Chapter 3 -- An Awful Morning

63 1 0
                                    

Mokong's POV

Gumising ako sa kakaibang lugar. Maliwanag, malamig, puti ang mga dingding, at.... maraming kabaong.

NASAN AKO? Ito na ba ang tinatawag na purgatoryo?

Lumingon ako sa aking kaliwa at nakakita ako ng isang anghel. Maihahalintulad sa porselana ang makinis nyang balat. Maamo ang kanyang mga mukha, pula ang kanyang mga labi, at ang buhok nya'y parang isang lumalagaslas na talon sa ganda.

TAMA. Nasa langit na siguro ako. Ngunit nagawa kaya akong patawarin ng Diyos matapos ang nangyari kagabi?

Astrid's POV

Nagising ako sa titig ng mokong na nasaksak ko kagabi sa gulat. Nakakatunaw pala yung itsura nya kapag bagong gising. Yung tipong kahit na hindi pa sya nag to-toothbrush, nangangamoy, at puro panis na laway pa sya ay maiinlove ka pa din sa kanya?

Yung kanyang bahagyang ngiti, maliwanag na mga mata, at yung bedhead nya. Haaaay.

Kung di ka lang talaga LECHE kagabi.

"Hoy. MANYAK KA BA? Bakit ganyan ka makatitig?" naiinis kong sabi sa kanya.

"Teka. B-buhay pa ako?" dismayado at nagtatakang sabi nya.

Astrid: "Sa tingin mo? Eh KUNG TULUYAN KAYA KITA NGAYON?"

Mokong: "PLEASE. Please tuluyan mo na ko. Nagmamakaawa ako sayo. Di ko na yata makakaya yung sakit na nararamdaman ko."

Shocks. Bading yata to. SAYANG.

Astrid: "Kalalaki mong tao, andrama mo. UMAYOS KA NGA! MATAPOS KONG MAGKANDA LECHE-LECHE KAGABI WALA MAN LANG AKONG MATATANGGAP NA 'THANK YOU'? Wow ha. At nag request ka pa?"

Para syang natauhan sa sinabi ko. Di ko alam kung nainis sya or kung nasira ko yung ego nya.

Mokong: "Oh. I am very sorry for my ungracious response to your hospitality and your efforts to recondition my body once again to its full capacity. Please allow me to make up for my erratic behavior because I am nothing but disheartened by last night's misfortune and catastrophe. And, you should know that your ill manners and profanity is affecting your femininity."

Ano daw? Ang YABANG NETO AH. FEMININITY NYA MUKHA NYA!

Pero infairness ah, ang hot ng accent nya.

Astrid: "No worries, dear stranger. Your apologies are very much accepted. But i must admit that I am slightly offended by your last statement; questioning my femininity. You should know that had I not been bothered by you last night, I would say nothing offending or foul."

Mokong: "Okay. Again, i'm sorry. And thank you for last night. May anything ka bang pang cover sa katawan?"

. Mapagtripan nga.

Astrid: "Oh, absolutely! Teka. Kuhanan lang kita ng extra."

May extrang shirt pa ata tsaka shorts yung katiwala namin na si Mang Jun...........Pero syempre di ko ibibigay sa kanya yun.

Ano kaya yung hitsura nya kapag naka dress? >:)))

PATAY na PATAY sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon