4 - Frenemy

163 35 25
                                        

Nakarating kami sa resort ng 2:30 pm at nag check-in. Magkaiba kami ng room ni Bryan. We decided that after mag-ayos ng gamit and a little bit of rest, magkikita kami sa isang restaurant sa resort.

The place is so beautiful especially the beach. Nakakarelax dito, hindi katulad sa Manila, pati hangin doon naiistress ako. But here I feel at home.

Naisip ko 'yong journey namin papunta dito. I remembered Taylor Swift. Ganoon niya talaga kamahal si Angie pati ba naman 'yong CD hindi niya maitapon.

Humiga ako sa kama. "Ang lambot ng kama," unti-unting pumikit na ang mata ko.

Naririnig kong tumutunog ang cellphone ko.

Ano ba yan ang ingay! Kakatulog ko lang.

Patuloy parin sa pagtunog.

Sino naman kaya itong istorbo na 'to

"Hello!" sagot ko.

"Gaga! Kanina pa ako tumatawag sayo," si Regie.

"Ano'ng kailangan mo?!" I snapped.

"Sungit mo naman. Nakarating na ba kayo? Maganda ba dyan?" tanong niya.

"Ginising mo ko para lang dyan? Bye na."

"Sandali lang," sabi niya. "Si fafa Vincent tawag ng tawag dito, hinahanap ka niya," dagdag niya.

Hindi ko na nga naiisip 'yong two timer na 'yon pinaalala pa niya.

"Pabayaan mo siya. Wag mo sagutin," sabi ko.

"Makulit kasi eh. Kaya 'yon" sabi niya.

Napa-upo ako sa kama. "Ano'ng 'yon? Ano ginawa mo?" tanong ko.

Narinig ko siyang tumawa pero 'yong kinakabahan na tawa, "Ano kasi, ang kulit niya kaya 'yon sinabi ko kung nasaan ka," pag-amin niya.

Gaga talaga 'tong baklang ito. Kakalbuhin ko ito.

"Hay naku! Kahit kailan talaga.  Pabayaan mo baka hindi naman niya alam dito. Pabayaan mo siya maligaw," sabi ko.

"Sorry Dee," sabi niya. "See you soon na lang. I miss you girl," dagdag niya.

"Miss you too," at binaba ko ang phone.

Siguro naman kahit puntahan ako ni Vincent dito hindi niya ako maaabutan, because I'm sure magiging busy kami kakahanap kay Ruby.

Bumalik ako sa paghiga. Pinilit kong makatulog ulit. I started counting sheeps to sleep.

54 sheep

55 sheep

56 sheep

57 sheep

58 sheep

Dinilat ko ang mata ko. Hindi effective. Naisip ko si Vincent, kasalanan ng baklang iyon 'to. Ano na kaya ginagawa ni Vincent? Pupuntahan niya kaya ako dito? Pagkaganon, ehmergeed! kakakilig yon. Hindi, hindi kakakilig 'yon. Sira-ulo 'yon.

"Sinaktan ka niya," sabi ng devil-me sa left ko.

"Nagsorry naman dba?" sabi ng isa pang devil-me ko sa right.

Huh? Bakit puro devil? Walang angel?

"Pano ka nakakasiguro nagbago na?" sabi ni left side devil.

"Kasi nag-eefort siyang magsorry sayo," sabi ni right side devil.

"Wala pang namang effort na nakikita eh. Tinanong lang kung asan ka. Assuming ka te! Puntahan ka agad?" sabi ni left side devil.

Oo nga naman. Hindi naman sinabi ni bakla if pupuntahan ako. Tama si left devil-me.

*Poof!* biglang nawala si right side devil. Natalo?

Bakit walang angel?

"Devil kasi 'yong pinag-uusapan natin dito. Ayaw ipagtanggol ng angel," sagot ni left side devil.

*poof!*

Nawala rin ang left side devil.

Hay! Nababaliw na ako.

Tiningnan ko ang oras 7 pm na pala. Nagbihis ako ng loose white shirt at shorts.

Dumeretso ako sa restaurant ng resort. Tinext ko si GB ng name ng restaurant.

Habang naka-upo napansin kong may group of people malapit sa table nagtatawanan. 3 boys and 2 girls.

Ang ingay naman nila. Buti na lang kunti lang ang tao.

          [Nasaan ka na? Bilisan mo] text ko kay GB.

         [Pababa na ako] reply niya.

Habang nag-aantay, nag order na ako ng food. Hindi ko na masyadong niramihan. Medyo busog pa ako sa kinain namin kanina.

"Daisiny?" narinig ko sa may likod ko.

Daisiny? Isang tao lang tumatawag sa akin noon.

"Paglumingon ka, katapusan na ng maliligayang araw mo," sabi sa isip ko.

"Daisiny," sabi ulit noong babae.

Wala akong choice at tumingin ako sa likod.

"O-M-G! Ikaw nga Daisiny! This must be fate!" sigaw ni Maja.

Maharlika or Maja. My frenemy. The It girl. We've been friends/enemy since high school. Magkaiba kasi kami ng school ni GB. I'm so thankful noong nagcollege ako at nawala siya sa buhay ko dahil nagmigrate ang family nila sa states.

She has this perfect tan-skin na kinababaliwan ng mga lalaki. Straight brown hair kakulay ng mata niya. Medyo malaki ang noo niya na bumagay naman sa mukha niya lalo na't matangos ang ilong niya at may pagkapula ang lips niya na palaging mukhang malagkit dahil sa lipgloss.

Bigla niya akong niyakap. Feeling close ang bruhang ito "Ano'ng ginagawa mo dito? Are you alone? How are you?" sunod-sunod niyang tanong.

"I'm on vacation. No, I'm not alone. And I'm fine," sagot ko. "Ikaw? Kamusta ka na?" tanong ko.

Sa sobrang daming tao sa pilipinas talagang ang babaeng ito pa ang makikita ko.

"I'm good. Very good. I'm getting married," sagot niya at pinakita ang engagement ring niya. Nakakalula ang laki ng bato.

"Congratulations! I'm so happy for you," at nagfake smile ako.

"Thank you! Akala ko hindi ka nagiging masaya sa akin. Ganon daw kasi 'yong mga single." Talagang paka diin niya ang word na single. "I want you to meet my fiance. Honey! Come here!" tawag niya.

Nakakainis naman. Hindi pa nagsisimula ang vacation ko, sira na agad.

Nasaan na kasi si GB! Bakit ang tagal dumating!

May lalaking lumapit sa amin. Matangkad, maputi at matangos ang ilong. Gwapo, charming smile at magaling kumanta. Bakit ko alam? Dahil kilala ko siya!

Hinalikan ni Maja sa lips ang lalaki. "This is Alejandro Grant, you can call him Al for short, my fiance," pakilala niya.

Inabot niya ang kamay niya papunta sa akin at tinanggap ko naman. "Long time no see Destiny," sabi niya sa akin.

"Yeah, long time," sagot ko.

"Right! Magkilala na pala kayo. Diba you had a crush on him in high school," sabi ni Maja.

Itong malditang babaeng ito. Lahat na inagaw sa akin pati ba naman si Al! Maharot talaga!

Al was my first love and my first boyfriend.

"Des," sabi ni Bryan. Nasa tabi ko siya.

Thank God dumating din siya. Hinawakan ko ang kamay niya.

"Maja, this is Bryan. My fiance," announce ko.

Hala! Nababaliw na ata ako.

-----------------------------------------------------

©2014 AllyHPerkins

All rights reserved

Message in a bottleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon