Chapter Thirteen (Unedited)

60 6 0
                                    

"Dad, I wanna see Enzo. Please let me see him!" almost two weeks na mula ng magising ako pero ni hindi dumalaw si Enzo. Kaya alam kong mas malala ang lagay niya kaysa sa akin. 

"Baby girl hindi ka pa lubusang magaling. Pupuntahan natin siya kapag fully recovered ka na talaga. Wag ng matigas ang ulo, please?" Hindi siya tumitingin sa akin. Alam kong may mali, may inililihin sila sa akin. Pero ano yun?

"I'm feeling well Dad, magaling na ako bakit kailangan ko pang magstay dito sa hospital?" 

Naiinis na talaga ako, kelangan ko pang magreview para sa finals namin, next week na yun eh. Tsaka kelangan ko din magrehearse para sa concert ko next month.

"Kasi nga hindi ka pa totally magaling. Drink this." Inabot niya sa akin yung gamot ko.

"Where's Mom?" Umiwas na naman siya ng tingin. Bakit ganun? Siya lang ang lagi kong kasama? Hindi ko pa nakikita si Mommy mula ng magising ako.

"Busy siya, may inaasikaso."

"Gaano kaimportante yung inaasikaso niya at ni hindi man lang niya ako sinilip dito?" Ganun ba siya kaabala na maski sarili niyang anak na nasa hospital hindi niya man lang masilip?

"Pumupunta naman siya dito Baby-"

"Kaya lang lagi akong tulog." He nodded. I sigh. Namimiss ko na si Mommy. "Anong oras ba siya pumupunta dito, Dad?"

"Why?" Naguguluhan siyang tumingin sa akin.

"Why? Kasi kung hindi niya ako naaabutang gising lagi, ako ang mag-aadjust just to see her." Hindi ko alam kung nahalata niya yung hinanakit sa boses ko. Nagtatampo na kasi talaga ako eh.

Sasagot pa sana siya but was interrupted by three knocks on the door. Bumukas yung pinto at iniluwa nito ang nakangiting nurse.

"Hi. How are you feeling, Amber?" Tanong niya sa akin.

"I'm feeling great, io. Nagtataka nga ako kung bakit hindi pa ako pinapayagang mad-ischarge eh." Nakapout kong sagot sa kanya. Si Io or Rio ay private nurse ko.

Ayan na naman yung mga pasimpleng tinginan nila ni Daddy. Ibinalik niya yung tingin niya sa akin tapos ngumiti ulit pero hindi na sumagot. Kinuhanan niya ako ng Blood Pressure at kung anu-ano pa, pagkatapos pinayuhan akong matulog muna bago siya tuluyang lumabas.

After a week.

"Amber! What do you think you're doing?" Nagpapanic na lumapit agad si Daddy sa akin.

"Dad, bored na bored na po ako sa kwarto ko. Sumasagap lang naman ako ng sariwang hangin." Naabutan niya akong naglalakad sa hallway.

He sigh.

"Dad, 'everything alright?" ngayon ko lang napansin na mukha siyang problemado.

"Yes. Ah, Uhm.. Sabi ng doctor pwede ka na daw umuwi mamaya." Bakit mukhang hindi siya masaya?

"Yaayyy! Magbibihis na ako." Napatingin sa akin yung mga tao, yung iba ang sama ng mga tingin.

Nagsorry lang ako tapos mabilis ng bumalik sa kwarto ko at ngbihis habang sinesettle ni Dad yung bills.

"Where's Mom? Bakit ikaw lang sumundo sa akin, Dad?" Hindi ko mapigilang tanungin habang nasa sasakyan kami.

"Marami tayong dapat pag-usapan, Amber. Pero mamaya na lang, Okay?" Tumango lang ako.

After an hour..

“Dad? What are we doing here?” Tumatayo ang balahibo ko.

Kasalukuyan kaming nglalakad dito sa sementeryo. La Loma yung nabasa ko kanina sa may gate. Pinaka-ayokong lugar ang sementeryo dahil natatakot ako. Ito yata ang epekto ng panonood ko ng Resident Evil, nagiging paranoid ako.

ALMOSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon