Pagkatapos ng never ending na exams and assignments, sa wakas! Sem break na! Habang ini-enjoy ko pa ang first day of no alarm clocks, no rushed projects and assignments and no reviews, sinira na kaagad ito ni Bryan.Gabi palang nagligpit na kami ng mga gamit at alas cinco ng madaling araw umalis kami agad papunta ng Ilocos sakay ang kotse.
"Ano ba yan GB, ang aga-aga eh. Pwede naman mamaya," reklamo ko.
"We shouldn't waste time, Ikaw na rin ang nagsabi 'Malaki-laki ang Ilocos'. Ito 'yong listahan ng names at adress," sabi niya at inabot ang papel sa akin.
Nakita ko ang Ruby L. from Ruby Laang hanggang Ruby Luz.
"GB, 45 names 'to. Ang dami naman!" sigaw ko.
"Wag ka na maarte, kunti na nga yan e," sabi niya.
Nagpout ako. Hmp! Sungit!
Kinuha ko ang phone ko sa bulsa.
"Picture muna bago tayo umalis, pang-instagram lang," tinaas ko ang phone at nagpose ako ng peace sign, samantala siya nilabas ang kanyang killer smile.
*click*
"Ganda ko talaga," sabi ko."#Destination:TrueLove @SexyDestiiny @GBryMendez @divaregie," nilagay ko.
Inistart niya ang makina at umalis na kami.
-----
Bryan
Almost 2 hours na ako nagmamaneho. Tumingin ako sa katabi ko, sobrang himbing ang tulog at naglalaway pa!
Hindi ko alam kung ano'ng pumasok sa kukote ko at naisipan ko ang idea na 'to. Siguro dahil gusto ko lang malaman kung totoo nga true love, kung bakit ganoon ka kampante si Ruby na babalik pa si Miguel sa buhay niya at kung ano na ang nangyari sa pagmamahalan nila.
Ang babaeng ito grabe kung humilik! May nakita akong gasoline station at doon muna huminto.
"Des," ginising ko siya.
"Uuhn, nandito na ba tayo?" sagot niya.
"Hindi, malayo pa tayo. Baka gusto mo mag cr at bumili na rin ng food," sabi ko.
Umupo siya nangmaayos at nag stretch ng kamay "Haaa! Sige punta lang ako cr," sabi niya at lumabas ng kotse.
Habang nagpapagasolina may narinig akong nag ring na phone.
Kinuha ko ang phone, it was Des's.
Tumatawag si Vincent. Sinagot ko ang phone.
"Daisy Baby, I know you're still angry. Look I'm sorry ok. I love you," sabi niya. "Are you there baby?" tanong niya.
"Si Bryan 'to," sagot ko.
"Where is Daisy?" tanong niya.
"Ano'ng kailangan mo?"
"Wala ka na doon! Give the phone 'to Daisy!" utos niya.
Aba, gago pala 'tong lalaking ito eh.
"Wag mo akong utusan. Ang lakas din ng loob mo na tawagan si Destiny pagkatapos mo siyang lokohin!" sigaw ko.
"It's none of your business! Ano ka ba niya? Just give the damn phone to her!" sigaw niya pabalik.
Uminit ang ulo ko. Hindi ko alam kung ano'ng nakita ni Des sa lalaking 'to. Una pa lang na pinakilala ni Des siya sa akin, kumukulo na ang dugo ko sa kanya. Ilang beses ko kinausap si Des pero hindi nakinig.
"I'm making it my business! You asshole, pagnakita kita paduduguin ko 'yang mukha mo. Ikaw naman ang paiiyakin ko dahil pinaiyak mo si Destiny. Gago!" sigaw ko at binaba ko ang phone. Mapapatay ko talaga ang lalaking 'yon.
BINABASA MO ANG
Message in a bottle
AléatoireDestiny and Bryan had been bestfriends since they were on diapers. Everything they do is strictly platonic. One day they found a bottle that has a message on it about true love. Getting sick on their list of failed relationships, they decided to fin...
