"Anong ginagawa ng Hayop na yan dito, Amber?" Medyo naguluhan at nagulat ako sa tanong ni Trixie. Bukod sahindi ko alam ang tinutukoy niya, galit pa yung tono niya.
Kasalukuyan kaming naglalakad papasok sa building kung saan matatagpuan yung condominium ko. Sinundan ko ng tingin yung tinitingnan niya.
Kaya pala mukhang susugod sa gyera ang hitsura niya. Si Bullet, nakatayo at kausap yung receptionist.
"I don't know, Trixie." Pinaningkitan niya ako ng mata.
Hindi sinasadyang narinig ko ang pinag-uusapan nila nung receptionist nung mapadaan kami sa reception area, kahit halos kaladkarin na ako ni Trixie papunta sa elevator.
"Sir, pasensya na po pero hindi ko po pwedeng sabihin sa inyo kung anong room number ni Ms. Collins." Napatigil ako sa paglalakad.
"Becks ano ba? Let's go, mamamatay na ako sa gutom." Lumapit ulit si Trixie para hilahin ako.
Pero dahil nakalunok ng megaphone ang bestfriend ko, napalingon sa amin si Bullet at yung receptionist.
"Amber, can we talk?" Seryosong tanong niya.
I opened my mouth to reply but Trixie beat me to it.
"No. Now leave." Malamig na pagtataboy ni Trixie.
Hindi naman nagpatinag si Bullet. Nakatingin lang siya sa akin ng diretso.
"Becks, tara na." Hinila niya na ako paalis pero nagsalita ulit si Bullet.
"It's about Chynna." He said.
Tumingin sa akin si Trixie.
"Mauna ka na, Trix. I'll talk to him." She just rolled her eyes tapos tumalikod na papunta sa elevator.
"Thanks." He said, then lead me to the nearest sofa in the lobby.
"What about Chynna?" I may be sound rude but I don't care.
"She's giving me cold and silent treatment, and it's driving me nuts." He let out a frustrated sigh.
"And what am I supposed to do? Why are you saying this to me?" Ano ba ang gusto niyang mangyari?
"She's treating that way since.. since, you know.. since I forbid her to see you." Then it dawned to me. Bago pa ako makapag-isip, nasabi ko na kung anong iniisip ko.
"So that's the reason why you apologized, huh?" I can't help but mock him. "You want me to help you with your sister. I thought you don't want me near her?"
"Its not like that, Amber. Look, I already said I am sorry, yeah? I mean it, I am really sorry for what I did and said about you." He look so sincere but I am beyond pissed.
"What do you want me to do then?" I asked without thinking first.
"I wanna invite you over for dinner." Sa sobrang bilis niyang magsalita, muntik ko ng hindi maintindihan yung sinabi niya.
"Fine," After thinking for about a minute, pumayag na rin ako. I'm missing Chynna after all. "But let me have a word with Trixie first. She's expec --"
You can invite her too." He cut in.
"Okay, tatawagin ko lang siya." Wala pa ring kangiti-ngiting sabi ko.
"I'll wait for you outside." I nodded and walked towards the elevator.
Is it a good idea? I'm only doing this for Chynna, this isn't so bad I think.
Hindi ko namalayang nasa floor na pala ako ng condo ko. Mabilis akong naglakad nung nakita kong nakatayo sa tapat ng unit ko si Trixie.
Shit! How stupid can I get? Hindi niya pala alam ang password ko.
"Trixie, sorry. I forgot to give you my passkey." Bungad ko agad sa kanya. gutom pa naman na siya.
Hinanda ko agad tenga ko sa bunganga niya pero nagulat ako sa malumanay na tanong niya.
"What does he want? Shit, pati ako napapa-english sayo becks eh. Anyare ba? Bakit umi-english ka na naman? Nakausap mo lang yung tukmol na yun balik ingglesera ka na naman." Gusto kong tumawa sa walang prenong bunganga ng bruhang to.
Pero baka masapok niya ako sa susunod kong sasabihin kaya pinigilan ko ang sarili kong tumawa. Teka, tama nga si Trixie, kanina pa ako nagtatagalog pero nung nakausap ko si Bullet, umi-english na naman ako. Nahahawa na ako sa kabaliwan ni Trixie.
The price of being with Trixie. Tsk!
"Earth to Amber. Hello. Nag-space out ka na becks." SHe snapped her finger in front of my face to emphasize her words.
"He's inviting us over for dinner." She frowned. "Gutom ka na di ba? 20 minutes drive lang yung bahay nila mula dito, Trix."
"Pumayag ka naman? Becks naman! Matapos ka niyang pagsabihan ng kung anu-ano basta ka na lang magpapauto sa kanya?" Galit niyang litanya.
"Trix, nagsorry na siya. I promised myself not to live in hatred anymore. Come on. It's just a dinner, hindi mo ba namimiss si Chynna?" Napangiti ako nung kumibot yung labi niya.
"Akala ko ba hindi mo kaibigan yung gagang yun?" Lumawak lalo yung ngiti ko nung nag-umpisa na siyang maglakad papuntang elevator.
Sorry short update lang. Busy busy-han ang peg ko eh.
Don't mind the typos and grammatical errors. hahaha!
BINABASA MO ANG
ALMOST
Storie d'amoreHow could you say you reminisce when there is no past? How could you lost someone when in the first place, you never really had them? I don't know either. But one thing is for sure, love sucks! He seemed to be the perfect one for me. He's all that...