Pagdating ko sa restaurant nakita ko agad si Des may kausap na babae at lalaki.
Parang familiar 'yong lalaki.
Lumapit ako kay Destiny. "Des," sabi ko.
Tumingin lang siya sa akin then bigla niyang hinawakan ang kamay ko.
"Maja, this is Bryan. My fiance," sabi niya bigla.
Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ako nakapagsalita. Nilagay niya ang ulo niya sa balikat ko parang naglalambing.
"What?! Kayo na ni Bryan? I thought purely platonic lang relationship niyo?" tanong noong babae.
"Well, we realized na we love each other more than friends and decided to try the next level. Di ba sweety pie?" sabi ni Destiny at tumingin sa akin.
Nararamdaman kong kinukurot niya ang kamay ko. Ouch!
"Ye-- yeah," sagot ko.
"This is Maja and Al, you've meet them before right?" tanong niya sa akin.
Right! Naaalala ko na si Al. He was Destiny's first love. I remembered kung gaano niya kinabaliwan ang lalaking yan at 'nong iniwan siya, she cried so much.
"Yeah, kamusta na pare?" At inabot ko ang kamay ko.
"We're good," tinanggap niya naman.
Ano naman kaya ang nakain ng babaeng ito at pinakilala akong fiance.
"I have an idea, why don't we share a table," suggestion ni Maja yata 'yon.
Mukha siyang familiar, I'm not good in remembering face's. Lalo na pagsimple face lang.
"We would love to, but we would prefer our alone time for now. Kakarating lang kasi namin," sagot ni Destiny at nilagay niya ang kamay niya sa bewang ko at ngumiti.
Wow! Galing umarte, pwede na artista kahit walang script.
Nilagay ko ang kamay ko sa balikat niya at nakisakay na rin.
"Maybe next time," sabi ko.
"Fine! Bukas na lang let's have dinner here," sagot ni Maja.
Makulit ang babaeng 'to.
When I say next time, that means never. "Sorry but--"
"Please," putol ni Al at nilabas ang pang toothpaste commercial na ngiti.
Tiningnan ko si Destiny at mukhang nadadala na siya sa ngiti ng mokong na 'to ah.
"Sure," sagot ni Destiny.
"Let's meet here at 7. Ok?" sabi ni Maja. "Bye Bestie," at nakipag beso-beso kay Destiny.
Lumapit din siya sa akin at bumeso. Feeling close?
Ngumiti lang sa akin si Al. "See you Destiny," sabi niya.
Hinila ko palapit si Destiny at umarteng possive boyfriend.
Pagkatapos mo iwan si Destiny, may gana ka pang makipagflirt sa kanya, sa harap pa ng fiance mo.
Pagkaalis nila demeretso sila sa mesa kung saan may nakaupo pang isang babae at dalawang lalaki, hinila ako ni Destiny sa upuan na medyo malayo sa kanila.
Pagka-upo namin binigyan niya ako ng apologetic smile.
Hindi mo ako dadala sa ngiti mo. "What the hell were you thinking?" tanong ko.
-----
Destiny
Hinawakan ko ang kamay niya. Pero hinila niya ito. "Sorry na. Wag ka na magalit. Ngayon lang naman 'to," pagmamakaawa ko. Hinila ko ulit ang kamay niya. "Hawakan mo na kamay ko. Baka makahalata sila," sabi ko.

BINABASA MO ANG
Message in a bottle
RandomDestiny and Bryan had been bestfriends since they were on diapers. Everything they do is strictly platonic. One day they found a bottle that has a message on it about true love. Getting sick on their list of failed relationships, they decided to fin...