Chapter Four

150 14 6
                                    

Flashback pa rin po ito..

***

"Enzo, ayaw niyang maniwalang buhay ka." Natatawa kong sabi sa kanya. He stiffened, Trixie narrowed her eyes at him.

She eyed Enzo suspiciously.

"Pwede ba kitang makausap sandali?"

"I'd love to talk to you and catch up things but we need to go, I'm sorry." Tapos hinawakan niya ako sa kamay at umalis na kami sa lugar na yun. 2pm na nung makarating kami sa Ek. Better late than never.

Sinakyan namin lahat ng makita naming rides. I laughed hard, so hard until tears are coming out from the corner of my eyes.

Nagpakasaya ako hanggang sa abot ng aking makakaya at ipinangako ko sa sarili ko na ito na ang huling beses na gagawa ako ng katangahan.

Gusto kong maging masaya kahit isang araw lang. At alam kong isang araw lang talaga to so i will make the most out of it. Desperada na kung desperada.

Isang masayang araw kasama si Enzo. Kay tagal kong pinangarap to. Subalit habang nakikita kong unti unting dumidilim ang kalangitan, parang unti unti ring sumisikip ang dibdib ko.

It's fine, Im fine. This day with him worth all the pain.

Napansin niya yatang unti unti nang tumatamlay ang mood ko.

"Hey, are you alright?" Malumanay niyang tanong. Tumango lang ako, baka pag sumagot ako ipagkanulo ako ng sarili kong boses.

"Look!" Sinundan ko ng tingin yung tinitingnan niya. 

Fireworks.. malungkot kong sambit sa sarili ko. Napapikit ako para namnamin ang sandaling ito. Pagmulat ko iba't ibang kulay at hugis ng fireworks ang nakita ko sa kalangitan. Tumingin ako sa paligid, marami pa ring tao kahit pagabi na. May nakita akong couples na magkayakap habang nakatingala sa kalangitan.

Pero ang nagpasakit lalo sa dibdib ko ay yung isang pamilya na masayang nagtatawanan. Nakaupo sa lap ng Daddy niya yung batang babae na sa tantiya ko ay 12 years old, nagtatawanan sila, mukhang inaalaska nila yung Mommy niya na tawa lang din ng tawa. Tapos tumayo yung mag-ama at tumakbo, hinabol naman sila nung babae.

There's no such thing as happy ever after or everlasting. I bitterly thought to myself.

Pagkatapos ng fireworks display, nagyaya na akong umuwi.

Ipinahinto ko yung sasakyan nung malapit na kami sa pinakamalapit na mall mula sa bahay ko.

"Why?" Nagtatakang tanong niya.

Huminga muna ako ng malalim bago humarap sa kanya.

"Who are you?" He look surprised.

"Gaano mo na katagal nahalata?"

"After natin makipag-usap kay Trixie. Hindi ganun magreact si Enzo sa mga kakilala niya, lalo na kay Trixie, she used to be our best bud." Tinitigan ko siyang maigi at napansin kong may nunal siya sa dulo ng kanang kilay niya at kasing itim ng gabi ang kulay ng mga mata niya. Unlike kay Enzo na chocolate brown ang kulay ng mga mata at wala ni isa mang nunal sa mukha.

"I believe, I already introduced myself. I'm Ivan Bullet Alvarez."

ALMOSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon