CHAPTER 8

374 17 0
                                    

CHAPTER 8

~Max Kira~

Waaahhh ayoko ng bumangon huhu sabado na...at ngayon ako maglalaba >___< 

"Hoy Max!! Bumangon kana dyan kong gusto mong matapos to ng maaga hahaha"-rinig kong sigaw ni Jaired sa labas ng Kwarto ko. Pag tingin ko sa wall clock..5:35 palang ng umaga. "Ayoko nga...labhan mo sarili mong damit!"-sigaw ko pabalik. Huhuhu bakit ba kasi yun pa naisipan nyang parusa pwede namang maglinis na lang sa kwarto nya diba? O sa Garden pero maglaba? Waaaaahhh nakakatamad! T^T

"Babangon ka ba dyan? O papasok ako at kakaladkarin kita palabas!"-sigaw nya ulit. Argh!!! Ang aga-aga nabwibwiset nanaman ako -____- "as if makakapasok ka? Wahaha"-tawa ko. 

"Ah...ganun ba! Hahha hintayin mo ako dyan sa loob"-sabi nya. 

Hindi ako umimik at nakikiramdam kong may tao pa ba sa labas..

Naghintay ako ng ilang minuto at wala paring Jaired kaya humiga ulit ako.

"Hayy makakatulog na ako ng tahimik"-bulalas ko at pumikit na.

.

.

.

.

.

.

*Bogsh*

O___________O

Napabangon ako bigla dahil sa bigla biglang pag bukas ng pinto.

"Damn it Jaired!!! Papatayin mo ba ako sa gulat!!"-sigaw ko sa kanya at sya naman ay halos mapahiga na sya sa Floor kakatawa at nakahawak pa sa tyan nya. OA lang '__= 

"Hahaha grabe Max haha... nakita mo lang sana ang mukha mo kung pano magulat hahaha Grabe.. parang di makaanak na kalabaw hahha"-Grabe sya T^T binato ko nga sya ng unan ko kaya napahinto sya bigla sa pagtawa at tumingin sakin na nakabusangot...at akala ko hihinto na sya pero argh!! Tumawa ulit! 

"Mabulunan ka sana"-bulong ko

"Hahaha ampanget mo na nga maxuleng bubusangot ka pa hahaha"-tawang-tawa nyang sabi. Duh! Hindi ako panget ano! Tsk. Nang-iinis nanaman sya..walang duda magkaibigan nga sila ni Dine -_______-

Tumayo na lang ako sa kama at bumaba...at nang lalagpas ako sa kanya ay tinadyakan ko ang legs nya saka ako kumaripas ng takbo pababa

"Aray!!! Bumalik ka ditong bata ka!!"-sigaw nya kaya mas binilisan ko ang pagtakbo ko pababa "waaahh Lolaaa help meee!!"-sigaw ko habang patakbo pababa..

"Oh apo ano ba nangyayare sainyo? Kanina pa kayo nagsisigawan sa taas"-sabi ni Lola mili sya ang kasambahay namin at sya ang nag-aalaga sakin nong sanggol pa ako.

"Maxuleng!!! Langya ka ang sakit na nang hita ko"-sigaw nya sa taas kaya tumakbo ako sa likod ni Lola

"Aysus mga batang to...tumigil na nga kayo ang aga-aga naggagantilan nanaman kayo!"-sabi ni lola sabay hawak sa noo nya.

"Hehe..."-yun lang sagot ko

"Lola sya kasi...tinadyakan nya legs ko ang sakit!!"-sumbong ni Jaired na parang bata nong nakababa na sya. Natawa ako dahil para syang bata (ay grabe sya. Sya rin naman ah) "hay naku mga batang to..halina nga kayo't mag-almusal na kayo"-pag-aaya ni lola samin sa kusina. Sabay kami ni lola naglakad at si Jaired naman ay nasa likod namin..tumingin ako sa kanya at binelatan ^__^ ni-rolled lang nya ang mata nya kaya natawa ako...waahaha bagay nyang maging bakla.

Umupo na kami ni Jaired at nagsimula ng mamili ng makakain. Pero nagbabanggayan pa kami...nakita ko naman si Lola mili na nanonood samin habang nakangiti kaya inaya ko sya

A Kiss With A StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon