Chapter 4 -- The Midnight Catastrophe

59 1 0
                                    

Mokong's POV

Umalis na yung babae. Yung nag-iisang babaeng naglakas loob akong sigawan, murahin, at lait-laitin. Yung naiiba sa lahat ng nakilala ko. 

And I think she's interesting.

She has the face of an angel but the mouth of a devil. 

I thought na mapapahiya sya sa sinabi ko kanina. I thought hindi nya maiintindihan yung sinabi ko at magmumukha syang tanga. Akala ko na ang sadistang yun ay walang pinag-aralan.

But she proved me wrong.

She responded to my insults without faltering at nagawa nyang sirain ang malaking ego ni Tyrone Garrett Maxwell. 

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Bumalik sya ng may dalang dress na floral.

"Oh, eto na yung damit" sabi nya sakin sabay abot nung dala nya.

Don't tell me yan yung susuotin ko?

B: "You can't expect me to wear that thing! Di nga ata magkakasya sakin yan e!"

G: "Edi UMUWI KA NG NAKAHUBAD! Wagayway mo yung birdie mo yan sa labas, leche ka!"

B: "But--"

G: "No buts. Uuwi ka ng naka-bold o kukunin mo to? Ano, PILI!" Damn her. She's going to pay for this. Shit, this is embarrassing. I can't believe na gagawin ko to.

B: "W-wait! Oona. Let me try that....thing." 

G: "Good >:)). Magbihis ka na dyan. Don't worry. Lalabas ako."  Paalis na sana sya ng biglang--

"FVCK. Di ako makatayo. MISS! WAIT LANG!" 

G: "Ano nanaman?!"

B: "Bihisan mo ko."

G: "UTUT MO! Bihisan mo mukha mo! MANYA---" 

Sinubukan kong tumayo pero natumba ako. SHIT. Everything hurts. Napapikit nalang ako sa sobrang sakit. Buti nalang may umalalay sakin kundi siguradong patay na ko.

G: "Okay ka lang?" 

B: "Do I look okay to you? Wait, ang sakit ng dibdib ko. What the-----?"

Kelan ako nasaksak kagabi?

G: "Uhhhh.....sorry nga pala dyan. Di ko naman sinasadya eh. Nagulat mo kasi ako kagabi" sabi nya. She looks sheepish.

B: "Woman, ARE YOU CRAZY?!"

G: "Eh kasi bigla kang sumulpot eh! Sino ba namang di mawiwindang kapag nasa punerarya ka tapos biglang bumukas yung pinto sabay may lumabas na lalaking sira-sira yung damit, duguan at bumubulong ng 'Tulong....tulong...'?!?"

B: "But still! Ano bang pinangsaksak mo dito?"

G: "Uhmmm......Krus." 

Dafuq? KRUS? SINAKSAK NYA KO NG KRUS?! 

B: "WHAT?! Ano bang akala mo sakin, ha? DEMONYO?!"

G: "Look, sorry na nga eh. Kung gusto mo dalhin kita sa ospital. San ka ba kasi nanggaling kagabi? Anong nangyari sayo?"

Sobrang distracted ko sa babaing ito ay nakalimutan ko na ang kagabi. Bumilis ang tibok ng puso ko nang maalala ko ulit ang nangyari. Pinagpawisan at nanlaki ang aking mga mata.

Di ko yun sinasadya. Di ko yun sinasadya.

Paulit-ulit kong sinabi. Pero maging ang sarili ko ay hindi ko makumbinsi. May kasalanan akong nagawa. 

Ako ang dahilan kung bakit may binawian ng buhay.

PATAY na PATAY sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon