Chapter 7 -- A Close Call

54 3 0
                                    

Astrid's POV

Tinulungan ko si Tyrone mag weewee. Details? NO THANKS. Ayoko na maalala yun lahat. Nyetang lalaki yan. Kung kaya ko lang sya iwan dyan sa kanto at hayaan sya mag lupasay dun e.

Tyrone: "Astrid, san nga pala ako matutulog?"

Astrid: "Ayan oh. Ang dami mong pagpipilian. >:))))"  Sabay turo sa mga nakadisplay na kabaong.

"Kung gusto mo ng ka roommate, may mga available din. Gusto mo yung pinakabagong guest. Si #66."

Tyrone: "You know what? Kung araw-araw tayong magkikita for a week, kailangan na nating i-settle yung personality issues natin."

Astrid: "Oo na. Sige na. Sorry na po. Teka, bili lang ako ng pagkain natin. Baka madeds ka sa gutom e."

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Tyrone's POV

Habang naghihintay ako sa pagbalik ni Astrid ay nagmuni-muni muna ako. 

Paano kaya kung nasundan ako ng mga humahabol sa akin at malaman na nandito ako sa punerarya nila Astrid? Shit. Patay kami nun. Lalo na sa ganitong kondisyon ko. Maliban nalang kung marunong syang mag taekwondo, karate, o kaya naman self-defense. Tutal lalaki naman sya kumilos e. Siguro may chance pa syang maka-survive.

Pero ako? Wala na. For sure deads na ko. Okay na rin siguro yun. Tatanggapin ko ng bukal sa puso yung pagkamatay ko.

And besides, alam ko na namang manganganib yung buhay ko even before i made the virus. Kung kailangan ko isakripisyo ang lahat para lang dito, gagawin ko. Mabalik lang yung dangal ng aking pamilya.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Astrid's POV'

Astrid: "Huy. Eto na, kain ka na. Tigilan mo nga yang kakatulala mo dyan. Nakakatakot ka na e."

Tyrone: "Thanks."

Mabilis na naubos ni Tyrone yung burger na inorder ko para sa kanya. Naku, mukhang gutom na gutom ata si gunggong. Kulang pa yata yung binili ko para sa kanya.

PATAY na PATAY sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon