Nagising ako sa tunog ng phone ni Bryan, may tumatawag ba? Pagtingin ko sa mesa, may 15 na bote ng beer na walang laman. Nakahiga ako sa sahig at siya naman sa sofa. Kahit kailan talaga never pa naging gentleman ang lalaking 'to. Tiningnan ko ang oras.
"Oh my god! 11 am na! GB gising, late na tayo," sigaw ko sa kanya. Dali-dali akong tumayo at hinila ang kamay ni Bryan hanggang mahulog siya sa sofa.
"Aray ko! Ano ba yan Des! Umagang-umaga nananakit ka," sabi niya in a husky voice.
Tumakbo ako papunta sa kwarto para maligo. Sh*t naman! Late na naman ako, babagsak na ako niyan. Habang nagbibihis naririnig ko na nagluluto si Bryan. Hindi ba siya papasok? Lumabas ako ng kwarto dala-dala ang bag ko.
"Hindi ka ba papasok?" tanong ko habang nagmamadaling kumain.
"Hindi," sagot niya. "Saturday ngayon Des, nakalimutan mo na ba?" dagdag niya at ngumiti.
Napatigil ako sa pagkain. Tinitigan ko siya hanggang sa nagprocess ang sinabi niya. Sa sobrang inis ko binato ko sa kanya ang bag na hawak ko.
Natamaan siya sa braso. "Aray! Kanina ka pa!".
"Ba't hindi mo sinabi? Kanina pa ako nababaliw dito kakaayos ng gamit ko," sabi ko.
"Sana kasi nag-isip ka, anong araw ba kahapon? Friday. Ano'ng susunod sa Friday? Monday ba?" asar niya at tumawa.
Hay naku! Ilalampaso ko 'tong taong to eh. Kung makatawa wagas!
"By the way, since next week na ang semestral break. Doon na tayo mag start total three weeks naman 'yong sem break eh," sabi niya habang kumakain kami.
"Start ng alin?" tanong ko.
"Magtravel," sagot niya. "Nakalimutan mo na ba 'yong pinag-usapan natin kagabi?" dagdag niya.
Pinag-usapan? Wala akong maalala. Ito na nga ba ang sinasabi ko, ang lakas-lakas ko kasi uminom pagkagising may amnesia na. Tiningnan ko lang siya. Yumuko ako at hinawakan ang ulo ko. Remember something.
Tumingin ako ulit sa kanya. "Ano'ng sinabi ko?"
"I always forgot na tuwing naka-inom ka, nagkakaroon ka ng amnesia," sabi niya sa akin.
"Ano nga ang sinabi ko?!" ulit ko.
"Napag-usapan natin na hahanapin natin si Ruby," sagot niya.
"Ruby? Sino'ng Ruby? Ex mo ba 'yon?" tanong ko sa kanya. Who the hell is Ruby?
"Seriously? Si Ruby 'yong babae sa letter!" sigaw niya.
"What? Pupunta tayo sa Ilocos Norte? That's like an 8-9 hour ride! Isa pa baka hindi ako payagan ni Vincent. Birthday niya next-next week," sabi ko. Si Vincent ang boyfriend ko, we've been together for a year.
"Pero nagpromise ka! Kala ko pa naman pagbibigyan mo ko, alam mo naman broken hearted ako," sabi niya at sumimangot.
"Fine, pag-iisipan ko," sagot ko. Kung hindi lang pa-cute ang mokong na 'to. "Nakabihis na rin lang ako pupuntahan ko muna si Regie, para matapos na 'yong assignment namin," sabi ko. Kinuha ko 'yong bag at umalis.
Regie's Apartment
Tatlong beses ko pinindot ang door bell pero wala paring sumasagot. Kinuha ko ang phone ko tinawagan siya.
"Bakla! Saan ka? Andito ako sa tapat ng apartment mo", sabi ko sa phone.
"Ay! Girl, andito ako sa mall, pauwi na rin ako niyan, wait mo ko jan," sagot niya.

BINABASA MO ANG
Message in a bottle
De TodoDestiny and Bryan had been bestfriends since they were on diapers. Everything they do is strictly platonic. One day they found a bottle that has a message on it about true love. Getting sick on their list of failed relationships, they decided to fin...