Chapter 1 -- An Unexpected Encounter

245 4 2
                                    

STUDENT sa umaga, MAKEUP ARTIST NG MGA PATAY sa gabi. Yan ang aking secret identity. 

Job offer kasi sa akin ito ng tita ko. Bata pa lang kasi ako, mahilig na ako sa mga make-up. Yung tipong araw araw kong pinagpapraktisan yung sarili kong mukha para makuha yung perfect combinations ng mga kulay,  mga pangungupit ko ng eyeshadows at foundations sa make-up kit ni mama, at yung paglabas ko ng bahay na mukhang geisha. 

Hanggang sa ayun, pati mga patay kaya ko nang pagmukhaing buhay.

May-ari kasi yung tita ko ng punerarya at nag quit na ang dating make-up artist ng mga sumakabilang buhay. Tapos poverty pa yung pamilya namin kaya no choice ako kundi pag-aralin ang aking sarili. 

Hanggang ngayon di ko pa din alam kung bakit ko tinanggap tong trabaho na to. Takot pa naman ako sa patay -.-""

"Astrid! Mauuna na ko ah. Maaga ko pa kasi aasikasuhin yung Death Certificate nung di-niliver na bangkay kanina. Tapusin mo muna yung BANGKAY#66. Kailangan na yan ideliver bukas." sabi ni tita habang paalis.

"Sige po. Mag-ingat kayo pauwi." ani ko. 

ERMEGHERD. Mag-isa nanaman ako ngayong gabi. HUHUHU TT.TT

Dito nanaman magsisimula yung pa-iimagine ng mga kakaibang tunog at pagbabalik-tanaw ng mga horror stories magmula nung bata ka pa. HAAYS. 

Pumunta ako sa loob ng kwarto kung saan ako magsisimulang magtrabaho.Binuksan ko ang TV para mabawasan ang nararamdaman kong takot, ngunit dali-dali ko din itong pinatay dahil naalala ko ang palabas na The Ring.

Sinara ko din yung nakabukas na closet kung san nakalagay ang mga kemikal dahil baka lumabas doon si Shomba.

ANG PARANOID KO TALAGA! :|

Nagpatugtog nalang ako ng On Your Side ng a Rocket to the Moon.

I know your face, your eyes, your lips, your taste

I love the way

you know just what to say

It was a Saturday

Remember it like yesterday

She knew my name

(Imagine that)

I know this road

The way that no one goes

"Eto na Astrid. Bubuksan mo na yung kabaong." Sabi ko sa saril ko.

1....

So cold, So cold

Baby you're

So cold, So cold

At dahil sa kanta, NAALALA KO ANG MALAMIG NA BANGKAY NA LAMAN NITONG KABAONG. T.T 

2....

Take it easy baby we could make it right

Girl, you know my love is always on your side

3...

Rest your eyes tonight

You know that my love

You know that my love is ON YOUR SIDE.

Napatingin ako sa aking tabi. Lecheng kanta naman to oh. MAPATAY NA NGA LANG!

Binuksan ko na yung kabaong.

WAAAA! MAMAAA! BAKIT GULA-GULANIT MUKHA NITO? TT.TT

Mukhang mahihirapan yata ako sa pag reconstruct ng mukha nya. SHET......

Matapos kong ayusin yung details ng mga mukha ni #66 ay nagpahinga muna ako. Naupo ako sa isang sulok at nagbasa muna ng Eat Pray Love Ranz ni maicatejada. Di ko namalayan na nakatulog pala ako. 

Minulat ko ang aking mga mata at tinignan ang aking cellphone para malaman ang oras.

3:00 a.m. SHIT. DEVIL's HOUR.

Naalala ko na kailangan pa pala i-polish ang mukha ng mamaw na bangkay kanina. Papunta na sana ako sa bangkay nang biglang...

CRREEEEAAAKKKK.........

It's just your imagination. It's just your imagination.

    "Uhhhh...." 

It's just your imagination. It's just your imagination.

"Tulong. Tulong....." 

OHMYGOD. KEEP CALM ASTRID.

"Imahinasyon mo lamang ang lahat ng ito. Walang multong lalabas dyan sa pinto. Wala ding mamamatay tao na may dalang itak at di ka nya pagtatatagain hanggang sa pira-piraso ka na.  Kung reypis man iyon, di ka nya rereypin dahil mukha kang lalaki. INHALE, EXHALE. INHALE, EXHALE." mahina kong sabi sa sarili.

Ilang tahimik na minuto ang lumipas at napakalma ko na ang sarili.

BUGSH! malakas na bukas ng pinto sabay pasok ng...

Lalaking nakaputi, sira-sira ang damit, at duguan.

"Tulungan mo ko...."

DAFUQ           O.O

"WAAAH!! MAMA!! DIYOS KO PO SANTA MARIA, MAYROONG MASAMANG ISPIRITU NA PUMASOK PARA KUNIN ANG KALULUWA NG BANGKAY!  DI MO MAAARING KUNIN ANG KALULUWA NG AKING KOSTUMER! HINDEEEE!" Sigaw ko sabay kuha sa krus sa aking tabi, takbo papalapit sa demonyo, at sinaksak ito sa kanyang bandang kilikili.

Bumagsak ang masamang ispiritu. NAGWAGI NANAMAN ANG KABUTIHAN.

"Araaaay. B-bakit.. mo.. ko... s-sinak..sak?" sabi ng multo.

SHIT. DUMUDUGO YUNG PINAGSAKSAKAN KO. 

Nakapatay ata ako ng tao.

PATAY na PATAY sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon