasalukuyan siyang tumatakbo palapit sa akin. Habang tumatakbo siya ay napansin ko ang mga kababaihang nakatingin sa kaniya.
"Ang gwapo..."
"Bago lang ba siya dito?"
"Ngayon ko lang siya nakita..."
Bulungan ng mga kababaihan sa hallway. Nang tuluyan ng nakalapit sa akin si Annyeong ay nakangiting inakbayan niya ako.
"Ba't ka nandito?" Kunot-noong tanong ko.
Bigla siyang napanguso sa tanong kong iyon. "Ito naman! susunduin kaya kita!" Malakas na sabi niya sabay tingin sa mga kababaihan. "Hindi ko kayang umuwi ng mag-isa ang taong mahal ko." Mas lalo niya pang nilakasan ang boses niya kaya naman nanlaki ang mga mata ng mga babae.
"Ay! Taken na pala!"
"Sayang naman. Ang gwapo niya pa naman!"
"Ang swerte naman ni Iverson."
Rinig kong bulungan nila. Marami ang nanghinayang dahil sa kanilang narinig. Mas mas'werte si Jinyoung sa akin no!
'Tsk! Kung alam lang nila na 'di ko boyfriend 'to baka pinagkaguluhan na 'to nang todo!'
Napatingin siya sa akin at ngumisi. "Ayos ba babe?" Lokong tanong niya.
Inirapan ko lamang siya, tinanggal ko ang kaniyang braso sa aking balikat saka nag-umpisang naglakad. Kita kong sumunod siya sa akin at muli akong inakbayan.
Napailing na lang ako, saka tahimik ako na naglakad.
"Klea?" Mahinang tawag niya sa akin.
"Hmmm?"
"You're so dense no?"
Napatingin ako sa kaniya at napakurap. "A-Ako? Manhid?" Takhang tanong ko.
Tumango siya, bumaling ang tingin niya sa daan. " 'Di mo alam ang nangyayari sa paligid mo," seryosong sambit niya.
Napatigil ako sa paglalakad, humarap ako sakaniya saka napameywang. "Bakit naman?"
Tumigil din siya sa paglalakad at napatitig sa akin.
"Hindi mo ba alam ang nangyayari sa mga kapatid mo?"
Napaisip ako bahagya sa tanong niyang iyon. "Wala naman akong napapansin..." Mahinang sambit ko, kumunot ang noo ko dahil doon. Ano ang dapat kong gawin?
Napatango-tango siya at nag-iwas ng tingin. "Dahil manhid ka. Hindi mo napapansin ang mga nangyayari sa mga kapatid mo,"
Nagtaas ako ng kilay sa sinabi niya. "Ano bang nangyayari kila kuya?" Takang tanong ko.
Napatingin siya sa akin, saka nagbuntong-hininga. "Gusto ko ay ikaw ang makapansin, Klea," mahinang sabi niya saka tinanggal ang pagkakaakbay sa akin. "Tara na at baka hanapin ka na ni Tita." Nag-umpisa ng siyang maglakad.
Nagbuntong-hininga na lang ako atsaka'y sumunod sa kaniya. Habang naglalakad ay 'di ko maiwasang mapaisip kung ano ang itinutukoy ni Jinyoung. Pa-mysterious din kasi itong koreanong ito tsk!
NANG makauwi na ako ay nadatnan ko ang kapatid ko na si Kuya Liam.
"May ginawa ba kayong mali?" bungad na tanong ko kay Kuya Liam pagkapasok na pagkapasok niya sa bahay.