"HUY. GISING! GUMISING KA NA, PLEASE?" sabi ko sa lalaki. Pero mukhang walang silbi. Di nya dinilat yung mga mata nya.
HALA SHET. Ano ba kasi ginagawa nya dito? And more importantly, ANONG GAGAWIN KO? HUHUHU T.T
Itapon ko nalang kaya yung katawan nito sa ilog? O di kaya sa abandonadong factory?
Hindi. Aamin nalang ako sa mga pulis. Di ko naman sinasadya yung nangyari eh! Bigla bigla naman kasing sumulpot e.
Kumuha ako ng mainit na tubig, towels, alcohol, bulak, at betadine. Hinubad ko yung sira nyang damit para gamutin ang kanyang mga sugat.
"Oh my."
Ngayon ko lang napansin na may hitsura pala sya kahit na mukhang nasagasaan sya ng ilang trak sa highway.Ang makapal at malago nyang pilikmata, ang hubog ng kanyang mga labi, ang matangos nyang ilong, at ang kanyang makisig na katawan.
ASTRID, NAWAWALA NANAMAN ANG PAGKA RASYONAL MO. MAMAMATAY NA YUNG TAO OH!
Basang basa pala sya. Pero teka.... Pano ko tatanggalin yung shorts nya? WAH! Ayoko makakita ng bird. Mawawala ang purity ko at madudungisan ang malinis kong pag-iisip. Fuck. I have no choice.
Tinanggal ko yung shorts nya. Mamaya na yung brief. San kaya nya nakuha yung mga sugat nya? san kaya sya nanggaling?
Pinunasan ko yung katawan nya gamit yung towel at yung mainit na tubig. Naku, medyo malalim yata pagkakasaksak ko sa kanya, pero di pa rin ito maikukumpara sa lalim ng iba pa nyang sugat at pasa.
Pagkatapos noon ay nilagyan ko ng alcohol yung mga sugat nya.Shocks, ang sakit nun. Buti nalang tulog 'tong unggoy na to.Tapos nilagyan ng betadine.
AT..... ETO NAAAAA. Pumikit ako, tinanggal ng mabilis yung brief nya at tinakpan ng towel yung mga eggs nya. Unti-unti kong dinilat ang aking mga mata.
SHEEET! NAKITA KO! MALI PALA YUNG NATAKPAN KO!
Binaba ko ng kaunti yung towel. Haaay, salamat. Wait lang, what's happening? Shit. The Dark Knight Rises.
"Ayoko naa! Bahala kang humiga dyan. Ikaw kasi eh! Bakit ka nanggulat? Di ko na tuloy alam gagawin ko! Wala na. Narumihan na tuloy yung isip ko. Alam mo bang di ko hinangad na makakita ng bird?! Tapos ngayon..... Argh, che!" sigaw ko sa sobrang frustration.
"Ugh, ang lamig. Sobrang lamig." sabi ng lalaki habang nanginginig.
Agad akong nakaramdam ng awa sa kanya at hinawakan ko yung noo nya para ma-check yung temperature nya.
ANG INIT. Inaapoy sya ng lagnat.
"HUY. Kaya mo bang tumayo dyan? Alalayan kita papunta dun sa kama?"
"Ang lameeeg..." sabi ng lalaki.
"Oo na, nilalamig ka na. I get it. Pero kaya mo bang tumayo?"
Di na sya sumagot. Kainis naman oh.
No choice kundi buhatin si mokong. Kinuha ko yung pantakip sa patay at inilatag sa tabi nitong malapit nang mamatay. Hinawakan ko yung sa may kilikili nya para mabuhat sya papunta doon sa kumot.
"Masakit to. Leche ka eh. Ayaw mong tumayo.One....Two....Three!" Sabay angat ko sa kanya at buhat.
Waaahhh! NATANGGAL TULOY YUNG TOWEL!
Focus Astrid, FOCUS.
Dinala ko sya papunta dun sa kumot. Inayos ko ang higa nya at kinumutan sya ulit.
Pagod na ako, pero di ko pa tapos yung mine-makeupan kong bangkay kanina. Sinigurado kong komportable sya doon sa kinahihigaan nya saka pumunta ulit doon kay #66. Pagkatapos kong tapusin ang aking trabaho ay binalikan ko ulit si mokong.
Binantayan ko sya at maya't-mayang pinalitan yung basang towel sa kanyang noo.
Ngunit di ko pa rin mapigilang ipikit ang aking mga mata at magpahinga sa sobrang pagod.
BINABASA MO ANG
PATAY na PATAY sa'yo
Teen FictionMeet Astrid Cassiopeia Reyes. College Freshman, Working student and Professional Makeup Artist....NG MGA PATAY.