Halos hindi magkamayaw si Vanessa sa kakatingin sa malayong bulto ng lalaking bumisita sa kanila matapos ang tatlong taon. Ilang taon din silang hindi nagkita ng lalaking tinitignan niya ngayon dahil kailangan nitong asikasuhin ang negosyo ng pamilya nito. He owns a huge pharmaceutical company in the Philippines and he was also considered as one of the eligible bachelors in this generation. Madalas niyang nakikita ang herodes na 'to sa mga sikat na magazine. She was now in Davao trying to mend her broken heart after the heartbreak that she had with this man. Binasted lang naman siya ng lalaking ipinanganak ng gwapo. Napailing na lang si Vanessa dahil kung ano-ano na lang ang iniisip niya. She must be crazy.
"Vannie, hindi mo ba sasalubungin ang Kuya mo?" tanong ng Mama niya na galing sa kusina. Her parents were preparing for his arrival. Masyadong espesyal sa mga magulang niya kapag bumibisita ang nag-iisang Thalion Gideon Saavedra.
Umiling siya sa kanyang mama habang nakatutok ang mga mata sa harap ng laptop niya. She was just searching for a new breed of flowers. Siya na ngayon ang namamahala sa kanilang flower farm dahil matanda na rin ang kanyang mga magulang. "Hindi na. Busy ako." Sagot niya.
"Alam mo anak simula nang bumalik ka rito matapos mong maisipan na mag-aral sa Metro ay naging ganyan ka na."
Kumunot ang noo niya. "Anong ganyan, Ma?" she asked, still minding her work.
"Naging mailap ka na kapag si Gideon ang pinag-uusapan. May nangyari ba sa'yo sa Metro na hindi mo sinasabi?"
Napailing na lang siya sa tinuran ng ina. Three years na hindi nakita ng mga magulang niya si Gideon. Siya naman ay dalawang taon nang hindi nakikita ang binata dahil na rin sa isa siyang dakilang tanga at chismosa kaya nang umalis si Gideon sa kanila ay naisipan niyang sundan ang binata. She was only twenty-two at that time at hindi niya alam kung anong pinasok niyang buhay sa Metro. Gaga rin kasi siya, sino ba naman ang matinong babaeng susunod sa lalaking wala namang pakialam sa kanya. Mabuti na lang talaga at may bahay sila sa Metro at may naging part-time siya roon. She met Khen Trisha Rosales and became friends with the woman. Siya lang ang tinuturing na kaibigan ni Khen kasi masyado itong frigid noon pero iba na ngayon kasi may asawa na ito. Khen is happily married to Karl Angelo Arcenas.
Pero dahil na rin nga sa katangahan niya naisipan niyang sundan si Gideon but when Gideon found out about her he dragged her to his office and scolded her like a little girl. May pahabol pang sabi na "You are not my type and you will never be my wife's replacement." Aba! Ang kapal din naman ng mukha ng hudyo. Ang sarap ipalapa sa mga bakla ang mukha ng Gideon na 'yon.
"Anak!" tawag sa kanyang atensyon ng kanyang mama.
Napalingon siya rito at napaismid. "Mama naman, walang nangyari. I enjoyed my stay in Metro. Kita mo ay naging mas independent ako." Aniya.
Totoo naman kasi. She became independent from everything. Natuto siyang bumangon sa sariling mga paa nang nasa Metro pa siya. Now she's twenty-four and ready to mingle. Sa edad niya na twenty-four ay hindi pa rin siya nagkaka-boyfriend and she thinks that it's not right. Dapat by twenty-five sana may anak na siya para mapakinabangan naman ang matres at lalo na mapakalat niya ang lahi niya.
"Anak, dapat kasi—"
"Ma naman. Don't pressure me. Nai-stress ang mga egg cells ko sa'yo, e."
Hindi nakahirit pa ang kanyang ina. Her mother just heaved a sigh and tapped her shoulder. "Alam mo anak, kung wala ka ng choice. You can have Gideon. Good catch naman ang kuya mo." Suhestiyon ng kanyang ina.
Halos masamid si Vanessa dahil sa narinig niya mula sa kanyang ina. That suggestion was absurd. She couldn't believe that it came from her beloved mother. Nakangisi lamang ang kanyang ina habang hinihintay ang kanyang magiging sagot. Yes, her mother was right. Good catch si Gideon pero hindi niya kayang magpakamartyr 'no! She already tried it once and she will never do that again.
BINABASA MO ANG
Vanessa (SGSeries6)
عاطفيةHow can someone become the number one choice for the man they truly love? And how do they keep trying to win over someone who's still longing for a love that won't return?