Chapter Four

2.6K 94 2
                                        


Vanessa never wanted to come to this event. Hindi naman niya kilala ang mga tao na dadalo sa naturang event. Napilitan lang talaga siya dahil kinumbinsi siya ni Gideon ganoon na rin ng mga magulang niya. She can sense that her Mama Rose was rooting for her to Gideon. Hindi naman niya gusto iyon dahil matagal na niyang inayawan ang karisma ni Gideon. She was already immune to his charms. Kinuha niya ang kanyang kopita at tinungga ang laman nito. She was just observing the people. Marami siyang namataan na mga celebrity at ganoon na rin mga politiko. All of the guests are come from a very prominent family.

Iniwan siya ni Gideon dahil kailangan nitong makipag-usap sa kaibigan nito. She was just waiting for Gideon to arrive. She missed her Mama Rose. Nalungkot siya nang maalala niya ang kanyang ina. She was really close to her mother dahil siya lang nag-iisang anak at spoiled siya sa mama niya. Ang Papa niya naman ay close niya rin pero pakiramdam niya ay hindi pa siya sa sapat sa Papa niya dahil hindi siya naging lalaki. Her father wanted to have a son pero hindi na naman iyon kayang ibigay ng mama niya so wala na silang nagawa.

Mahal naman siya ng Papa niya but she felt that something is lacking. Muli niyang kinuha ang drinks na sinerve ng waiter. The food was great and the music as well. Hindi man siya masyadong nakakapagsalita dahil na rin sa wala naman siyang kakilala ay pinagkasya nalang niya ang sarili niya sa pag-inom. Medyo tipsy na rin siya dahil sa ininom niya but she can still control herself.

The place was filled with the song of BeeGees—her father's favorite band. She was just enjoying herself with the music. Wala naman siyang pakiramdam kung pinagtitinginan siya ng mga tao dahil na rin sa pagalaw ng kanyang ulo kasabay ng tugtog. Hindi na niya mabilang kung ilang baso na ng champagne ang kanyang naubos. She also grabbed that blue margarita and now she was feeling a bit tipsy.

"Are you okay?" The woman whom she shared table with asked her. She nodded.

"No worries, I can handle myself." She smiled at her. Hindi na nagsalita ang huli dahil naramdaman nalang ni Vanessa na may humablot sa braso niya nang akmang tatayo na siya.

"Vanessa..." his voice soothed through her ears. She couldn't help but to close her eyes to control the raging feeling inside her. Iyong palad ni Gideon na nakadapo sa kanyang braso ay nagdadala ng init sa buo niyang katawan dagdagan pa ng boses ni Gideon na kayang palambutin ang mga tuhod niya.

"Gideon, are you with her?" the woman asked Gideon. Nagtaas ng kilay si Vanessa at napailing. This woman is obviously trying to flirt with Gideon and that pisses her off!

"Yes." He simply answered. Vanessa stared at him murderously. Gideon was giving her and unknowing look.

"Do you like him?" she straightly asked the woman. Nakita niya ang pagkinang ng mga mata ng babae. She never noticed the woman's presence not until Gideon came.

Nahihiyang tumango ang babae sa kanya. She almost rolled her eyes. "He is famous. He is one of the hottest bachelors here." Saad ng babae sa kanya.

"Ganoon ba?" tila walang gana niyang tugon. Inalis niya ang kamay ni Gideon sa braso niya. She smiled at the woman. "You know what Miss—"

"Angela, Angela Ramirez..."

She just shrugged her shoulder. "Yes, Miss Angela, you can actually have him. He is free. I have to go. Bye!" aniya at tinalikuran ang dalawa.

Hindi naman niya kailangan si Gideon, e. Sanay na naman siya na wala sa mga listahan ng mga babaeng magugustuhan ni Gideon. She was just nothing but a kid to Gideon. Nakaramdam siya ng pagkakahilo. Bago siya tuluyang umalis sa party ay muli niyang sinulyapan ang iniwang si Gideon. Halos matumba siya nang makita niya ang matalim nitong pagtitig sa kanya. Galit ba ito? Bakit naman?

Vanessa (SGSeries6)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon