Chapter Six

2.5K 103 5
                                        


They actually spent three days and two nights on the Highness of The Sea cruise ship. Inaamin niya na natuwa siya sa naging accommodation ng naturang cruise ship. It was actually her first time being invited on a cruise ship. Nasa loob na sila ng sasakyan ni Gideon. Gideon was oddly quiet the moment they exited The Port.

Simula nang magkainitan si Gideon at si William, naging mailap na si Gideon sa mga kaibigan niya. She doesn't know what exactly happened but she was worried for Gideon.

Mahigit dalawang oras lang ang biyahe nila pabalik ng Ormoc. They used a chopper to head back to Ormoc. Naka-park lang naman ang sasakyan ni Gideon sa isang malaking hotel sa Ormoc. Hindi siya pinapansin ng binata hanggang sa makarating sila sa bahay nito. She grabbed her duffel bag and her shoulder bag. Gideon just went directly inside the house, hindi ito nag-abalang tulungan siya.

Pumasok na rin siya ng bahay para makapagluto. It's almost twelve and they haven't eaten yet. Nang maipasok niya ang mga gamit niya sa loob ng kanyang sariling kwarto ay dumirekta siya sa kusina. She scanned the cupboard to look for something to cook. May karne pa naman sa refrigerator kaya naisipan niya magluto ng nilagang baboy.

Vanessa busied herself cutting the ingredients when Gideon barged into the kitchen. He was wearing a white v-neck and board shorts. Nakapagbihis na ito.

"What are you cooking?" he asked her as he strode towards the fridge to grab water. Kinuha nito ang pitcher at nagsalin sa baso.

Without looking at him, Vanessa answered. "Nilagang baboy. I missed my mother, this is her favorite," Anang Vanessa.

"Hindi ka ba pagod sa biyahe?"

She shook her head. "No, I am also starving."

Guilt filled his face. "W—We should have grabbed some food earlier. I am sorry."

She smiled kindly at him. "No worries, something is really bothering you. Kung handa kang mag-share, I will listen."

Tahimik lamang si Gideon, halatang nag-iisip. She really wanted to know what was bothering him, but wala naman siyang karapatan para makialam kay Gideon.

Huminga nang malalim si Gideon at umupo sa tapat niya habang siya ay abala sa paghihiwa ng mga rekado para sa nilagang baboy. Pinapakuluan na niya ngayon ang baboy. Ipinusod niya ang buhok niya para walang sagabal habang nagluluto siya.

"Have you ever been in love, Vanessa?"

Tumikwas ang kilay ni Vanessa dahil sa naging tanong ni Gideon sa kanya. That was really odd of him to ask her that kind of question.

Pagak siyang ngumiti. "What's with that question, Gideon?"

Gideon shrugged his shoulder. "I was just curious."

It took her a couple of minutes before she could finally answer his question. Nagtataka siya ibinatong tanong sa kanya ni Gideon pero wala naman siyang rason para ibalewala ang tanong ng binata sa kanya.

"Oo naman, pero hindi pwede, e. Masyado pa kasi akong bata," Sagot niya sa binata.

Muling nagsalin ng tubig sa baso si Gideon at uminom galing doon. He emptied the glass with just a few gulps.

"Was that a bad experience?" he asked her again.

She shot up her brows. "You sounded so curious about my love life Mr. Saavedra."

"What happened after I shoved you away from my office?" he asked her again, but this time the question tackled more about their past.

Nagsimulang mailang si Vanessa dahil sa tanong ni Gideon. She cleared her throat, feeling uncomfortable by his question. "D—Do we really have to talk about that?" she shot at him.

Vanessa (SGSeries6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon