Chapter Eight

79 12 2
                                    

AMBER COLLINS' POV

"This is bullshit!"

Muntik na akong mapatalon nang marinig ko ang malakas at galit na sigaw ng isang lalaki. Agad akong lumingon sa nagmamay-ari ng baritonong boses na iyon. 

My jaw dropped on the tiled floor. Kung kanina muntik akong mapatalon, ngayon naman muntik na akong malaglag sa kinauupuan ko. Para siyang Greek God na bumaba mula sa bundok tralala este Mount Olympus. He looks yummy while he's talking on his mobile phone.

Yummy? San galing yun?

"Miss... what is your name?" tanong niya nang tumigil ito saglit sa harapan ng desk ko.

I need to swallow and clear my throat para mahanap ko yung nalulon kong dila.

"A-amber, Amber Collins." Shit! Tama ba yung narinig ko? Nabubulol ako?

"Miss Collins, close your mouth and stop drooling. Magtrabaho ka na." Galit pero mahihimigan mo ang amusement sa boses niya. Then walang anumang tumalikod siya sa akin.

I shut my mouth close instance. Shit! Shit! Shit talaga! What the hell just happened? Ang gwapo niya!!!! At ang bango bango! Nasa loob na siya pero amoy na amoy ko pa rin yung pabango niya. Gusto kong magtatalon at tumili sa kilig!  

Pero teka. Pumasok siya sa opisina ni boss. Ibig sabihin siya ang magiging boss ko?! Holy crap!!! 

Eto na, nalaglag na talaga ako sa kinauupuan ko nung biglang may magsalita sa intercom sa ibabaw ng mesa ko.

"Miss Collins, bring the HGC financial report here."

Letse!

Napakasungit naman. Hindi yata itinuro yung salitang please sa kanya ng mga magulang niya. Teka ano na nga ulit pangalan niya? Mamaya ko na nga iisipin yun.

Mabilis kong hinanap yung report na kailangan niya at dinala agad sa loob. Pero siyempre kumatok muna ako.

"Come on in." Pumasok na ako pagkarinig ko nun.

"Sir--"

"Ilapag mo na lang diyan." Bakit ang sungit niya?! Kainis!

Pete Ryder Harris.

Parang narinig ko na yang pangalang yan ah. Saan ko na nga ba narinig yan?

"Is everything okay, miss Collins?" Shit! Hindi ko napansing nakatingin na pala siya sa akin.

"Yes, absolutely sir.. everything's perfectly fine.." parang wala sa sariling sagot ko.

I realized i was blabbering nonsense nung kumunot yung noo niya.

ALMOSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon