EPILOGUE
"Are you sure about this?"
"Vanessa, of course, I am!"
"Ihhh! Kinakabahan ako!"
Vanessa was just pacing back and forth while holding the small tube in her hand. Pinakatitigan lamang siya ni Gideon habang siya naman ay inis na inis dahil sa mukha ng kanyang nobyo. They have been together for six months already and their parents already knew about their relationship. Balak niya sanang planuhin ang pagpapaalam sa mga magulang nila but Gideon was the stubborn of all men that she ever encountered, kinaladkad siya nito sa Davao at nagpakilala sa mga magulang niya.
Her father was a bit surprised and her mother yelped in happiness. Abot-abot ang kaba niya dahil baka hindi sila tanggapin ng mga magulang niya pero kabaligtaran ang nangyari sa kanya. Gideon's mother cried in happiness because of their news.
Nasa Ormoc pa rin silang dalawa dahil undergoing pa rin iyong pagpapatayo niya ng branch siya sa Leyte. Gideon was also taking care of her. Hindi ito umaalis sa tabi niya kahit hindi niya naman ito pinipilit na samahan siya. Gideon was running a very famous pharmaceutical company here in the Philippines. Alam niyang mas kailangan nitong magtrabaho at atupagin ang kompanya nito pero siya pa ang inaatupag ng nobyo niya.
Gideon just focused his gaze to her. "Mahal naman..." anito, hinila ang kamay niya kaya sa kandungan siya ng binata bumagsak. Vanessa bit her lower lip when she felt Gideon's breath fanning on her neck. This is the damn reason why they are stuck in this situation right now. Masyado siyang marupok pagdating kay Gideon.
"G—Gideon naman, e." himutok niya at hinarap ang binata. She pouted her lips and sighed. "Natatakot ako."
"Saan ka natatakot?" tanong sa kanya ni Gideon. "Aren't you happy of the result?"
Napakamot siya ng ulo. "I am happy kaso..."
"Kaso ano?"
"Hindi ba magagalit sila Mama? Am I on the right age and are we—"
"Shhhh..." inilapat ni Gideon ang labi nito sa kanyang labi. "You are talking too much mahal. Having a baby is a blessing and I am sure our parents will be happy about this."
Iyon na nga ang ikinakabahala niya. Hindi siya sigurado kung magiging masaya ba ang pamilya niya na ngayon ay buntis na siya. Bago sila umalis ni Gideon ay binalaan na siya ng kanyang ama na dapat kasal muna bago ang anak pero sadyang mapaglaro ang tadhana dahil heto na ngayon at nauna pa talaga ang magkaanak sila kaysa sa magpakasal.
"Mahal, you are giving me this impression that you don't want to carry my baby?" wika ni Gideon. His eyes were now dark and he looked so damn serious.
"Hindi naman sa ganoon!" aniya. Napatayo siya dahil nakaramdam na rin siya ng inis kay Gideon. She wanted to carry their child, of course! Ito ang trophy ng kanilang pagmamahalam and she loves this little pea inside her.
Nang malaman niyang buntis siya kaninang umaga ay halo-halong emosyon ang naramdaman niya. She felt happy and at the same time worried. She was worried that her father might get mad at her and she was worried because she doesn't have any idea of how to become a mother. Medyo spoiled siya sa mga magulang dahil nag-iisa lamang siya na anak at hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na mag-alaga ng bata dahil wala namang bata sa bahay nila sa Davao. She was living her life with her mother spoiling her and her father giving her whims and caprices.
Iyon ang ikinababahala niya kung paano niya magagampanan ang pagiging isang ina sa magiging anak nila ni Gideon and will she be a good wife to this man?
Wala siyang alam and that's frustrates her even more.
Huminga siya nang malalim at naupo sa tabi ni Gideon. "I have this feeling that I will never be a good mother to this child..." aniya, napalabi siya nang maisip niya na may ibang babae ang kayang gampanan ang responsibilidad na kinakaharap niya ngayon. "You know, ang moody ko tapos minsan nasasaktan pa kita dahil sa ugali ko. I can do household chores and all that stuffs pero ang mag-alaga ng bata. I haven't tried that, mahal." Napaiyak na siya dahil sa nararamdaman niya.

BINABASA MO ANG
Vanessa (SGSeries6)
RomanceHow can someone become the number one choice for the man they truly love? And how do they keep trying to win over someone who's still longing for a love that won't return?