CHAPTER 13
Max Kira
2 weeks na ang nagdaan at nakarecover na ako sa sakit kong iyon..nagbalik na din ang ala-ala ko.
Diko alam kong kelan dahil pagkagising ko ay alam kong nagbalik na ang ala-ala ko. Siguro dahil sa mga naririnig ko sa kanila araw-araw habang natutulog ako O baka himala nga talaga.^___^
Yes..naririnig ko lahat ng mga sinasabi nila...lalong lalo na si Dine. napapaiyak ako sa mga sinasabi nya.
Lalong-lalo na nong sinabi nya tungkol sa pagpo-propose nya sa simbahan noon na ang akala ko ay para kay Cheska ang bagay na yon pero nagkamali pala ako -__- tanga ko talaga...alam nyo hate ko din minsan ang sarili ko dahil pag nagalit na ako wala na akong gustong intindihin O walang didinggin nakakainis lang -____-.
Hapon na ng linggo at papasok na ako bukas madami na akong na-missed na Activities. Nandito ako ngayon sa Vegetrees Garden dito sa likod namin...kong saan ako naging tanga nong last month -__-
Naka upo ako dito sa Duyan habang nagbabasa ng Wattpad^__^
NagWa-wattpad din ako noh pag wala akong magawa.
Sina kuya Jayro at Andrew naman ay lumipad na papuntang states kagabi lang. At alam nyo ba ang last words sakin ni Andrew sungit? Syempre hindi pa kaya sasabihin ko...Skl ~__~
'Hoy Maxule pandak wag kanang tatanga-tanga hah! Baba-baba din ang PRIDE pagminsan okay? Pag nalaman ko pang pinapairal mo ang pride mo kahit na dimo pa alam ang rason...malilintikan ka talaga sakin. Uuwi ako dito at ako na magbabantay sayo >__< kasi pakiramdam ko pabaya ang mga nag-aalaga sayo dito eh.' yan ang sabi nya at napakaseryoso talaga. Pagkatapos nyang sinabi yon tinignan nya ng matalim sina Andrei at Jaired.
Alam nyo sya ang pinaka-bata samin pero Ugh...parang sya ang pinakamatanda samin dahil sa pag-iisip nya masyadong matured >__>
"Max!! Kain na!!"-sigaw ni Jaired sa pinto sa likod ng bahay namin...medyo malayo pa kasi ako don tinamad sigurong lumapit kaya sumigaw na lang.
Hayss dati namang tamad hehe. "Okay...sunod ako!"-pabalik kong sigaw. Pero nangunot lang noo nya
"uy wag ka ngang sumigaw!! Baka maapektuhan ka! Halika na...pag dika pa tumayo dyan bubuhatin kita!"-Luhh pano nya maririnig ang boses ko kong diko lalakasan. Baliw. Pinaikot ko na lang ang mga eyeballs ko at dahan-dahang tumayo sa duyan.
Naglakad na ako patungo sa kinaroroonan nya at ng makalapit ako sa kanya ay hinila na ako papunta sa kusina. "Jaired wag mo namang ipahalatang Gutom kana."-asar ko.
"iihh ang bagal mo kasing maglakad!! Gutom na ako"-sabi nya at hila hila parin ako.
At ng makapunta kami sa kusina nandon na pala si Andrei na naka-upo at parang hinihintay kami. Tumingin ako sa ulam wow ang sarap ngayon nanaman ako makakatikim ng Sinigang na baboy
"hmm..kaya pala gutom na si Jaired hahaha paborito nya pala ulam natin ehh!"-natatawang saad ko.
Buti naisipan nilang magluto ng ganyan di puro luto lang ng Chef tsk. "manahimik ka na lang takam na takam na ako eh!"-pagmamaktol nya.
Inihilaan nya ako ng upuan at saka ako umupo don. Bini-baby nanaman nila ako *Pout* nasasanay tuloy ako *Pout*
Kukuha na sana ako ng pagkain ko ng inunahan ako ni Jaired. Nilagyan na nya ng maraming kanin ang pinggan ko at saka nilagyan ng sinigang na baboy. Sinasanay talaga nila ako palagi na lang ganyan..kong di si Jaired ang maglalagay ng pag kain ko si Andei naman hmp!! Napaka-OA nila -__-
"ba't andami Jaired diko yan mauubos!"-reklamo ko.
Sabay silang tumingin sakin ng may pagbabanta. Argh!!! Masyado na silang Strikto ah! Mas gusto ko yung nag-aasaran kami. Di ako sanay na ganito sila.
BINABASA MO ANG
A Kiss With A Stranger
Teen FictionMga tingin n'yang nakakaakit, kung makatitig ako'y nanginginig bakit ba ganyan siya makatingin sakin? Hindi naman kami magkakilala para tumingin siya sakin nang matagal at alangan namang ngingiti ako sa kanya eh, nangingilabot na nga ako dito. Sino...