Chapter One

202 18 0
                                    

"-class dismissed."

Sa wakas natapos din. Nakasurvive na naman ako ng isang boring na araw sa school. Dinampot ko agad yung bag ko at lumabas na ng classroom.

"Amber!"

"What?" I snapped.

"S- saan t-tayo gagawa ng th-t-thesis mamaya?" Kinabahang tanong niya. Well dapat lang, walang tao dito sa 

University na pinapasukan ko ang basta-bastang kumakausap sa akin. Pasalamat siya wala akong saltik ngayon. Siya si Chynna, Kagroup ko siya sa paggawa ng thesis paper namin. Pero kaklase ko na siya since lumipat ako dito sa School na to.

"What makes you think that I wanna do thesis with you?" kasing lamig pa rin ng yelo ang boses ko.

"S-sabi kasi ni Carla tayo daw ang partners sa-"

"Fine! So annoying. " I rolled my eyes. "My place or your place?" Gulat na gulat naman siya sa akin. Akala mo naman tinubuan ako bigla ng sungay kung makatingin.

"Uhm, I,  a, my place?" Kinakabahan pa ring sagot niya.

"Okay." poker face pa rin ako kahit banas na banas na ako sa kanya. Mukha siyang constipated na ewan. Paki ko ba sa kanya? Tss!

"Ah, Amber.." tinaasan ko siya ng kilay, feeling ko malapit ng mabali yung kamay niya sa ginagawa niya eh. "Wala kasi akong dalang sasakyan eh, pwedeng pasabay na lang ako sayo?"

Tinalikuran ko na siya. Habang naglalakad ako papunta sa nakapark kong sasakyan, inilabas ko yung susi ko. I unlocked my car nung dalawang metro na lang ang layo ko, nararamdaman kong nakasunod siya sa akin.

"San bahay niyo?" tanong ko nung palabas na kaming campus. Sinabi niya yung address nila. 30 minutes lang nakarating na kami, sa bilis ko ba namang magpatakbo ewan ko na lang.

Napasimangot ako nung napatingin ako sa katabi ko. Namumutla ba siya? Tss! Arte!

"Hindi ka pa ba bababa? Akala ko ba gagawa tayo ng thesis?" Tanong ko sa kanya nung hindi pa rin siya gumagalaw eh nakalabas na ako't lahat lahat. Tatanga-tanga naman tong ipinares sa akin. Nakakapang-init ng ulo. 

Kumilos naman siya agad pagkasabi ko nun. Pinauna ko na siyang pumasok sa bahay nila.

"Upo ka muna. Anong gusto mong inumin?" Medyo nabawasan na yung nerbyos niya pero parang nahihiya naman siya 

ngayon. Bakit siya mahihiya e ang ganda ng bahay nila. 

"Iced water will do." Umupo na ako. Inilabas ko yung Iphone ko para icheck kung may message ako.

1 missed call

3 messages

Una kong binuksan yung messages ko. Puro walang kwenta. Puro mga nag-yayaya magbar. Tss!

Pagbukas ko naman sa missed call, yung kaklase kong famewhore, uhaw sa pansin kaya dikit ng dikit sa akin.

"Ikaw ba si Amber?" Napatingin ako sa nagtanong, Isang teenager na katulong ang nakita ko.

"Yes." matipid kong sagot. Hindi ako ngumingiti pero hindi rin naman ako sumimangot. Neutral lang.

"Pwede bang magpa-autograph? Kukunin ko lang yung mga Albums mo na binili ko." Tumango lang ako, hindi ko alam na may fan pla akong katulong nila Chynna. Excited naman itong tumalikod.

"Anyare dun?" Nagtatakang tanong ni Chynna. Tapos biglang napangiti ng may maalala. "Sorry, hindi ko pala nasabi sayo na may avid kang kasambahay namin."

Sasagot na sana ako ng biglang sumulpot na naman yung katulong. Pinirmahan ko isa isa yung mga dala niya para umalis na siya sa harap ko.

"Ilang taong ka na Amber?"-Maid

ALMOSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon