Chapter Ten

3K 92 4
                                    

Vanessa already made her decision. Kinausap na niya si William tungkol sa plano niya. William just listened to her and agreed with her decision. Hindi naman pwedeng habang-buhay siyang magtatago kay Gideon at isa pa, narealize niya na may shop siya na malulugi kung ipagpapatuloy niya pa ang pagdrama niya. She needs to be back. Totoong namimiss na niya ang kanyang mga magulang.

Last night, her father called her asking her to go home. Naantig naman ang puso ni Vanessa and that pushed her to go back. Maliit lang na bag ang dala ni Vanessa dahil wala naman siyang masyadong gamit na dala nang kaladkarin siya ni William. She's also thankful to him dahil kung hindi dahil sa kanya baka kung saan na siya napadpad ngayon. Hinatid siya ni William. William was just silent and being distant. Naiintindihan niya naman ito.

Nang makarating sila sa Metro, hinatid siya ni William sa shop niya. Sabi ng Mama Rose niya, nasa bahay na sila sa Metro simula nang maging okay si Gideon. Hindi niya alam kung bakit siya binabalitaan pa rin ng kanyang ina tungkol kay Gideon.

She already had enough of this pain. Hindi niya gustong ipagsiksikan ang puso niya sa taong may iba nang mahal.

"Are you not going to come inside?" he asked William. Nakatunghay siya sa binatana dahil hindi na bumaba pa si William. Bakas pa rin sa mga mata nito ang pagod at lungkot.

William shook his head. "No need, may hahabulin pa akong flight."

Kumunot ang noo niya. "Flight? Saan?"

"Perth, Australia." He sighed and smiled at her. "I will be chasing the love of my life. Sana magawa rin 'yon ni Gideon."

Nakaramdam siya ng inggit sa babaeng minamahal ni William. It may be too late for him to realize that he loves the woman but still he is exerting effort just to win her back. Siya? Wala. Kahit pa mag-backflip siya o magtwerk sa harapan ng herodes na si Gideon ay hindi siya nito magiging bet.

Napaismid siya nang piningot ni William ang kanyang ilong. "Ihhh! Ano ba?! Ang ilong ko." Himutok niya.

"But just trust him this time, Vanessa."

"Naku! Bahala na siya sa buhay niya. Gago iyon!" aniya at bahagyang umatras. "Umalis ka na nga." Pagtataboy niya rito.

Natatawang isinara ni William ang bintana ng kotse nito. Napabuntong-hininga siya nang makita niyang tuluyan nang nakaalis ang sasakyan ni William. Bakit ba ang swerte ng mga tao sa buhay pag-ibig nila tapos heto siya nag-eemote sa puso niyang nasawi dahil sa lalaking eleven years ang tanda sa kanya.

Good gracious! Ang dami namang mas bata pa sa Saavedra na 'yon tapos heto siya ang drama niya dahil hindi siya kayang mahalin ng lalaking 'yon.

"Kung pwede ko lang talagang gayumahin. Ginawa ko na." bulong niya sa sarili. "Makapunta nga ng Siquijor para magayuma ko na naman ang mokong. Papogi masyado." Bulong niya sa sarili.

Ipinilig niya na lang ang ulo niya dahil kung ano-ano na lang ang pumapasok sa isip niya. She was about to get inside her shop when he noticed someone familiar. Nakatingin ito sa gawi niya habang nakasandal sa sasakyan nito.

Wearing the usual pambahay outfit tapos nakatsinelas pa. Tapos dapat ba bakat na bakat ang putting t-shirt nito sa katawan.

"Ang animal! May balak 'ata akong landiin." Bulong niya pa. Hindi na niya pinansin pa kung sinomang herodes ang nakapark malapit sa shop niya. Tuluyan siyang pumasok sa shop niya pero mabilis niyang naramdaman ang mga kamay na pumulupot sa bewang niya.

Napatili siya dahil akala niya kidnapper napagkamalan siyang bata pero laking gulat niya nang makita niya ang mukha ni Gideon na sinasalo lahat ng sapak niya.

"Ano ba?! May kailangan ka?!" singhal niya rito. "Marami akong gagawin. Huwag ka nang magulo!"

"C—Can we talk?"

Vanessa (SGSeries6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon