Chapter Nine

72 9 6
                                    

"Good afternoon, Mr. Alvarez." Thankfully, firm yung boses ko. Ayokong ipahalatang kinakabahan ako.

"Magkakilala kayo ni Sir Ivan?" Medyo mukhang tangang tanong ni Sam.

Sinulyapan ko yung ilaw sa taas ng pinto. Dalawang floor na lang. Kaya mo yan Amber, huwag ka na lang sumagot.

Nginitian ko lang si Sam. Hindi na ako nagsalita pa hanggang sa umabot na kami sa floor ng department ko. I bid my goodbye and stepped out of the elevator. Determined to ignore the curious stares they're giving me.

Pero mukhang iba ang balak ni Bullet.

"Miss Collins, puntahan mo ako sa opisina ko mamaya." Narinig kong utos ni Bullet bago sumara yung pintuan ng elevator.

Wala sa sariling naglakad ako pabalik sa cubicle ko.

Sumilip, este kumatok muna ako sa opisina ni mr. Harris bago ako dumiretso sa desk ko para icheck kung andun na siya.

"Come in." Aba, nauna pa sa akin.

"Uhm, ichecheck ko lang po kung nandito na kayo sir, just in case may tumawag at maghanap sa inyo." Bakit parang feeling ko defensive ang dating ng sinabi ko?

Tumango lang siya ng hindi man lang tumitingin sa akin. Lumabas na ako ng opisina niya, wala naman akong gagawin doon eh.

I was in the middle of encoding nung magring yung telepono sa gilid ng computer monitor ko.

"Ryder Harris' o--"

"AMBER! Uhm hi, hehe, si Trixie to. I have a good news for you becks!"

"Trixie, wala ka bang ginagawa? Office hours kaya oh." Nagkunwari akong naiirita kahit natutuwa naman talaga akong makausap siya.

"Party pooper. Tss!" Trixie sound so offended kaya tumawa na ako.

"Matampuhin ka naman masyado, Trixie. Ano ba yung sasabihin mo?" I asked unaware that i'm smiling.

"Si Yanna may boylet na! OMG! Susunduin kita mamaya becks, may pupuntahan tayo. Teka, hindi ka na inglesera?" Dire-diretsong sabi niya.

Napakaramdom talaga kahit kelan.

"Inglesera talaga? Hahaha--" Napatigil ako sa pagtawa. "Uhm Trixie, I gotta go, I'll call you later. Bye."

Hinintay kong makarating sa harapan ko ang taong dahilan kung bakit napatigil ako sa pakikipagchikahan sa telepono.

"I told you to go to my office, I've waited hours!" Walang kangiti-ngiti niyang sabi nung mga isang metro na lang ang layo niya sa desk ko.

"I'm sorry, Mr. Alvarez. Marami kasi akong ginagawa." I replied nonchalantly. Tsaka ko ipinagpatuloy ang pag-eencode, completely ignoring him.

ALMOSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon