Dine Black Frost
Isang buwan. Isang buwan na ang nakalipas pero no response parin si kira..na comatose nanaman sya. T_T araw-araw akong nandito.. pagkatapos ng klase namin sa tanghali ay dumederetso kami dito. At pag Friday at Saturday ay dito narin ako natutulog. Sobrang miss ko na sya...sya kaya namimiss na kaya nya ako? "Damn!! Gusto ko pagmulat ng mga mata mo ako agad ang mabubungaran mo kira... gumising kana naman na oh! Lord plsss wag nyo naman pong ipagdamot sakin ang pinakamamahal ko. Wag nyo muna sya kunin..okay lang kong kahit di na nya ako maalala basta makita ko lang syang nakamulat ang mata at makita ko lang syang nakangiti masaya na rin ako wag lang ganito! Sobrang sakit na kasi eh...panginoon ibalik mo naman na sya samin please I'm begging you...tama na ang isang buwan na natutulog sya! Gisingin mo na sya oh. Miss na miss na miss ko na ang *hik m-mahal ko. T__T bakit nyo ba pinagdadamot sakin ang kaligayahan ko? Sabik na sabik na akong mayakap sya... A-anong saysay ng buhay ko kung wala rin naman ang taong nagpapasaya, nangongompleto at ang tanging inspirasyon ko!!! Tang*na"-naramdaman kong may humaplos sa likod ko.
"Magigising din sya Black...tiwala lang"-mahinang sambit ni Nicole. Dalawa lang kami ngayon dahil kakaalis nina tita Maxine at tito Kirald papunta sa America dahil nagkaproblema ang company nila don. At araw ngayon ng sabado..ang iba naman ay umuwi muna. "Kira Please wake...up. sabik na sabik na ako sayo! Damn this! Gumising kana..."-halos hindi na marinig ang boses ko dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon. "S-sa l-labas muna A -ako Black!"-sabi ni Nicole. Tumango lang ako sa kanya..kahit hindi ko sya nilingon alam kong umiiyak din sya at pilit lang pinapakalma ang sarili. Hinalikan ko ang mapuputla nyang pisngi at pumikit kasabay ng pagtulo ng mga luha kong kanina ko pa pinipigilan. "L-lumaban ka mahal ko..wag na wag mong kakalimutan maraming nagmamahal sayo lalong-lalo na ako mahal na mahal na mahal..kita!"
"paano na lang ako huh? Iiwan mo nanaman ba ako without explanation kira? Kakalimutan mo nanaman ba ako ng dahil lang sa maling akala mo?"-then i sobbed silently. Wala akong pake alam kong iyakin na ako
Psh! Nakakatawang isipin na ang halimaw na Gangster naging maiyakin...pagdating sa babaeng nagpatibok ng puso ko. Damn.
Sinandal ko ang ulo ko sa balikat nya at hinawakan ang kamay nyang maputla. Muli nanamang tumulo ang luha ko kaya nahulog iyon sa maputla na nyang makikinis na balat. "Ayokong nakikita kitang ganito kira..napaka-unfair mo. You are so unfair palagi mo na lang akong ginaganito...mababaliw na ako H-hindi ko na alam ang gagawin ko pag wala ka"-bulong ko sa kanyang nakapikit. Pasado alas dose na ng gabi. "I love You Max Kira Spencer"-mahinang bulong ko na ang tingin ko ay ako na lang ang nakakarinig T___T
Ang hirap...hirap na hirap na akong nakikita syang ganyan.
Ini-angat kong muli ang ulo ko at tinitigan sya biglang nangunot ang noo ko ng may mapansin ako sa mukha nya.
Dahan-dahan kong nilapit ang mga palad ko sa gilid ng mata nya at naramdaman kong basa ito..W-what the hell!! "K-kira? A-are you crying?"-Damn Question. Sh*t basa ang gilid ng mata nya...umiyak sya? Ibig sabihin naririnig nya ako? "Kira gumising kana...I can't wait to see your angelic smile"-sabi ko na naiiyak.
At may tumulo ulit na luha galing sa isang mata nya...Oh God naririnig nya akooo!
Kahit papano naririnig nya ako..
"Kaya mo yan mahal ko...wag ka ng umiyak"-saad ko at pinunasan ang luha nya saka ko sya hinalikan sa noo at pisngi.
Jaired Villegas
Makalipas ng ilang araw ay di parin gumigising si Max. Mahigit isang buwan na syang walang malay pero patuloy lang namin syang kinakausap :'(
"dederetso na ba tayo sa hospital?"-Biglang tanong ni Ethan. Di siguro nakapag tiis dahil kanina pang walang nagsasalita habang naglalakad kami papunta sa Parking Lot.
BINABASA MO ANG
A Kiss With A Stranger
Teen FictionMga tingin n'yang nakakaakit, kung makatitig ako'y nanginginig bakit ba ganyan siya makatingin sakin? Hindi naman kami magkakilala para tumingin siya sakin nang matagal at alangan namang ngingiti ako sa kanya eh, nangingilabot na nga ako dito. Sino...