NAGISING si Vanessa nang maramdaman niyang may kaluskos galing sa loob ng cabin. She startled a bit, but she was surprised to see Gideon fixing the tray at the side table. Paano nakapasok ang hudyo sa kwarto niya?
She remembers what exactly happened last night. They actually kissed while the waves and the moon were watching them. Hindi niya alam kung paano o bakit nangyari iyon basta nalang nangyari. Hindi naman siya umangal dahil gusto niya naman. Aaminin niya matagal na niyang inaasam-asam na mahalikan si Gideon and last night was real.
Huminga siya nang malalim at bumangon. Gideon's gaze dropped to her, he smiled. "Good Morning, baby." He greeted her. Pakiramdam ni Vanessa ay may malaking kamay ang dumapo sa dibdib niya dahil sa tinawag ni Gideon sa kanya.
She just shook her head and looked at him. "Ang aga mong lumandi!" aniya sabay tawa.
"Landi? Hindi kaya." Pagkakaila nito. Hindi mapuknat ang mga ngiti ni Gideon.
Tumayo na siya at dumiretso sa sariling banyo na nasa loob lang ng cabin niya. "I will fix myself first and then we'll eat." Anang Vanessa.
Nang makapasok si Vanessa sa loob ng banyo ay doon niya pinakawalan ang kanina pa niyang pinipigilan na kilig. Si Gideon lang ang natatanging lalaki na kaya siyang pakiligin ng ganito. She glanced at her gold bracelet and smiled like a retard afterwards. Napatingin siya sa kanyang repleksyon sa salamin at napansin niyang namumula ang kanyang pisngi.
Kinikilig ako...
"Naku! Hindi ka pa rin ba naka-move on kay Gideon, Vanessa?" tanong niya sa sarili. Mahina niyang sinampal ang kanyang pisngi. "Guard your heart! Damn, nagiging marupok ka na naman." Aniya.
Sinabunutan niya ang sarili bago tuluyang nag-ayos. She just washed her face and brushed her teeth. Inayos niya rin ang kanyang buhok dahil sabog na sabog iyon. When she thinks that she's finally done ay lumabas na siya ng banyo. Sumalubong sa kanya si Gideon na inaayos ang kanyang kama. He was wearing a white t-shirt and a boarder shorts. Simple lamang tignan si Gideon pero hindi pa rin maipagkakaila na gwapo ito at masarap.
Anong pinag-iisip mo, Vanessa?
Ipinilig niya ang kanyang ulo dahil kung ano-ano nalang ang pumapasok sa isip niya. Her mind was being corrupted by this man. Bakit ba kasi napakagwapo nito?
Si Gideon iyong klase ng lalaki na pwedeng ihalintulad sa mga modelo na nakikita niya sa mga fashion show na sinasalihan niya nuon. Kung nagkataon siguro na naging modelo si Gideon ay baka dumugin na ito ng mga kababaihan.
Nang matapos si Gideon ay umupo na siya sa may dulo ng higaan. She was just observing him. Tahimik lamang ito habang hinahanda ang tray na may lamang pagkain.
"Ang aga mo 'atang nagising?" tanong niya sa binata. Ipinatong na ni Gideon ay tray sa ibabaw ng kama. Vanessa's eyes settled on the food. It was just the usual breakfast.
"I was with William earlier." He said. "The owner of HOS." Dagdag nito.
"Ganoon ba?" she nodded. Tumusok siya ng hotdog at bumaling muli kay Gideon. "Kumain ka na?" she asked when she noticed that Gideon was not eating.
Tumango ang binata bilang sagot. "Oo, sinamahan ko si William kanina. My friends were here and I also talked to Harold."
Kumunot naman ang nuo niya. "Sino naman si Harold?" She was not familiar with Gideon's friends. Ngayon lang naman sila nagkasama ulit. Ang natatandaan niya lang ay iyong lalaking kausap nila kahapon na may berdeng mga mata.
"Harold is also my friend." Sagot ni Gideon. Kumuha ito ng toasted bread iniumang kay Vanessa. "Do you want to meet my friends and their wives?" tanong sa kanya muli ni Gideon.
![](https://img.wattpad.com/cover/180746921-288-k908585.jpg)
BINABASA MO ANG
Vanessa (SGSeries6)
RomanceHow can someone become the number one choice for the man they truly love? And how do they keep trying to win over someone who's still longing for a love that won't return?