"Saan naman pumunta 'yon?" tanong ni Regie.
"Just leave him, Baby. Mag-usap muna tayo," he stretched his hand papunta sa kamay ko at iniwas ko ito.
"Stop calling me baby. Pinatawad na kita, just like you wanted. Pwede ka na ba'ng umalis?" ginawa ba naman akong tanga. Ano'ng akala niya magiging okay kami agad pagkatapos ng ginawa. Aba eh! Tarantado pala 'to at ang lakas pa ng loob niyang pumunta dito.
"I thought okay na tayo? Pinatawad mo na ako diba? At hindi pa ba sapat na pumunta ako dito just to begged for your forgiveness?" He tried to touch me again. God! He's iritating.
"Did I say na pumunta ka dito? It's been days since I've been here, and kahit isang minuto hindi kita naisip Vince, do you know what that means? Ibig sabihin nag-move on na ako."
He suddenly knelt in front of me. My goodness, pinagtitinginan kami ng mga customer sa restaurant. "Lumuhod na ako. What do you want me to do? Halikan ang mga paa mo? Para lang mapatawad mo ako?"
"Tumayo ka nga diyan Vince. You look so desperate, baka maniwala ako," I said sarcastically. Hindi na ako madadala sa mga ginagawa niya. Ngayon ko lang narealize kung gaano siya kamali sa buhay ko.
"I am desperate. Please baby, I love you. I can't live without you," he begged.
Pinabayaan ko siyang nakaluhod sa harap ko. "You should have thought about how much you really love me when you cheated on me," then tumayo siya agad.
Naririnig kong nagbubulongan ang mga tao sa paligid.
"Grabe naman 'yong babae."
"Crazy girl."
"Kawawa naman 'yong boy. Nag-eefort na nga."
Ngayon ako pa ang masama?
"Daisy, what the hell. It was just one stupid mistake, sinayang mo ang isang taong relasyon natin. You know what! It's your fault in the first place, I am a man, I have needs. Kung ginawa mo lang sana ang responsibilidad mo as my girlfriend I would have not look for others." Aba! Ako pa ang sinisi ng gagong ito! Lumapit siya sa akin at itinapat niya ang bunganga niya sa tenga ko at bumulong, "Virgin bitch."
What The Hell! That's it, napuno na ako. Hindi ko na kaya. Kinuha ko ang baso sa mesa at ibinuhos sa ulo niya at tinuhod ko siya. "Aahh! Bitch!" sigaw niya.
Dali-daling tumayo si Regie at hinila ako palayo sa kanya. "Gago ka talaga! Lumayas ka nga sa harapan ko!" patuloy kong sigaw habang sinisipa ko siya at pinipigilan naman ako ni Regie. "Destiny, tama na!"
Lumapit sa amin ang security at manager ng restaurant. "Ma'am, sir, ano po ang nangyayari dito?"
"This bitch---"
I cut him off. "Bastos po kasi. Hinipuan niya po kasi ako. Diba Regie?" Tumingin ako kay Regie na nasa likod ko at nakahawak parin sa braso ko.
And thank God tumango naman siya. "Hindi po namin siya kilala. Lumapit nalang bigla at hiniwakan ako" kinurot ko ang sarili ko sa braso, hanggang sa maluha ako," Please palabasin niyo siya. Natatakot na ho ako" pwede na ako manalo sa Oscar Awards for best actress.
"She's a liar. That is not true!" Dinala ng security guard si Vincent palabas na patuloy lang sa kakasigaw.
"Ma'am pasensya na ho kayo. Okay lang po ba kayo?" tanong ng manager.
Pinunasan ko ng tissue ang amazing luha ko. "Opo, maraming salamat po."
"Sige, aalis na kami. Nanginginig sa takot itong kasama ko eh. Nakakatakot naman kumain sa restaurant ninyo. Magrereport na kami police. Hindi safe." ani Regie.
"Ay, pasensya na ho talaga kayo. Ngayon lang po nangyari ito. Next time na punta po ninyo dito nay 30% discount po kayo sa food. Wag na po kayo magreport sa police," sagot ng Manager.
"Sige, pag-iisipan namin. Tara na girl." yaya ni Regie at lumabas kami ng restaurant habang naka-alalay siya sa akin.
Almost 5 minutes kami naglakad pabalik sa hotel room at walang nagsasalita sa amin. Hanggang sa masarado namin ang pintuan ng room at humagalpak kami ng tawa. "Best actress ka talaga girl."
"At ikaw naman best supporting actress," sagot ko at patuloy lang kami sa kakatawa.
"Tama na, ang sakit na nang tiyan ko sa kakatawa," habang nakahawak siya sa tiyan. "Kawawa naman si Fafa Vincent. Nasaan na kaya 'yon?"
"I don't care. Ang iniisip ko kung nasaan si Bryan," sabay kaming humiga sa kama.
"Girl, gutom parin ako. Hindi tayo naka kain eh," wika niya.
"Fine, hanapin ko muna si GB. Tapos dalhan na lang kita ng pagkain dito," ngumiti siya sa akin at tumango.
-----
Bryan
Naglakad-lakad ako mag-isa sa dagat. Just to ease my anger. I can’t believe na pinatawad ni Destiny ang gagong iyon nang gano’n lang kabilis. I thought she’s smarter than that! I really want to punch him in the face this morning when I saw him but now I want to kill him!
Ano ba'ng nakita ni Des sa lalaking 'yon? Baka naalog na yata ang utak ni Des at hindi na makapagdesisyon ng tama.
"Bryan!" lumingon ako sa tumawag sa akin.
"Maja?"
"What are you doing here? Bakit hindi mo kasama si Daisiny? Nag-away ba kayo?" sunod-sunod niyang tanong.
"I just want some fresh air and alone time," sagot ko.
"Me too. Tara sabay tayo?" she said sweetly. This girl is slow. Alone time nga eh. It means mag-isa lang.
"Being alone makes me feel at ease, para makapag-isip nang maayos," wika ko.
"Ako rin. An alone time is the best right?" she said. "Let me guess LQ kayo ni Daisiny noh? Are you having second thoughts about your engagement?" usisa niya.
"No--"
She cut me off. Ang daldal niya. Good bye my alone time. "I would totally understand. I think hindi pa ready si Daisiny sa marriage life. You know, may pagka spoiled brat siya. Only child and all. Lagi ba kayong nag-aaway?"
"Hind--"
"If you are not ready para pakasalan siya. Dapat sabihin mo sa kanya. She deserve to know. I think she doesn't deserve you. Mature ka, childish siya. We have been bestfriends like forever kaya kilala ko siya kaysa sayo lalo na parehas kaming babae and If you ever want to talk I'm always here for you Bryan," she gave me a quick kiss in the cheek, "Bye." then she gigled.
Crazy girl. No wonder, Destiny hates her. Everytime na mag kukwento siya noong high school sila about her lagi siyang umiiyak "Bryan?" sabi ng babae sa likod ko.
"Destiny? Ano'ng ginagawa mo dito?"
"Ako dapat ang magtanong sayo niyan. Bakit kasama mo si Maja? At hinalikan ka pa niya."
Ngayon ko lang narealize kung bakit bigla niya ako hinalikan sa pisngi, because she knows palapit na sa amin si Destiny. Scheming girl.
------------------------------------------
2014©AllyHPerkins
Published: 01/14/15
All rights reserved
BINABASA MO ANG
Message in a bottle
LosoweDestiny and Bryan had been bestfriends since they were on diapers. Everything they do is strictly platonic. One day they found a bottle that has a message on it about true love. Getting sick on their list of failed relationships, they decided to fin...
