9 - I'm a Good Bestfriend

71 8 4
                                        

Destiny

Nakatingin ako sa papalayong si Maja. Nakabikini siya. Bakit hindi nalang siya mag hubad, wala naman pinagkaiba sa suot niya. Bumalik ang tingin ko kay GB.

"Well?"

Itinaas niya ang kamay niya papunta sa ulo and brushed his hair. "It's not what you think Des. She kissed me," paliwanag niya.

"I saw that. May gusto ka ba sa kanya?" tanong ko.

"What? No--"

Hindi ko pinakinggan ang sagot niya. Lahat na lang gustong agawin ni Maja. Pati ba naman si Bryan? Alam ko na noong high school palang kami may gusto na siya kay GB. But she was so focused on Al, dahil ito ang boyfriend ko noon. Ngayon nasa kanya na si Al, si GB naman? Juice ko! Maharot talaga!

I calmed myself. "Maiintindihan ko naman kung may gusto ka sa kanya. She is pretty and all. I'm your bestfriend. I would support you."

Halatang nagulat siya sa sinabi ko. "What are you talking about?"

"Bagay naman kayo ni Maja," then umalis ako.

Habang naglalakad pabalik sa hotel, I feel like my chest is tightening, parang may tumutusok. Baka nasobrahan lang ako kanina sa pagkikipag-away sa walang kwentang Vincent na 'yon. Nang maka-abot ako sa lobby, I stopped for a moment and took deep breaths, para kumalma.

Alam kong nakasunod sa akin si GB kanina pa. Bigla niyang hinawakan ang braso ko "Ano yan? Ba't may pasa?"

Tiningnan ko 'yong pasa at tinusok ko. Aray! Masakit parin "Kinurot ko kanina. Nagdrama kasi kami ni Regie, then kailangan ko ng luha ko. This is the fastest way I could think of,"

"Nag-drama? Para saan?"

Hinila ko ang braso ko sa kamay niya, "May pa walk-out ka pa kasing nalalaman, hindi mo tuloy napanuod 'yong live show kanina sa restaurant," I laughed as I remembered, "Nagkasagutan kami ni Vincent kanina. Paano ba naman, he called me Virgin Bitch!"

Nag-iba ang expression ng mukha niya, from being worried to anger. "What?! That assh*le!"

"Wag na magalit. Nakapaghiganti na ako doon. Hindi naman ako tanga GB, as if naman mapapatawad ko agad ang mokong na 'yon," paliwanag ko.

"I'm just glad that he's gone at natauhan ka na,"

"Oh my, Naalala ko nagpapabili si Regie ng pagkain. Hindi kami nakapag lunch eh. Ikaw na bumili. Please?" I pouted.

He sighed before answering. "Fine".

Nauna na ako'ng umakyat sa kwarto. Pagkapasok ko, nasa mesa si Regie at kinakalikot ang ipad ko. "Hoy, ano'ng ginagawa mo?"

"Girl nasaan na 'yong food? Gutom na ako," reklamo niya.

"Si GB na pinabili ko," sagot ko at umupo sa harapan niya. Hindi parin maalis sa isip ko 'yong paghalik ni Maja kay GB.

"Bakit ganyan itsura mo? Nakita mo na naman si Fafa Vincent?" usisa niya.

Umiling ako "Worse, I saw GB with Maja. And she kissed him!"

Lumaki ang mata ni Regie. "What?! Saan? sa lips? Did he kissed back?"

"No! Sa cheeks lang," sagot ko.

He rolled his eyes at me. "Kala ko naman kung ano na! Cheeks lang naman te! Kahit sino pwede gumawa 'yon."

What? He's acting like it's not big deal! "The point is! It was Maja. She kissed him!"

He stood up, humarap siya sa akin at hinawakan ang balikat ko. Before I could say anything he kissed me in the cheeks. "Ewww!" he said.

"Arte mo!" sagot ko.

He rolled his eyes again bago bumalik sa pag-upo. "My point exactly my dear! Kung ano'ng ginawa ko sayo. Ganyan din ang ginawa ni Maja kay Bryan. Hindi big deal 'yon! Not unless may gusto ka kay Fafa Bry?" tukso niya.

"No! Naiinis lang ako as a friend. I don't want him, falling for a girl like Maja. Kaya ako naiinis" I reasoned out. Totoo naman! Maja is not the right girl for GB.

"Okay. Sabi mo eh. Alam mo girl, may naiisip ako. Since obvious naman na may gusto si Maja kay Bry, ibig sabihin hindi siya seryoso kay Fafa Al. This is your chance," excited na wika ni Regie. He stood up again at hinila ako paupo sa kama.

"Chance? Hindi ako mang-aagaw noh," I answered.

"I'm not saying agawin mo siya. Think about it. Ipaligaw mo si Maja kay Bry. I'm sure pagpapaligaw 'yon. Nakita mo naman noong dinner, hindi maalis ang tingin niya kay Bry. Ikaw na nagsabi inaagaw niya sayo lahat. Syempre, pipilitin ni Bry makipaghiwalay si Maja kay Al. After that, you'll be a shoulder to cry on para kay Al. And you'll live happily ever after," he said grinning.

Napaisip ako. Hindi ko sure if may gusto pa sa akin si Al. He never really told me. Pero parang ganoon na rin 'yon noong sinabi niya na 'breaking up with me was a mistake'. Isa pa, makakaganti rin ako kay Maja. She will have a taste of her own medicine. "Assuming na pumayag si GB. Alam mo naman 'yon. Masyadong mabai.t"

"Ikaw na bahala doon. Kailan ba humindi sayo 'yon!" aniya.

"I don't know. Masyadong brutal. Kawawa naman si Maja. Ayoko sirain ang relationship nila," I feel guilty.

"Girl! Sinira niya high school life mo! Wag ka maawa doon. Hindi naman niya talaga mahal si Al. Naging sila lang kasi gusto niya ipakita sayo na kahit sinong lalaking gusto mo, kaya niyang agawin. Be a bitch once in while," he said at pinalo ng braso ko.

"Aray ko!" medyo may punto naman si Regie. She did destroy my high school life. Not only she wants Al, lahat ng bagay inagaw niya sa akin. I remember an art competition na sinalihan ko. We we're rivals. Pagdaan niya sa harapan ko hawak ang baso ng pintura nadapa daw siya bigla at napunta sa gawa ko ang hawak niya. She became a winner because mine was ruin. Sa sobrang daming nangyari,  I could write a whole book titled 'The Bitch that ruined My Life' and I promise you it would be a bestseller.

Naputol ang pag-uusap namin nang pumasok si GB. Hawak ang plastic ng food at inumin, "Gutom na ba kayo?"

Sabay kaming tumayo ni Regie at pumunta sa mesa, "Starving," sagot ni Regie. Inayos namin ang mga naka-styrofoam na pagkain. It was sea foods. Prawns. Squid. Fish. I'm always in heaven here.

Sabay-sabay kaming tatlo kumain. None of us was talking. Busy sa pagkain. Halatadong nagutom.

Sinipa ako ni Regie sa ilalim. Kaya tumingin ako sa kanya. Naka-pout siya at nakaturo ito kay GB. Para may may gusto siyang sabihin. He is mouthing something, pero hindi ko maintindihan.

"What?' I mouthed at him.

Um-ubo siya bigla. "Bry, may sasabihin daw si Des," anunsyo niya.

Juice ko. Ngayon na agad. Sasabihin ko na agad? Pwede bang mamaya na lang? "Ano?" tanong ni Bryan.

"Mamaya na lang," sagot ko.

"I'm just gonna eat in my room," sabat ni Regie. Kinuha niya ang pagkain na nakastyro at naglakad papunta sa pinto. "Go Girl!" sigaw niya bago sinarado ang pintuan.

"What? Ano'ng pag-uusapan natin?" tanong uli ni GB.

Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung papaano ko sasabihin sa kanya. Kung paano ko ipropose sa kanya ang plano namin ni Regie na hindi siya nagagalit. He's gonna think I'm crazy and desperate. Pero it's now or never! Go Destiny! "It's about Maja" panimula ko.

------------------------------------------

2014©AllyHPerkins

Published: 01/21/15

All rights reserved

Message in a bottleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon