Chapter Eight

2.6K 104 6
                                        

LUMABAS si Vanessa sa kwarto ni Gideon. She doesn't like what she was seeing. Masaya siya na dahil gising na si Gideon pero hindi niya inaasahan ang unang pangalan na ibibigkas nito. He was still thinking about Rochelle, si Rochelle pa rin iyong laman ng isip ni Gideon. Kahit pa siguro gilitan sa leeg si Gideon ay hindi pa rin nito kayang kalimutan si Rochelle.

Marahas niyang pinunasan ang mga luhang nagsialpasan sa kanyang mga mata. Damn! She was already aware that this would happen. Ano pa ba ang pinag-iinarte ng puso? This is bound to happen and she thought that she was ready for this, pero mali siya - hindi siya kailanman naging handa sa ganitong bagay.

She felt like Gideon no longer needs her. Ano pa ba ang silbi niya sa buhay ni Gideon?

Umalis siya ng ospital dahil hindi na niya kaya pang harapin si Gideon. She pitied herself for loving him too much. Ang bobo niya dahil hinayaan niya ang sarili niya na mahulog muli kay Gideon. The people were looking at her while she was heading her way out of the hospital. Hinayaan niya ang mga luha niya na kumawala.

"Vanessa?" Someone called her attention. She lifted her head and was surprised to see William. Nangunot ang nuo niya dahil tinawag siya nito gamit ang pangalan niya.

"What happened?"

Lumapit si William sa kanya at sinipat ang kanyang mukha. He even touched her cheeks pero mabilis ang kanyang naging pag-ilag. Bahagya siyang umatras. Hindi siya makatingin nang diretso kay William dahil tama ang sinabi nito sa kanya. He already warned her pero matigas pa rin ang ulo niya.

"He's awake." She answered, staring blankly at the tiled floor.

"Gideon? That's good!" He exclaimed. "You should be with him."

She laughed sarcastically as she dropped her gaze to his direction. "You are such an asshole." She commented. "You already know what happened William, hindi mo na kailangan pang magkaila."

Nagbago ang ekspresyon ng mukha ni William. Matalim siya nitong tinitigan. Hindi siya nagpatinag at pinantayan niya ang mga titig sa kanya ni William.

"You know what, you were right..." she sighed heavily. Tears rolling down her cheeks. "Kahit anong gawin ko ay si Rochelle pa rin ang bukambibig ni Gideon. Matagal ng patay si Rochelle pero kasa-kasama pa rin ni Gideon si Rochelle." Humikbi siya na parang bata at wala na siyang pakialam kung pagtawanan man siya ni William. "Si Rochell pa 'rin ang mahal niya." Aniya.

Isinubsob niya ang kanyang mukha sa kanyang mga kamay. Ibinuhos niya ang lahat ng hinanakit niya kay Gideon. Simula nuon, hanggang ngayon ay ipinapamukha pa rin ni Gideon na hindi niya kayang higitan o pantayan man lang si Rochelle sa buhay nito.

Why would she hold on to these stupid feelings? Wala rin naman patutunguhan. She never liked any other male specie because she was really into Gideon. Walang lalaking kayang higitan ang pagmamahal niya sa binata.

Naramdaman niya ang paglapit ni William sa kanya. She flinched when William touched her shoulder.

Ngumisi si William at napailing. "Do you want to escape for a while?" Tanong ni William sa kanya.

Pinunasan ni Vanessa ang kanyang mga luha. Her forehead knotted because of William's question. "Escape?"

Tumango si William. "I can help you to escape, Vanessa, from Gideon's wing."

"Anong kapalit?" She dared to ask. Hindi siya naniniwala na walang kapalit ang offer sa kanya ni William. Kahit naman galit siya kay Gideon ay hindi niya pa rin nakakalimutan ang babala nito sa kanya.

William shrugged his shoulders. "Simple lang, just leave Gideon for a while. H'wag mo muna siyang gambalain." Anang William.

Vanessa was just staring at him. Nag-iisip na siya sa kung tatanggapin niya ba ang offer ni William o hindi. A part of her says yes but there is also a part if her that says no. Hindi niya pwedeng pagkatiwalaan si William pero...

Vanessa (SGSeries6)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon