CHAPTER 10.1

309 21 1
                                    

FLASHBACK

THIRD PERSON

~4 Years Ago~

Second year Highschool palang sila noon nang magkatagpo ang kanilang landas. Kaya lang hindi maganda ang una nilang pagkikita dahil sa ginawa ni Dine na plinanong lagyan ng timba ang toktok ng pinto nila at may laman pa itong tubig. Numero uno si Dine sa pambubully non sa mga transferee..at nalaman nyang nerd ang bagong kaklase nila kaya naman pinag handaan nya yon bilang pang-welcome sa Nerd. Matagal silang nag-antay sa loob ng Classroom nila kasama ang mga barkada at Classmates...maya-maya ay may kumatok sa medyo bukas na pinto kaya naalarma sila. Sabay-sabay silang nagsabi ng 'pasok' dahan-dahan iyon binuksan ni Max at pumasok ng nakangiti pero bigla nalang napawi ang matamis na ngiti ng may dumaloy sa katawan nyang malamig na tubig at natamaan pa ng timba. Nagulat at nanigas sya sa kinaroroonan nya at di inaakalang may mangyayaring ganun sa kanya in all her life. Tumingin sya ng matalim sa mga kaklase nya at parang mabibingi ka sa katahimikan dahil walang balak tumawa at bakas rin sa mukha nila ang pagkagulat..hindi nila inaasahang Isang dyosa pala ang bagong Classmate nila! 

Maski sina Dine ay Gulat na gulat at titig na titig sa magandang dalaga sa harapan. Si Max ay tinignan ang timbang naiinis at biglang binato ito sa harapan ng Mga Classmates nya at sumigaw ng 'WHO THE HELL DID THIS TO ME?' pero wala syang natanggap na sagot kaya mas lalo syang nagalit..napasigaw ulit sya ng 'sino' at biglang tumayo si Dine na nakangisi at tinaas ang kamay at binigkas ang 'Me. Pang-welcome ko sayo' pabalang na sagot nya. Gulat at galit na tumingin si Max sa kanya at hinead to foot pa si Dine na nakataas ang isang kilay. 'You'll Gonna pay for this Asshole!' sambit ni Max at lumabas na basang-basa at walang pakealam sa mga taong nakatingin sa kanya ng may pagtataka. At sa paglalakad nya ay may nakita naman syang Janitor na nakabitbit ng timbang may lamang tubig...lumapit sya dito at walang pasabi itong kinuha at agad na nagtungo sa Classroom nila. 

Si Dine naman ay nagkibit balikat ng makalabas na si Max at napatawa pero walang sumabay sa kanya kaya tumigil sya at nakita nyang nakatitig lang sila kay Dine. Maya-maya ay may pumasok kaya napatingin silang muli sa pinto at inakalang si Max iyon pero bumungad ang isang Nerd na babae. Napanganga sila dahil ito pala ang tinutukoy nilang nerd at Hindi si Max.

Nagtaka naman ang Nerd kong bakit basa ang sahig at may timba sa harap..naisip nalang nyang baka para sa kanya iyon pero may nakauna na. Maglalakad na sana ulit sya ng may pumasok kaya napatingin sya don at nakita nyang basa ito at galit. Nakita nila si Max na nakabitbit ng timba at nagtungo sa kinaroroonan nila Dine..nagsitayuan ang mga barkada ni Dine at lumayo sa kanya. Namilog naman ang mga mata ng kaklase nya at napanganga ng ibuhos nya ang tubig sa ulo ni Dine. 

Napamura si Dine sa gulat at biglang napatayo at tinignan nya si Max. Ngayon ay parehas na silang mukhang basang sisiw. Ngumisi naman ngayon si Max at sinabing 'Ngayon alam mo na kung anong pakiramdam ng mabuhusan ng malamig na tubig Mr. Kumag! You've mess with a wrong Person'

Hindi akalain ni Dine na may Katapat na sya at babae pa. Si Max ay naging kaibigan nya ang Nerd na nagngangalang Nicolette.. Hindi naman talaga sya totally nerd trip nya lang mag ayos ng ganun. 

Palagi silang nag-aaway non dahil palaging inaasar ni Dine si Max may time pa ngang nasapak si Dine sa mukha dahil sa sobrang inis ni Max. At nong nalaman nyang pinsan pala ni Jaired at Andrei si Max ay mas lalo syang nagkainteres sa dalaga na asarin. Kumbaga natutuwa sya pag naiinis kay Max. 

At nong tumira sina Jaired at Andrei sa Mansion nina Max para may kasama ang dalaga dahil nasa ibang bansa ang mga magulang nya palagi syang pumupunta don pag walang pasok. Dahil gusto lang nyang makita si Max at inisin. Walang araw non na hindi sila nag aaway mapa-school man O sa Labas ng Campus nila ay nag aaway sila.

A Kiss With A StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon