11 - I Found You

73 5 1
                                    

Pag-gising ko kaninang umaga wala na si GB sa kwarto niya at wala na rin 'yong kotse niya. Walang hiya! Iniwan na 'ata ako no'n! Nagdadalawang-isip ako kung tatawagan or i-tetext ko ba siya. But I decided not to, he should be the one texting me first. Siya dapat ang mag-sorry sa akin.

Hindi na kami nakapag-usap after ng nangyari kagabi, pagkatapos niya akong sinabihan desperada!

Since I'm on vacation, I decided to enjoy it and tanggalin na sa isip ko si GB, Al, Maja at si Ruby. I'll be focusing on myself today. Masyado na akong na-i-stress.

Pagkatapos kong maligo at magbihis, bumaba ako ng hotel papunta sa lobby. Niyaya ko si Regie na sumama, pero may date daw ito sa bago niyang boylet na nakilala. Buti pa siya, kahit brokenhearted naka hanap agad ng kapalit. Samantala ako, I had to work hard just to get the guy that I like.

"Good Morning po Ma'am," bati ng receptionist sa akin.

I smiled in return. "Miss, may alam ka ba na rental cars dito?" Tanong ko.

"Yes ma'am, meron po kami dito sa hotel. Kunin ko nalang po name ninyo." Sagot niya. I gave my name, license number at kung ano-ano pang hiningi niya.

"Ihahatid nalang po kayo ng staff namin papunta sa sasakyan," wika nito. Aalis na sana ako nang tawagin ako ulit nito. "Ma'am, pinapabigay po pala sa inyo." Iniabot niya ang dalawang papel na may sulat.

"Thank you,"

Pagsakay ko sa kotse, doon ko binuksan ang papel. Ang una ay galing kay GB.

Des,
        Kailangan ko muna mag-isip. Sorry hindi na kita sinama sa paghahanap kay Ruby. I'd rather be alone. Talk to you soon.
                                                                                       Bryan.

I rolled my eyes after reading. May cellphone naman, bakit hindi nalang siya magtext.

I opened the second paper.

Destiny,
         I want text you, but I don't have your number. I wanted to talk to you but I didn't know your room number, kaya I sorted to old style.
        I want to invite you to dinner tonight. I don't know, if you'll come, so, I'll wait for you in the Seafood Restaurant at 8 pm. See you there.
                                                                                      From: Al

This time, I'm smiling. Everything is not so bad after all.

I put the letters in my bag bago nagsimulang mag drive.

My destination is Bangui Windmills. Just 30 minutes away from the hotel.

While driving, naisip ko naman si GB. Talaga ba'ng ayaw niya akong makausap kahit text man lang at kailangan pa niyang idaan sa sulat ang sasabihin.

Hindi ko naman sinisisi ang lahat sa kanya, I know I had my fault in it. I shouldn't have suggested that bizzare request in the first place. I realized my mistake last night, hindi ko akalaing nakita ko ang sarili ko kay Maja. I'm becoming her, her manipulative ways and her selfishness. Hindi ko ito nagugustuhan, I may defeat her pero hindi ko nagugustuhan ang nagiging ako. This is not me at all.

Naisip ko rin ang sinabi ni GB, all of my failed relationships, sila ang unang nakikipagbreak sa akin, sila ang nangloloko sa akin, ako lagi ang umiiyak at nasasaktan. Maybe I am the problem here, not them.

Kakausapin ko si Al mamaya, hindi para makipagdate at manira ng relasyon ng iba. I want to know kung bakit siya umalis, bakit niya ako iniwan. I want some answer and truth this time.

Message in a bottleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon